Chapter 45~ Another side of him

44 2 0
                                    

SORRY FOR THE LONG WAIT. I HAVE BEEN BUSY WITH EXAMS :) BRACE YOURSELVES WITH THIS CHAPTER! 

Papasok na ako ngayon. Infairness gumaling pakiramdam ko nung dinalan ako ni Redmano ng mga foods.

Hindi parin kami bati.

Hindi siya nag sorry ei. Bahala siya.

"Ngiti ngiti mo diyan?" tanong ko pagpasok ng kotse. Ngiting ngiti kasi tong si boo, parang pokpok.

"Wala lang!" sabi niya habang nakatingin sa labas ng bintana. Umandar na ang kotse.

"Okay....." weird niya. Simula nung dumating siya sa bahay kahapon, iba ang kinikilos niya. May tinatago siya sa'kin alam ko.

Anabelle's POV

Ang saya ko! May dalawang rason kung bakit! Una!

Performance ko na mamaya! Excited na ako! Alam niyo naman na part ako ng drama club diba? I love to act and it just so happens that I'm good at it. Halos three months of planning and rehearsals aba dapat lang ma-excite ako noh! Gusto ko na matapos to! Lagi nalang ako late umuuwi at maaga gumising para lang umattend ng rehearsals.

Nuod kayo ah! Ako ang main lead!

Okay fine, ako ang leading lady, hindi main lead. Pero na-inlove ang main character sa character ko kaya consider me as the main lead. *flips hair*

Pangalawa!

Masaya ako kasi gumana ang plano ko!

ERMHAGUHD!

Napaka-evil ko talaga!

Pero masaya maging evil! >:)

Ganito kasi yun.

Kahapon dumating si captain sungit. Umagang umaga sinusungitan niya ako. Litsi hindi ko nga pinapasok ng bahay! Baka mahawaan kaming lahat ng kasungitan niya!

Tinext niya kasi ako na nasa labas siya ng 'white house' daw. Una sabi ko, "Nasa US ka?" 

As usual nag "TSS!!" siya tapos sinabi na papasukin ko daw siya. Yun tumakbo ako palabas. Kita ko siya nakasandal sa sasakyan niyang pula.

Damn.

He's hot. Like really hot.

I know a hot guy when I see one. Kaya kung gusto niyo ng judgement pagdating sa mga lalaki, come to me!

Daren is the definition of 'tulo laway' . Naka uniform lang siya ah tapos ganito na reaksyon ko. Paano pa kaya pag nag suot to ng suit and tie? Hmm kung hindi lang siguro siya masungit edi naka 101 points na to galing sa'kin! Sayang. Ubod ng kasungitan eh.

Tsaka kung hindi lang siguro importante sa'kin ang friendship edi inakit ko na to. >:) Kung hindi siguro siya gusto ng isa sa pinaka-importanteng tao sa buhay ko.

Well hindi ko pa naman alam kung meron nga ba. Feeling ko lang. But trust me. I'm not blind when it comes to these things. Alert ako.

Ngayon ko lang ina-aknowledge ang presence niya ng ganito. Usually kasi wala akong pakialam sa kanya. Lagi ko dinadaanan or binabalewala kasi nga nasisira mood ko. Kung kakausapin mo, hindi ka sinasagot. Alam niyo yung parang wala ang presence mo? Yung parang bula ka lang?

Well I know the feeling kasi na-experience ko na yan kay Matt.

Ayoko na pag usapan. Move on na ako.

Binuksan ko yung gate, "hoy sungit!" tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa direksyon ko.

Nakataas lang ang kilay niya. Tingnan niyo?

I Will Find You This Time (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon