Part 13

6 3 0
                                    


Napag-alaman ko na ngayon ang flight ni NIKKO papuntang New york. At narinig ko din kay JACKY na kasama niyang umalis si JESSICA dahil sa New york na din daw ito mag-aaral. Hindi man lang nagpaalam ng personal sa akin si NIKKO. Siguro naman kahit papaano naging magkaibigan kami. Ni minsan ba talaga hindi man lang ako minahal ni NIKKO. Nasabi pa sa akin ni JACKY na may pinabibigay daw na sulat si NIKKO sa akin, inabot daw ni JESSICA ito sakanya kahapon.

Excited ako na mabasa iyon. Siguro hihingi ito ng tawad sa kanya at sasabihin na mahal nya talaga ako. Umaasang sabi ni IANA sa sarili.

Maya-maya lang ay kinatok ako ni mama sa kwarto at sinabing nasa sala daw si JACKY.

Ma, pakisabi na lang po na umakyat na lang siya sa kwarto kasi humihiram po siya ng assignment sa akin. Pagsisinungaling ni IANA para hindi makita ni mama niya ang sulat na iaabot ni JACKY sakanya.

IANA masayang sabi ni JACKY habang papasok ng kwarto niya.

Hello JACKY, niyakap ko siya.

O siya maiwan ko muna kayo ha. Pagtimpla ko na lang kayo ng juice.

Salamat po mama. Nakangiting sabi ni IANA.

Bff ito pala iyong sulat. Nakangiting sabi ni jACKY habang papaupo sa kama niya.

Alam ko di mo babasahin yan ng nandito ako kaya itago mo nalang muna. Tumatawang biro ni JACKY.

Thank you JACKY. Ikwento ko na lang sayo bukas sa school kung anung sinabi nya dito sa sulat. Kinikilig na sabi niya dito.

Nagkwentuhan silang magkaibigan at dinalhan sila ng meryenda ng mama niya. Maya-maya lang din ay nag paalam na si JACKY na baka hinahanap na siya ng mama niya.

Thank you JACKY. Uy basta ha sa December 3 na ang birthday ko. Punta kayo ni CINDY ha kasi nasa 18 treasure ko kayo.

Dont worry bff kahit di mo kami invite ni CINDY pupunta talaga kami. Kainan yata yun tumatawang biro ni JACKY. Advance happy Birthday bff, i love you. Niyakap siya ni JACKY at nagpaalam na. Hinatid ko siya sa labas.

Thank you bff. I love you too.

Pagka-alis na pagkaalis ni JACKY ay bumalik ako sa kwarto at nilock ko ito. Kinakabahan ako habang binubuksan ang sulat.

IANA,

Siguro naman nalaman mo ng pinagtripan lang talaga kita noon. Ginawa ko lang iyon kasi naiinis ako sayo that time, tapos naramdaman ko kasi na may gusto ka sa akin at napag-isipan ko na anu kaya kung ligawan kita kunyari sasagutin mo kaya ako. Ayaw ko naman na magkaroon tayo ng samaang loob bago ako umalis ng pilipinas, kaya gusto kong humingi ng tawad sayo. Hindi talaga kita mahal IANA dahil nagiisa lang ang babaeng minahal ko ng totoo iyon ay si JESSICA at may usapan na kami na pagkatapos ng OJT ko sa New york ay pakakasalan ko na siya. Hindi ko siya kayang ipagpalit sa kahit pa kaninung babae sana maintindihan mo ako. Makakahanap ka din ng lalaking magmamahal sayo. Siya nga pala advance happy birthday sayo. Sana maging masaya ka na lang para sa amin ni JESSICA. Im sorry again

NIKKO


Hindi ko mapigilang umiyak dahil sa sulat niya. Totoo ngang niloko niya lang ako at ang masakip pa doon hindi niya talaga ako minahal at si JESSICA lang ang mahal niya at pakakasalan pa niya ito. Parang lalo niya lang akong sinaktan sa mga sinabi niya. Napaka walang hiya talaga ng NIKKO na iyon. Pag babayara niya ang ginawa niya sa akin. Wag na sanang mag krus ang landas namin balang araw. Hindi ko alam kong kaya ko siyang patawarin dahil ginawa niya akong tanga at pinaasa na talagang mahal niya ko.

Dumating na ang pinaka mahalagang araw sa buhay ko. Debut ko na ngayong araw at pinilit kong itago ang lungkot sa mga mata ko. Ayaw kong pati ba naman ang birthday ko ay masisira dahil lang sa nararamdam kong galit kay NIKKO.

Marami din akong dumating na mga bisita. Lahat ng mga pinsan ko at mga tita at tito ko ay nagsidatingan din. Mga classmates ko at si CINDY at JACKY na matalik kong kaibigan at iba ding mga kaibigan nila mama at papa. Nagulat din ako ng dumating si AARON at may dala siyang flowers at gift para sa akin. Kahit papaano naging masaya ang naging gabi ng birthday ko at napaka saya nila mama at papa dahil ganap na daw akong dalaga at niloko pa ako na pwede na daw akong magpaligaw. Naiyak pa ako sa speech ni papa sa akin. Napaka swerte ko talaga at nagkaroon ako ng magulang na mapagmahal at maalaga. Hindi man kami mayaman pero mayaman naman ako sa pagmamahal ng magulang.

Baby Please Love Me Till The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon