Chapter 66~ Depend on me

21 2 0
                                    

"Are you sure? You don't have to go...- I don't want you go to" sabi ni Daren habang inaayos ko ang gamit ko 

Papasok na ako ngayon. 

Tama na siguro ang isang araw na pag pahinga ko. 

Pero hindi naman ako nagpahinga. 

Malapit pa nga ako masagasaan eh.

"Yes I'm sure. Tsaka okay naman ako ah. Wala naman akong sakit or anything-- tsaka ang dami ko na namiss na notes." 

Pinuntahan niya ako dito sa bahay kasi gusto niya daw ako kamustahin. 

Naninibago talaga ako sa mga kinikilos niya. Like I get it na nag aalala siya pero minsan... napapaisip tuloy ako na he cares about me as more than a friend. 

I've had guys treating me like this, take Carlo for example! 

Tapos tingnan niyo umamin na gusto ako. Ayoko mag assume nun kasi talagang kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Kung nag assume ako nun edi sinasabi ko na rin na crush ko pa rin siya. 

Hindi ko nilagyan ng meaning ang mga kilos ni Carlo nun kasi what's the point kung ang meanings ng mga ginagawa niya ay hindi naman maibabalik ang pagka gusto ko sa kanya

"Hey I'm talking to you"

"Oh? S-sorry may iniisip lang" kinuha ko na ang bag ko at pumasok sa garage 

"Ako ba ang iniisip mo?" 

Naghihintay na si manong, "Uhm see you nalang sa school?" sabi ko kay Daren bago ako sumakay sa sasakyan

Pinigilan niya ako, "I'll be dropping you off" bulong niya habang nakapoker face 

Simula nung nagustuhan ko si Daren, lahat napapansin ko. Especially yung pag iiba ng mga kilos niya pagdating sa'kin. 

Nung una nalilito ako bakit bigla siyang bumait. I assumed na dahil lang to sa feel niya kasalanan niya bakit ako na-aksidente nun. 

Pero ngayon iba na in-aassume ko. 

"W-wag na si manong na maghahatid. Sige na sunod ka nalang sa kotse namin" sabi ko at dali daling sumakay sa sasakyan 

Di ko na siya binigyan ng chance para magsalita kasi sinara ko na ang pintuan. Ni lock ko pa baka kasi buksan eh. 

Ewan ko ba bakit ako natatakot sa possibility na gusto niya rin ako... siguro hindi ko lang alam paano.... paano maging girlfriend ng isang Daren Redmano. 

Paano kaya nakaya ni Ailee?

Kung hindi ako sasabay kay manong baka tumawag na naman sila mama. 

Si Belle nga naka ilang tawag na. Si ate bebs rin laging tumatawag. And take note na dalawang araw lang ako nag absent.

Uuwi nga daw siya next week para samahan ako dito. 

Which is not what I want. 

Kailangan ko mag isa. 

Hindi ko gusto pero kailangan. I still need to search for answers. 

And I can't do it pag may nakabantay sa'kin. Pag bumalik ako sa dating gawain ko, hindi magtataka sila mama at mami. 









I Will Find You This Time (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon