"Okay guys, ito na yung magkakaroom:
'Jho and Bea'
"What?!" Sabi ko ng may pagrereklamo.
"Coach pwede po iba nalang?" Tanong ni Jho.
"Wag ka ngang umarte na parang ikaw pa nawalan." Sabi ko tyaka ngumisi.
"Hindi ako ang mawawalan. Ikaw. MAWAWALAN KA NG ULO PAG NAGING ROOMMATE KITA!!!" sigaw nya sakin at para akong sasakalin.
"That's enough! Walang lilipat! Kayo ang magkaroom!" Hala galit na si coach. Di na ko nakinig sa mga magkakaroom, ughh! Panira kasi e.
.
.
.
.
.
.
JhoBwiset na babaeng yun! Masyadong mayabang!
"Any question?" Tanong ni coach.
"Pano po pag nawalan tayo ng isang teammate?" Tanong ni Riri na ikinataka namin.
"Bakit? May aalis ba?" Tanong ni coach.
"E diba po magpapatayan si Jho at Bea? May kapalit na po ba ang mapatay sakanila?" Sabi naman ni Ara na ikinatawa ng lahat pwera samin nung kupal na yun. Uma!
" okay guys. Tama na yan, pumunta kayo dito mamayang 6 pm para maayos na lahat. Walang malalate okay?"
"Yes coach." Sabi namin.
Ng makaalis na si coach ay umalus na din ako, ayoko ng makasama yung damulag na yun. Bwiset."O baka pinapatay mo na si Bea sa isip mo ha." Sabi ng lalaking kumausap sakin. Sino ba to? Di ko naman kilala.
"Sino ka ba-----" di ko na naituloy dahil ang gwapo nya. Shemsss. Sya na ba yung forever ko? Ugh! So gwapo naman. Pero wait. Pano nya nalaman yung kay Bea?
"Ay. Sorry. Ysay Marasigan, AMVT. Nakita ko yung nangyari sainyo ni Bea kanina. Hahaha" sabi nya tyaka ngumiti. Omyyy! Ang gwapo!
"Ahhh...ehhh.. pasensya kana sa nakita mo, ang yabang nya kasi e. Sabi ko at sumimangot.
"Hey. Don"t worry. Hindi ako si Bea, we can be friends. Di rin ako mayabang." Sabi nya at ngumiti. Enebeyen. Gwapo naman. Pwede more than friends? Hihihi.(maharot ka Jho)
"A-ahh. O-oo naman, sure." Sabi ko at ngumiti. Jhoana Maraguinot, btw." Sabi ko sabay lahad ng kamay.
"The pleasure is mine, Jho" ayieee! Ohemgeee! Gwapo nya!!!
"Ysay, una na ko ha. Kukunin ko pa kasi gamit ko sa bahay e." Sabi ko sakanya.
"Ahmm. Gusto mo hatid na kita? Baka mahirapan ka pang magbitbit." Enebe. Wag mo ko pilitin please. Hehehe
"Nakakahiya naman sayo, kakakilala palang natin tas aabalahin pa kita." Sabi ko naman.
"Don't worry di ako napatay. " sabi nya naman na ikinatawa ko. "So, tara na?" Tumungo nalang ako bilang tugon.
Habang nasa sasakyan di ko maiwasang di mapatingin sakanya. Ang gwapoooo!
"Jho, baka matunaw ako nyan. " sabi nya ng pabiro. Hala nakakahiya!
"Ah.. e..sorry." sabi ko at yumuko.
"Just joking. Okay lang, kung kasing ganda mo banaman ang titingin sakin. Hihindi pa ba ako?" Tanong nya. Lupa!! Pakilamon ako!! Maganda daw ako!!
"H-hindi ako maganda, maingay oo." Pagbibiro ko.
"Grabe nga e, napahanga mo ako sa ginawa ko kay Bea kanina. Ikaw ang unang babaeng gumawa sakanya nun. Karamihan kinikilig sakanya pagganun.
"Nako. Ibahin mo ako. Never." Sabi ko naman.
"Hahaha! Kaya gusto kita e." Sabi nya sabay tingin sa daan. Ow my!! Gusto nya daw ako!!!( gaga! Malay mo, as a friend.) Leche konsensya! Tumingin nalang ako sa bintana para maikubli ang kilig.
.
.
Bea"Bro. Hanga na talaga ako sakanya." Sabi ni Ara habang nanonood ng video namin ni Jho habang nagaaaway habang ako hawak ang ice bag at nilalagyan ang mukha kong sinampal nya.
"Pesteng babaeng yun! Gaganti ako dun!" Sabi ko habang naglalagay prin ng yelo.
" let's see. Baka mafall ka bigla ha." Sabi ni Kimmy.
"Asa* never" sabi ko habang sinusundan ng tingin ang chixx na dumaan.
"Okay let's have a deal! Magbasketball tayong apat. Ang matalo may dare. Ano game?" Sabi ni Riri samin.
"Game." Sagot naming lahat. Ako at si Ara ang magkakampi.
Nang pumasok kami sa gym ay walang tao, kaya naman nagsando nalang kami at pants. Nangmapansin naming ang dami ng nanonood at mga nagsisisigaw. 29-27 ang score at ang unang maka30 ang panalo. Bola namin ni Ara at lamang kami ng isa. Pagpasa nya sakin ay shinoot ko agad pero natapilok ako kaya hindi pumasok ang bola. Naagaw ni Kimmy at shinoot sa tres kaya natalo kami.
"Pano ba yan dude?" Tanong ni Riri.
"Nadaya nyo kami dun ha." Sabi ko naman.
"Hindi ah! Ang sabihin nyo mahihina kayo." Sabi naman no Kimmy na ikinatawa namin.
"Sige na, ano yung dare?" Tanong ni Ara. Nagtinginan ang dalwa at nagbulungan.
"Simple lang dude. Kailangan mong balikan si Bang." Tingin kay Ara
"Yung lang pala e. Easy." Sabi ni Ara.
"At sayo.... Kailangan mong mapasagot si Jho in 1 month." Sabi ni Riri.
"Yun lang pa---- What?! Never! Bat yun?!" Sabi ko. Sa dinami-dami ng babae sya pa!
"Aba! Ang dare ay dare diba? Gawin mo nalang dude." Sabi ni Kimmy.
"Tsk. Oo na! Basta walang magsasabi na dare lang to ha. Gaganti din ako sakanya." Sabi ko sabay ngisi.'Humanda ka sakin Jhoana Maraguinot. Hindi ako papayag na hindi ka mahulog sakin. It's time to play!'
BINABASA MO ANG
Second Chance
Fanfiction"Handa ka bang magbigay ng pangalawang pagkakataon sa taong walang ginawa kundi ang saktan ka?" (JhoBea)