5(Martyr)

4.8K 114 22
                                    


Jho

Kami parin ni Marci hanggang ngayon. Mas napapalapit na ako sakanya pero namimiss ko si Bea. Sobra. Yung yakap nya, yung pagaasikaso nya at yung way nya ng pagtawag sa pangalan ko? Nakakamiss.

Wala si Bea for 2 days, nasa meeting. Kami ni Marci? Magkasama maghapon. Nagleave ako sa Hospital, ang sabi ko sasama ako kay Bea pero ang totoo may bakasyon kami ni Marci. Di ko pala naitanong kung san si Bea. Kami ni Marci, sa Palawan kami pupunta. Nandito na kami sa NAIA waiting nalang sa eroplano. 1 month na kasi kami.

"Babe. Nagugutom ka ba?" Hay. Buti nalang nagtanong sya. Kanina pa nga e.
"Really? Tara kain tayo sa 7/11." Grabe naman! Kung si Bea to di sya titigil hanggang sa sabihin ko kungbsan ko gusto at sabi nya lagi 'dapat hindi dun sa mura pinapakain ang prinsesang tulad mo.' Ugh. Namimiss ko na talaga sya.
.
.
.
.
.
.
"Tumawag ako sa Hospital na pinagtatrabahuhan ni Jho ang sabi nakaleave daw at nagpaalam na ako kasama. I know this set-up. Si Marci ang kasama nya! Hahaha! Tangina! Bakasyon grande e. Pero okay lang. Tinetext nya naman ako at kinakamusta. Mahal ko sya at di ko kayang mawala.
Tinext ko sya pero di na ulit nagreply, baka nakasakay na sa eroplano. Unang araw ng neeting dito sa SG pero di ako mapakale. Sino ba namang mapapanatag kung malaman mong kasama ng mahal mo ang ideal man nya?! Ugh. Di ako mapakali gabi na at sandamak-mak ang text at tawag ko pero di nya sinasagot kaya napagpasyahan kong umuwi at sumunod sa Palawan. Oo nga pala, unang month nila ngayon. Wow. One month ko na rin palang niloloko ang sarili ko na ako lang ang mahal nya. Hindi ko alam kung magtitiwala pa ba ako sa mga sinasabi nya knowing na sa tuwing sinasabi nyang mahal nya ako e hindi lang ako iisa. Dalwa kami at mas lamang pa nga yung isa kase kaya nyang ibigay ang kailangan ni Jho. Ang normal na buhay na kahit kelan di ko kayang ibigay. Naalala ko tuloy nung tulog sya at nakayakap sakin di ako makapaniwala na hanggang panaginip si Marci padin. Ayoko syang kausapin at papiliin kase natatakot ako na baka ang piliin nya ay iba. Yung taong kayang ibigay ang buhay na gusto nya. Anytime pakiramdam ko sasabog na ko, di ko alam kung kaya ko pa ba. Oo inaamin ko, isip bata pa ako kase ang gusto ko lang makasama sya at wala ng iba. Nandito na ako sa eroplanopapuntang Palawan. Susundan ko sila, babawiin ko sya kay Marci. Akin lang si Jho. Hindi ko kayang mawala sya.

Nagmamadali akong pumunta sa resort na tinuro sakin ng head ng Hospital na sinabi sa kanila ni Jho nalaman ko din na may nagoffer sakanya na sa US na magtrabaho with Marci natatakot akong tanggapin nya. May dala akong flower na blue at singsing. Aaminin ko na sakanyang alam ko lahat at kaya ko syang tanggapin ulit. Gusto ko syang tanungin ulit kung payag sya, yung ako lang at walang iba. Kailangan ko lakasan ang loob ko e. Pagpunta ko sa Hotel nakita ko silang palabas kaya hinabol ko at...... huli na ko.

Yes alam kong aayain na syang magpakasal ni Marci, sa twitter at instagram. Sabi nya may itatanong sya sa taong mahal nya pero nagpakamartyr nanaman ako e. Hinayaan ko lang.

I saw Marci, nakaluhod sa gitna ng mga taong kinikilig sa kanila. Ang higpit ng kapit ko sa bulaklak na hawak ko at halos maputol na. No. No. Humindi ka Jho. Wag kang papayag. Pero naibagsak ko yung bulaklak na hawak ko. Seeing na tumayo na si Marci at niyakap sya, senyales na umOo na sya. Hahaha. Oo nga naman Beatriz! Di mo ba naisip na papayag sya? Kase ideal man nya yun! G*go! Di na ko nakatiis. Nagpasundo agad ako sa kaibigan ni papa ng eroplano. Hindi ko na kaya. Paguwi nya lalapit sya at yayakapin ako sa huling pagkakataon saying.... ayaw na nya at may mahal ng iba.
.
.
.

.
.
.
.
.
Jho

Hindi na ako nakahindi kay Marci. Mapapahiya sya at di nya deserve yun. Tama naman ako diba? Isang normal na buhay lang naman ang gusto ko, di naman siguro masamang maghangad para sa kinabukasan ko. Buo na ang pasya ko, si Mraci ang makakapagbigay sakin ng normal na buhay.

Pauwi na kami sa Manila at nandito eroplano. Pero kamusta na kaya si Bea? Pano ko sasabihin sakanya lahat.

"Lalim naman ng iniisip ng mapapangasawa ko." Sabi ni Marci. Ngumiti naman ako ng kaunti.
"Hindi ah, pagod lang siguro." Sabi ko. Pinasandal nya naman ako sa balikat nya.
"Jho. Sa isang bukas na ang alis natin papuntang US. Anong balak mo? Sasabihin mo ba kay Bea?" Tanong nya.
"Yes. Sunduin mo ko mamaya sa bahay namin ni Bea." Sabi ko. Yes tama kayo. Tinanggap ko yung offer papuntang US.
"Huh? Bakit?" tanong nya.
"Basta. Sunduin mo ko ha." Sabi ko. Alam kong maiintindihan nya ako pagdating ng panahon, gusto ko lang ng magandang kinabukasan para sa magiging pamilya ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Bea

Nakita kong hinatid sya dito ni Marci sa tapat ng bahay kaya pumasok ako sa kwarto. Naulan kasi sa labas at baka hindi ko kayanin to. "Think positive Bea! Mahal ka nya. " sabi ko sa sarili ko at sakto bumukas ang pinto ng kwarto.

"Jho!" Tawag ko at niyakap sya, pero hindi nya ako niyakap pabalik.
"Magusap tayo." Sabi nya at humiwalay sa yakap.
"Nakakatakot naman yan babe." Pagbibiro ko.
"Tapusin na natin to Bea. Ayoko na." Sabi nya. Ito na nga yung kinakatakutan ko e.
"Jho naman. Wag naman ganyan." Sabi ko. "Pagusapan muna natin to please." Sabi ko at niyakap sya. Tinulak nya ko.
"Mahirap bang intindihin yon!? Ayoko na!" Sabi nya at lumabas na ng kwarto. Sinundan ko sya hanggang sa labas ng bahay, kahit naulan. Nakita kong may tumigil na kotse at papunta sya dun. Hinigit ko sya.
"Please? Jho. Ayusin naman natin to. Please. " sabi ko at lumuhod sa harap nya.
"Hindi mo ba naiintindihan?! Gusto ko ng normal na buhay! Gusto ko ng lalaking iniisip yung future at ibang tao! Di puro sarili nya!" Sabi nya. Napayuko nalang ako at umiyak. Ang sakit. Ang sakit tanggaping totoo lahat yun pero mas masakit pala paggaling na sa taong mahal mo. Nakaluhod parin ako sa kalsada habng pinapanood syang maglakad papalayo sakin.

"Jho." Yun nalang ang nasabi ko bago umalis ang kotseng sinakyan nya.
"Mahal na mahal kita." Sabi ko.

.
.
.
.
.
.
Sorry guys. May sakit kasi ako kaya di agad nakapagUD✌

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon