Bea
Here I am. Nakaupo sa bench sa labas ng dorm. Nagiisip nanaman ng kung ano-ano. Ang daming poblema, sa pamilya sa kaibigan at.... kay Jho. Fyi. Walang nagyari samin nung girl kanina ha. Nagtataka lang ako, walang nagiintay sakin ngayon dito sa labas ng dorm. Dati-rati nasa malayo palang ako may tatakbo ng parang batang nagiintay sa pasalubong nya tas yayakapin ako tapos paghahanda ako ng pagkain o kaya paglasing ako pupunasan nya ako tyaka uulit-uliti yung salitang "i love you love." Baka pagod lang kaya pumasok na ako sa dorm at naabutang nandun ang mga teammates ko. Lahat naman sila tumingin sakin may tumalik sa likod ko kaya napaharap ako at naramdaman ko nalang na nasa sahig na ako.
"Anong poblema mo?!" Tanong ko.
"Ikaw?! Anong poblema mo at sinasaktan mo si Jho ng paulit-ulit?! Ha?!" Sabi ni Jia.
"A-ano----" di ako natapos ng susuntukin nya pa sana ako ng inawat sya ng mga teammates ko.
"G*go ka ba?! Wag kang magmalinis! Alam na ni Jho ang panloloko mo!" Sabi nya.
"Wag mo na patulan Jia. Karma na magbabayad sakanya." Sabi ni Maddie. Tumakbo ako pataas para icheck sya, madilim sa kwarto kaya binuksan ko ang ilaw at hindi si Jho ang nakita ko kundi si ate Ella."A-anong ginagawa mo dito ate Ella?" Tanong ko.
"Wag ka magmalinis. Alam mo dahilan kung bakit ako ang nandito at hindi si Jho." Sabi ni ate Ella at natulog na. Bigla nalang may nagtext sakin."Alam na ni Jho lahat bro. Sorry, hindi kasi namin matiis na may nasasaktang mabuting tao." Text sakin ni Kim. F*ck! Lumabas ako agad at chineck isa'-isa ang mga kwarto pero pagdating kana ate Aly ay lock ito. Alam ko. Alam kong nandun sya kaya nagsalita ako ay kumatok.
"Jho. I'm sorry. Hindi ko ginustong masaktan ka. Sorry. Sorry Jhoana." Sabi ko at bumukas ang pinto.
"Wala si Jho dito. At anong di sinasadya Bea? Choice mong lokohin sya. Matutulog na kami." Sabi ni ate Den at isinara ang pinto.
"Ate." Yun nalang ang nasabi ko. Lumabas ako ng dorm at timakbo sa field, nakita ko si Jho na nakatulala kaya tuakbo ako."Jho" tawag ko.
"Wag kang lalapit. Baka kung ano magawa ko sayo." Sabi nya.
"Jho I'm sorry." Sabi ko at naglakad papalapit.
"Sabi ng wag kang lalapit eh!" Sigaw nya. "Now explain everything." Sabi nya.
"J-jho, yes inaamin ko. Nagloko ako sa loob ng dalwang taon na tayo pa. Sobra gulo ng utak ko. May family problem ako at kaibigan ang naging sadalan ko. Jho, namatay ang lolo ko 3 years ago. Hanggang ngayon hindi ko matanggap. Sinisisi ko padin ang papa ko sa pagkawala nya. Before sobrang close namin ni papa pero nalaman ko na kinuha nya ang pera sa kumpanya ng Lolo ko, kaya bumabagsak to. Ginawa nya yun para sa babae nya, namatay si Lolo dahil inatake sya sa puso habang nagagalit kay papa. Kung hindi nagloko noon si papa, buhay pa sana si Lolo. Yun ang rason kung bat ganto ako, Jho ayoko ng magseryoso o magmahal ng totoo. Kase lahat ng pinapahalagahan ko. Nawawala. Sana nga hindi nalang ako binuhay ni Ysay e. Kase nasasaktan lang kita. Nadamay ka pa tuloy. Sorry Jho." Sabi ko habang naiyak."Kaya nawawala sayo lahat kase hindi mo kaya patawarin yung mga may kasalanan sayo. Matuto kang tumanggap ng mga nangyayari sa buhay mo kase madadala mo yan habng nabubuhay ka. Pinagsisisihan na naman nya siguro yun pero sana wag kanang mandamay ng iba. Tama ng ako nalang. Tutal yun pala ang gusto mo e. Ayaw mo magseryoso, ako gusto ko. Let's end this Bea. Parehas lang tayong nasasaktan." Sabi ni Jho at lalo akong umiyak. Umalis sya at sumakay sa sasakyan nya.
"Sorry Jho." Sabi ko at naiwan dung naiyak.
.
.
.
.
.
.
JhoMas nasaktan ako sa mga nalaman ko. So damay lang pala ako. Damay lang. Pero naawa ako kase ang dapat na sadalan nya at kakampi e yun pa ang naging poblema nya. Ang pamilya nya. Nasa sasakyan lang ako, nagpaalam ako sa teammates kong hindi muna ako uuwi at kailangan kong mapagisa. Hindi ako makatulog kahit may latag ako sa sasakyan pano ka banaman makakatulog kung itext ka ng taong patay. Ugh. Leche. Naisipan kong umuwi sa condo ko,, malapit lang to dun sa pagkikitaan namin. Pagpasok ko, nakita ko yung picture ng teammates ko, family ko, kami ni Bea at kami ni Ysay. Wow. 3 taon. Tatlong taong inakala ng lahat na wala na sya, pero yun paa buhay sya. I really missed him. Napakadami kong kasalanan sakanya. Sobra.
Nagising ako at naalala ang lahat. Dalwang beses na pala akong naloko ng iisang tao. Napangisi nalang ako.
"Tanga mo Jho. Di ka pa natuto." Sabi ko. Tumingin ako sa orasan at nakitang 6 am na kaya nagayos na ako. Whoo. Babawi ako kay Ysay kung sakaling totoong buhay sya. Natapos ako magayos ng 7:30 kaya lumabas na ako at nagdrive papunta sa lugar na napagusapan.
.
.
.
.
BeaHindi ako pwedeng magalit sa tropa ko, tama naman kasi yung ginawa nila e. Ako yung mali. Nandito parin ako sa field. Nadamay ang isang inosente at mabuting tao na katulad ni Jho. Hindi nya ako pinabayaan at sya ang naging sandalan ko sa lahat kaya ngayon hindi ko alam kung sino pa ba ang kakampi ko sa laban na to. Tama nga siguro sya. Dapat matuto akong magpatawad kase matagal na yun at malamang pinagsisihan na ng papa ko yun. Hindi ko alam kung pano pa ako mapapatawad ni Jho ng ganto. Leche. Ang tanga ko pala talaga.
BINABASA MO ANG
Second Chance
Fanfiction"Handa ka bang magbigay ng pangalawang pagkakataon sa taong walang ginawa kundi ang saktan ka?" (JhoBea)