Bea
Umaga na, may training kame pero wala pa akong tulog kakaisip kung nasan ba si Jho at kung gano sya sakin kagalit ngayon. Ughh. Tanga mo kasi Bea e! Bat mo ba ginawa yun!!
"Guys! Bangon na, may training pa." Sibi ni Kimmy. Nang lumabas ako at bumababa sa kusina, napakayahimik ng lahat at parang mga walang balak magsalita kaya naisipan ko ng dumaretsyo sa banyo at naligo na.
"Tumawag na ba si Jho?" Rinig kong tanong ni Therese.
"Ahmm. Yes. Kanina lang, mukhang lasing e pero wag daw tayong magalala kasama nya naman daw si Ysay magdamag." Sagot ni Jia. The heck?! Magdamag silang magkasama?! San?!
"Oww. Really? Edi SAFE YUN HINDI MASASAKTAN!" pagdidiin ni Jema. Leche.
"Oo nga naman. Nawa'y karmahin ang mga walang pusong nanakit sakanya!" Pagpaparinig ni Maddie.
"Guys chill. Katext ko si Karma! On the way na daw! Natraffic lang sa EDSA!" sabi naman Jizelle at narinig kong nagtawanan sila.
"Talaga yang EDSAng yan! Kauma!" Sabi ni Jia.Susme. Lahat sila galit samin. Kinamumuhian. After kong maligo paglabas ko nakita kong bihis na sila lahat at nandun ni Jho at katawanan nila. Napangiti naman ako pero naglaho bigla ng makita ko ang lalaking kakapasok lang sa pinto.
"Baby. Ito na yung mga gamit mo, tyaka okay lang bang sumabay ako sainyo paGym? Para mabawasan galit ni Coach.hehe" sabi ni Ysay. Tsk! Ang sabi ko hindi sya masyadong masasaktan pero ang bilis nya namang makalimot! Takte. Tsk. Pababy-baby pang nalalaman! Bawal ka sumabay! Bawal! Kimmy!!
"Sige Ysay. Tara na." What the?! Bat sila pumayag lahat?! Tsk.
"So Ysay san kayo galing ni Jho kagabi? Kayo ha! Baby na tawagan nyo." Sabi ni Maddie at nangasar ang iba.
"Hahahaha. Ahmm. Wala naman, nagpahangin lang. Nalasing kasi si Jho kaya dun na kami sa hood ng kotse ko natulog tapos umuwi kami sa bahay namin para makaligo sya at makapagayos na training." Sabi nito habang nagalalakad kasabay si Jho.
"Luh? Meet the parents agad?! Ano? Pasado ba? Kaya pala jersey mo suot nya ha." Sabi ni Jizelle. Sus. Mas bagay kung De Leon nasa likod nya! Tyaka bat pinayagan nya maginom si Jho?! Tsk.(e diba sinaktan mo?)
"Oy masyado kayo, meet the parents ka dyan. Hahaha mga abno." Sabi ni Jho. Oo nga naman. Agad-agad?"Nanghihinayang- nanghihinayang ang puso ko sa piling ko'y lumuha ka lang, nasaktan lamang kita." Kanta ni Jema kaya napatingin sila sakin. Umiwas nalang ako ng tingin at mga barkada ko naman ang nangalaska.
"Sakit makitang hawak na ng iba no?" Tanong ni Riri. Di ako kumibo.
"Ganyan naman e. Malalaman lang ang halaga pag wala na at 'BABY' na ng iba." Sabi naman ni Kimmy.
"Tsk. Di sila bagay. Sabi ko naman.
"Di bagay para sayo pero hindi naman sasaktan tulad ng ginawa mo." Sabi ni Ara. Aray ko naman bhe.
.
.
.
.
JhoEarly morning:
Nagising ako kanina na ang sakit-sakit ng ulo ko kaya naman di agad ako nakabangon. Maya-maya pa ay pinainom ako ni Ysay ng gamot at binilhan ng makakain. Pauwi kami sa bahay nila para makapag-ayos para sa training. Bawal na kasi lumiban dahil malapit na ang laro. Pagdating namin sa bahay nila ay sinalubong kami ng parents nya. Grabe ang yaman nila. Nakakakaba.
"Anak! Long time no see. Buti at nadalaw mo kami. Sino ang magandang kasama mo?" Tanong ng papa ni Ysay.
"Future ko pa. Hahaha! De biro lang. Nililigawan ko po." Hala grabe sya!
"G-good Morning po mam, sir." Sabi ko at nagbow ng kaunti.
"Napakapormal mo naman iha, tita at tito nalang. Pumasok na kayo ng makapagalmusal." Sabi ng mama nya. Napakabait ng pamilya nya, kaya pala ganyan sya kabait. Huhuhu. Habang nakain kami at di ko maiwasang kabahan."Ija san mo nakilala ang pasaway na ito?" Tanong ng papa ni Ysay na ikinatawa namin.
"Papa, sinisiraan mo ako sa furure manugang mo." Sabi naman ni Ysay.
"Hahaha. Sa school din po, kase parehas po kaming sa volleyball nahilig." Sabi ko naman.
"Ija. Anytime pwede ka ditong pumunta ha, kahit di mo sagutin ang anak ko pwede ka pading pumunta. Hahaha!" Sabi ng mana ni Ysay.
"Ma, sirang sira na ako kay Jho." Sabi ni Ysay.
"Jho? Jho din ang name mo?" Tanong ng mama nya.
"Ay hmm. Sorry po hindi ako nakapagpakilala ng ayos. Jhoana Louisse Maraguinot po." Sabi ko.
"Ay sus! Ayos lang. Nagulat lang ako at magkapangalan tayo. Jhoanna Marasigan ija Ysay's step mother." Hala? Nagulat naman daw ako dun. Grabe.
"Tito Noel, ija." Sani naman ng papa ni Ysay.
"Nice meeting you po." Tumayo ako bago sabihin yun.
"Napakagalang naman ng batang to, hahaha. Pasado na sya anak!" Sabi ng mama ni Ysay. Whoo. Grabe.Pagkatapos kumain ay tumaas kami sa kwarto ng ate nya.
"O ito, gamitin mo na tong shorts nya kase di narin sya naglalaro." Sabi nya at inabot ang short.
"Hala. Nakakahiya naman." Sabi ko.
"Sus. Wag kang mahihiya pagnandito ka. Magiging bahay mo narin to." Savi nya.
"Sira!" Sabi ko.
"Yung jersey ko na gamitin mo, masyadong girly kapatid ko e." Sabi nya at inabot ang Ateneo jersey nya sakin.
"Thankyou ha." Sabi ko.
"No problem. Dun kana sa kwarto ko maligo, kumpleto dun. Tawagin mo nalang ako pag nagkapoblema." Sabi nya. Grabe, napakabait.Pagkatapos naming magbihis ay nagpaalam nadin kami at umalis na. Habang nasa byahe ay naisip ko nanaman ang sakit. Ang galit na nararamdaman ko. Pero salamat kay Ysay dahil pagkasama ko sya nababawasan lahat yun. He's a good man.
"Nakakalunod naman ang iniisip mo." Sabi nya.
"Hahaha. Naalala ko lang yung kagabi." Sabi ko.
"Sus. Di na mauulit yun. Part na yun ng past. Kase ako na ang baby mo." Sabi nya.
"Hoy! Di pa tayo, inayawan mo kagabi. Daming arti e. Hahah!" Pagbibiro ko.
"Ang meaning ng baby ay bantay/alalay/body guard/yaya kuha mo? Hahaha! Under for short pag naging tayo." Hahah natawa naman ako dun.
"Sira talaga tuktok mo!" Sabi ko.
"Hahaha sirang sira kakaisip sayo!" Sabi nya habang nakahawak sa puso.
"Hahaha abnormal." At nagtawanan kami. Hayy Ysay. Sayo nalang ako please. Huhuhu.
.
.
.
.
.Hanggang dito po muna tayo. Hahah. May nagbabasa ba nito guys?
BINABASA MO ANG
Second Chance
Fiksi Penggemar"Handa ka bang magbigay ng pangalawang pagkakataon sa taong walang ginawa kundi ang saktan ka?" (JhoBea)