"Pag sinabi ko ang pangalan mo at ang magiging partner mo, lalapitan niyo ang isa't isa." utos ni ma'am.
"Ano ba talaga ang ipapagawa niya?" paulit ulit na tanong ni Carlo. Hangang ngayon wala pa kasi silang alam ni Daren tungkol sa surprise performance. I'm surprised nga na nakaya ng mga kaklase ko itago to. Ang daldal kaya nilang lahat!
Ang una niyang tinawag ay si Belle at ang kapartner niya ay ang president ng student council. 'Pres' ang tawag ng lahat sa kanya. Pero Adrien talaga ang pangalan niya. Akala ko nga nun Pres talaga pangalan niya. Mabait siya. Hiniram ko kasi notes niya nun eh.
Hindi lumapit si boo sa kanya kaya siya nalang ang lumapit. Alam niyo naman yan si boo <.< Nakangiti lang si Adrien na parang wala lang sa kanya na ganun ang trato ni boo.
Then unti unting nabawasan ang side na walang mga partner at dumami ang side na mga meron.
Sino kaya partner ni Daren?
Si Carlo kaya sino?
I'm sure nag wiwish ngayon ang mga babae na magiging kapartner sila.
Not me though.
Wish ko lang na alam sumayaw ng kapartner ko. Ang hirap kaya magturo! Wala akong patience sa pagtuturo!
"Next we have.... Rossano and Garcia" Agad ko hinanap ang kapartner ko.
Sabay kaming ngumiti at nilapitan namin ang isa't isa.
"Next. Redmano and Bernabe"
Oh? Magkapartner sila ni Rose?
That's good I guess. I mean, she is the student council vice president. She looks trustworthy.. teka ano ba pinagsasabi ko? Ano pakialam ko sa kanila? Stop these thoughts Eleana!!
Si Carlo naman ay kapartner yung laging kasama ni Rose.
Nakasimangot si Carlo habang palapit ang kapartner niya.
"Eleana?" tiningnan ko ang katabi ko
"mhm?"
Tumawa siya, "Kanina pa ako nagsasalita dito, wala naman pala nakikinig..."
Tiningnan ko ang katabi ko, "S-sorry! A-ano nga pala yung sinabi mo...?" May sinabi ba siya? Parang wala naman ah. Wala akong narinig.
"Sabi ko magpractice na tayo as soon as possible kasi mahirap matuto ng sayaw-"
"-hindi kaya"
"I'm guessing you're a dancer?"
"Hindi noh. I dance but I'm not a dancer. Hindi ako magaling."
Tumawa siya. Awe ang cute! Nawala mga mata niya! Oh Chinito~~
"Okay if you say so." nilipat ko ulit ang attensyon ko sa kabilang dulo ng room.
Agad akong tumingin sa sahig. OMGOMGOMG. Nakita ako ni Daren na tumingin sa kanya!! Kakahiya baka ano isipin niya!!
Teka.
Anong masama kung titingnan ko sila? Hindi naman niya alam na kanina ko pa sila tinitingnan ah!
"Hey ano number mo? We should stay in contact."
"Oh uhm..." binigay ko sa kanya ang number ko at binigay niya rin number niya.
BINABASA MO ANG
I Will Find You This Time (REVISING)
Teen FictionI felt him sit down on the chair next to my bed. He intertwined his fingers with mine. His hands are warm. Ayoko tanggalin niya ang pagkahawak sa kamay ko. I feel safe when he is around. I badly want to open my eyes, gusto ko hawakan ang mukha niya...
