Chapter 42~ HOT and SWEATY

53 3 0
                                    

RECAP: Nanalo ang Warriors sa championships. Hindi nakalaro si Daren at sinamahan siya ni Elea sa clinic. Then we meet Ailee who claims that Daren is her BOYFRIEND. Kita niyo din ang reaksyon ng Warriors kay Ailee especially Elea. 

Picture on the side > Ano gagawin niyo pag nakasalubong niyo ang Warriors?

----------------------------------------

The Next Day: Homeroom

"wow himala ata na hindi ka late ngayon capt" sabi ni Carlo pagpasok ni Daren sa klase. 

"tss" nakasimangot siya habang palapit sa upuan niya. Magugulat nalang ako kung nakangiti siya. 

"So yun na nga sabi ni mama na gusto ka daw niya makilala kaya dun ka nalang sa bahay mag dinner" pagdating ko kanina kinwento agad ni Carlo ang tungkol sa ina niya at bakit gusto niya ako makilala. Nakakahiya naman. Ito kasi si Carlo kung ano ano ang kinekwento sa mga magulang niya! 

"Hmm sige magpapaalam ako mamaya kay mami" oo nga pala, nakauwi na sila mami kagabi. Ang daming mga pasalubongs, as usual, at ang dami ring tanong ni mommy tungkol sa mga classes ko. 

"Don't worry ipapaalam kita mamaya" sabay kindat niya. Nung nalaman niya na dumating na sila mommy, nagpumilit siya na makita sila. Gusto niya daw magpakilala at magpasalamat na pinanganak ako. Tingnan mo kung ano ano ang pumapasok sa isip ng batang to.

 "Oh sige dumeritso ka nalang sa bahay mamaya pagkatapos ng--"

"I think you're forgetting something." napatingin kaming dalawa sa nagsalita. Nakapoker face lang siya, as usual, habang nakatingin sa harap. 

"Ano yun?" tiningnan niya ako

"The project? I told you yesterday that we're going to start working on the project today" he said in a 'as-a-matter-of-fact' tone. 

"Oo nga pala!" tiningnan ko si Carlo, "nakalimutan ko! Sorry talaga Carlo! Bukas nalang pala- promise!" This Friday na pala ipapasa namin ang project! Hmm sila Carlo tapos na kaya? Hindi ko pa nga alam ano topic namin ei. Sabi daw "business" related. Eh wala naman akong alam dun. 

Nag pout siya,"sige sabihin ko nalang kela mama na bukas nalang" Guilty tuloy ako! Mukhang excited pa naman si Carlo kanina!

"Pero... pwede mo naman ako ipaalam para bukas! And I'm sure my mother would love to meet you" Hope I made him feel a little better.

Ngumiti siya, "of course! Kailangan nila makita ang kagwapuhan ko!" 

"what about the project huh?" tiningnan ko si Daren

+_+ Nagkibit balikat ako, "Edi dun nalang natin gawin sa bahay namin." nagulat ako ng ngumiti siya. 

o.O "ok" tipid niyang sagot. 

So dinner mamaya sa bahay kasama si Carlo at Daren. Is this a bad idea?

-------------------------------------------------------

Lunch na at lahat nandito na sa table. 

"sige sama ako sa inyo guys" sabi ni Belle. Nag invite kasi si Jayer na mag clubbing daw kami mamaya since next week na ang start ng soccer practices nila. Kakatapos lang ng basketball season at kailangan na nila mag ready para sa soccer season. 

"Ok. Basta next time kailangan na sumama ni Elea" Sinabi ko sa kanila na hindi ako makakasama kasi nga kailangan pa namin simulan ni Daren ang project. 

"Sasama ako basta wag lang sa club" nung pumunta ako kasama si Belle, I promised myself na hindi na ako papasok sa mga club. 

"KJ!" sigaw ni Zeke habang nakasimangot

I Will Find You This Time (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon