2 years ago part 1
(PIC OF KAI AND FAYE>>>>>>>)
KAI'S POV
I call her Faye.
Maganda siya.
She's different hindi dahil racer siya......... kasi she's just different from all of the girls.....
thats why mahal ko siya...... mahal na mahal.....
My name's KAI CYRUS TO 19 years old, lead singer nang FTW band sa Wales High Academy.
Si TRISHA FAYE VILARNO lang naman ang bestfriend ko.... na naging girlfriend ko... at nagtagal kami nang tatlong taon....
It could've lasted forever pero ng dahil sa katangahan ko......nawala siya sa'kin............
TRISHA'S POV
I call him Kai.
My best friend,
My boyfriend--
Scratch that- EX boyfriend pala.
Pagnakikita ko siya bumabalik lahat ng sakit.... alam niyo yun? Yung mga ala-ala na akala mo nakalimutan mo na?
Sobrang nasaktan ako nun... araw gabi iyak ako ng iyak.
Hindi ako kumakain...
Nagalala silang lahat sa'kin.
Dalawang taon na ang nakalipas......naka move on na ba ako??
IM TRYING
Di ko kayang kalimutan lahat nang pinagsamahan namin.. bestfriend ko siya at naging boyfriend ko siya for three years- THREE YEARS! tapus ano? itatapon ko lang?
Hindi ko alam kung bakit ko sinugal ang pagkakaibigan namin. Pinagsabihan ako ng isa sa mga kaibigan ko na mahirap ang pinili kong sitwasyon. Kasi pag naging boyfriend or girlfriend mo ang best friend mo.. tapos pag naghiwalay kayo, mawawala ang pagkakaibigan niyo. Totoo ang sinabi niya. Pero mas pinakinggan ko ang puso ko. Inisip ko nun na kung mahal naman namin ni Kai ang isa't isa, edi bakit hindi nalang namin i-try?
Nagsisisi ako. Dapat nalang pala nakinig ako sa sinasabi ng utak ko. Edi sana magkaibigan parin kami ngayon. Edi sana hindi ako nasasaktan at sana masaya ako ngayon.
One month before Elea's birthday ay nangyari lahat...... plano pa nga namin pumunta sa Quebec para sa birthday ni little bebs.
<<<<<<<<<<<<< REWIND 2 years ago
Lead singer si Kai ng FTW band sa Wales High Academy, very well known din ang school na yan. Kalaban yan ng school namin pagdating sa international school rankings dito sa pinas.
Kakatapos lang ng concert nila dito sa Wales High at mamaya may after party sa condo ni Kai.
"Trish i'll go ahead kasi may gagawin pa ako eh, sige bye bye" paalam ni Jenn sabay beso sa'kin. Friend ko siya since first year highschool at naging kaclose ko siya to the point na naging magbest friends kami ngayon.
"oh sige ingat sa pag dadrive hah?" at umalis na siya. Natatanaw ko si Kai dito sa kinatatayuan ko na nilalandi ng mga babae kaya lumapit ako sa kanya.
"Kai baby aalis na ba tayo?" tanong ko sabay yakap sa kanya. Tiningnan ko ang mga mukhang clowns na nasa harap namin at nag fake smile. Ang sama ng mga tingin nila sa'kin pero wala akong pakialam kasi ako ang mahal ni Kai.
BINABASA MO ANG
I Will Find You This Time (REVISING)
Teen FictionI felt him sit down on the chair next to my bed. He intertwined his fingers with mine. His hands are warm. Ayoko tanggalin niya ang pagkahawak sa kamay ko. I feel safe when he is around. I badly want to open my eyes, gusto ko hawakan ang mukha niya...
