Maagang nagbyahe si IANA kaya 7am palang ay nakarating na siya sa LA PIETA kung saan nakalibing si AARON. Si AARON ang unang pinuntahan ni IANA pag dating ng pampanga.
Hello babe. Namiss mo ba ako? 1 month din akong hindi nakadalaw sayo. Pasensiya kana kasi sunod-sunod ang mga meetings ko. Sobrang miss na kita babe, parang kailan lang nandito ka kasama ko, mag 5 years na din pala na wala ka pero para saakin nandito ka lang sa tabi ko kasi never kang nawala sa puso ko. Kamusta ka naman jan? Masaya ba jan babe? Araw-araw kitang bibisitahin nyan kasi nagpaalam ako kay mommy AMANDA na 2 weeks akong magbabakasyon dito, and next week babe 5 years na sana tayong kasal, natandaan mo ba o baka nakalimutan mo ha? Tumatawang sabi ni IANA.
Siguro babe 2 o 3 na ang anak natin ngaun noh? Hindi mapigilan ni IANA ang maiyak. Masaya siguro tayo kung nabubuhay ka lang alam kong magiging mabait at mapagmahal kang ama, sayang lang at di na kita kasama ngaun. Basta babe palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Si mommy babe sinasabing magpaligaw na daw ulit ako kasi sayang daw ang kagandahan ko, sabi ko naman ikaw lang ang tinitibok ng puso ko, pero if dumating man ang araw na magmahal ako ng iba palagi mong tatandaan na di ka mawawala sa puso at isip ko. Ikaw ang original na mahal nito, sabay turo sa puso ni IANA.
Sige na babe papasyal na lang ulit ako sayo bukas ha. Pakiss nga ako bago umalis, papikit na humalik si IANA sa hangin. I love you too babe, tumatawang sabi ni IANA.
Dumiretso si IANA sa isang restaurant, nakaramdam siya ng gutom dahil di pa man siya nakapag almusal at maaga siyang nag byahe. Mag 9am na pala tingin ni IANA sa relo.
Nag pasya si IANA na kumain na lang sa gerry's grill. Pag ka park nya ng sasakyan ay dali dali ng lumabas ng sasakyan. Sa pag mamadali ni IANA ay may nakabanggaan siya at alam nyang lalaki ang nakabangga nya.
Dali daling humingi ng sorry si IANA.
Im so sorry sir sabay tingin nya sa nakabanggaan sabay ngiti.
Its ok, gulat na sabi ng lalaki pagkakita sakanya.
NIKKO? Nagulat na sabi ni IANA.
IANA, long time no see, nakangiting sabi ni NIKKO.
Parang deja vu ang nangyari ngayon. Ganitong ganito din sila nagkakilala ni NIKKO. Nakabangga niya ito sa isang mall noon.
Mag breakfast ka din ba? Nakangiting tanung ni NIKKO.
Yeah. Nakangiti ding sagot ni IANA.
Sabay silang pumasok sa restaurant. Umupo sila sa pang apatan na mesa. Magkaharap sila ng upuan.
Kamusta na IANA? Unang nagsalita si NIKKO.
Im doing good NIKKO. Ikaw kamusta kana? Tanung ni IANA.
Ito ok naman ako kadarating ko lang galing LONDON last week, may branch na kasi ang hotel ko doon. Masayang balita ni NIKKO.
Really? Thats good to hear. Ako kararating ko lang din dito sa pampanga kanina. Nakangiting sabi ni IANA.
Ikaw lang bang mag-isa? Di mo kasama si AARON? Malungkot na tanung ni NIKKO.
Biglang nalungkot ang mukha ni IANA at pinilit na ngumiti.
May problema ba? Nagaalalang tanung ni NIKKO.
Matagal ng wala si AARON... malungkot sa sabi ni IANA.
What you mean matagal ng wala si AARON? Naghiwalay na ba kayo? Naguguluhang tanung ni NIKKO.
Mag 5 years ng patay si AARON dahil sa car accident NIKKO. Malungkot na sabi ni IANA.
What? Sorry to hear that IANA, di ko alam na namatay si AARON, di man lang ako nakapunta sa lamay at libing nya. Malungkot din na sabi ni NIKKO.
Ilang buwan lang ng kasal namin ay namatay si AARON, napakasakit noon kasi agad kinuha ng diyos ang asawa ko. Di man lang niya muna hinayaan na makasama ko ng matagal ang asawa ko at hanggang ngaunay sobrang sakit pa din, umiiyak na sabi ni IANA.
Nilapitan siya ni NIKKO at niyakap ng mahigpit. Sorry sa nalaman ko IANA, ayaw kong nakikita ka na nasasaktan ng ganyan.
Tinanggal ni IANA ang pagkakayakap ni NIKKO kasi nakaramdam siya ng kuryenta sa pagkayakap nito.
Im ok now NIKKO, limang taon na din iyon, di ko lang talaga mapigilang umiyak pag naaalala ko siya.
Bumalik sa upuan niya si NIKKO.
Nagpunas ng luha si IANA at pinilit na ngumiti.
Ikaw naman ang magkwento sa akin NIKKO. Ilan na ang anak mo? Nakangiting tanung ni IANA kahit na may konteng kirot syang naramdaman.
Tumawa ng malakas si NIKKO.
Grabe ka namang magtanung IANA, anak kaagad? Di ba pwedeng itanung mo muna kong may asawa ako?
Biglang kumirot ang puso ni IANA. Asawa? Tanung ni IANA sa sarili.
Ngumiti si NIKKO, wala po akong anak at lalong wala pa akong balak na mag-asawa, hinihintay ko pa kasi ang ibibigay sa akin ni lord at parang sa tingin ko nakita kuna ulit siya. Nakangiting sabi ni NIKKO.
Nakita na ulit? Tama ba ang narinig ni IANA? Siya ba ang tinutukoy ni NIKKO? Kinilig bigla ang puso ni IANA.
Natapos silang magkwentuhan at kumain ay nagpaalam na din si IANA kay NIKKO. Sinabi nya dito na 2 weeks siyang magbabakasyon sa pampanga at mag stay siya sa mama at papa niya.
Papasok na siya ng sasakyan ng bigla ulit nagsalita si NIKKO.
IANA, pwede ko bang mahingi ang phone number mo? Kung ok lang sayo ha, nakangiting sabi ni NIKKO.
Yeah sure. Sabay bigay ni IANA ng number kay NIKKO. Ewan ba nya bakit parang bigla siyang sumigla.
Sige NIKKO mauuna na ako. Ingat kana lang din sa pag drive mo. Nice talking to you.
Nagulat si IANA ng bigla siyang halikan ni NIKKO sa cheeks niya.
Bye IANA. Take care. Nakangiting paalam ni NIKKO.
Hindi alam ni IANA kung pinaglalapit ba talaga sila ni NIKKO ng tadhana o nagkataon lang na magkita sila ulit.
Sorry AARON kung bigla akong sumaya ngayong araw. Sana wag ka magagalit ha. Nakangiting sabi ni IANA sa picture ni AARON nasa car niya.
BINABASA MO ANG
Baby Please Love Me Till The End
RomanceDalawang taong nagmamahalan pero pilit na pinaglalayo ng tadhana...