11( Alagang Beadel)

7.8K 146 16
                                    

(Kaway-kaway sa mga kinilig sa SOLID na ganap!!)
.
.
.
.
.
Jho

Kahapon nagkaaminan na kami, grabe! Di ako makamove on! Totoo ba yun?! Gusto nya padin ako?! Ugh! Nakakamatay! Huhuhu!

Nandito ako sa kwarto, gising na ako pero di pa nabangon. Duh! Lutang ako sa nangyari kagabi. Naputol ang pagmumuni-muni ko ng may pumasok. Si Bea na may dalang almusal! Omg! Ang hot nya padin!!! Ugh!

"Breakfast? Tanong nya. Umupo naman ako.
"Aga mo naman gumising." Sabi ko. Kileg!
"Sinasanay ko lang sarili ko, ganto kase gagawin ko sayo pag naging tayo." Sabi nya at kumindat. Omgg! Can I die?! Nakakamatay!!! Ugh! Love you na.
"Topak to!" Pagpapalusot ko.
"Sus! If I know kinikilig kana. Okay lang kiligin, kung sakin." Sabi nya at inayos ang pagkain ko.
"Agang aga ang dami agad baon!" Sabi ko.
"Kumain ka na nga lang! Di mo manlang napansin effort ko." Lumabas sya. Yun ba yung sinasabi nya? Pero nung napatingin ako sa pagkain ko ay nakaayos itong "i make ligaw-ligaw"
"Wow! Effort!" Sabi ko at tumakbo palabas. Naabutan ko syang nasa sala at nanonood ng TV. "Yes." Sabi ko.
"Ano?" Sabi nya.
"Yes! Payag ako." Sabi ko at tumingin ulit sya sa TV.
"Sus yun lang---. What?! Payag ka?!" Sabi nya at tumayo sabay lapit sakin. Tumango naman ako. Binuhat nya ko.
"Yes!!! Whoo!!! Hindi ka magsisise." Sabi nya ng nakatingin sa mata ko. It means, totoo.
.
.
.
.

Nasa mall kami kasama ang tropa nya. Pwera si Riri kase nasa honeymoon pa! Hahaha! Si Ate Den din sumama samin para di daw ako mapagtulungan. Kakain sana kami para pagkatapos ay manonood ng movie.

"Ano gusto mo?" Sabi nya.
"Kahit ano nalang, katulad nalang ng iyo." Sabi ko.
"Jho. Ayaw ko ng ganyan diba." Sabi nya. Ay oo nga pala. Hehe. Pagkatapos kong sabihin sakanya ay nagCR ako. Pagbalik ko, nakita ko syang nakaupo na at napatingin sakin. Bago ako umupo ay tumayo sya at hinigit ang upuan sabay pagag nito.

"Wow. Gentle woman!" Sabi ni ate Ly.
"Dapat ganyan ka din!" Sabi ni ate Den.
"Ay sorry. Baby." Sabi ni ate Ly. Natawa naman kami.

Pagdating ng order ay kinuha nya ang towel sa table ay inilagay sakin.
"Ikaw na bro!" Sabi ni Kim.
"Weh? Totoo ba yan?" Sabi ni ate A.
"Baka sa una lang? Ahahah." Dagdag nin ate Ly.
"Oy! Ibahin nyo ko." Sabi ko.
"Wala ka bang trabaho?" Sabi ko.
"Wala e. Priorities muna." Sabi nya at ngumiti ang barkada nya ng nakakaloko.
"Hay nako!" Sabi ko.
"Ienjoy mo nalang!" Sabi ni ate Den sakin at ngumiti nalang ako. After kumain ay pumunta sa kami sa sinehan. Pinanood namin ang "this time" ng JaDine. Habang nanonood naiiyak ako. Shems.

"Oh." Sabi ni Bea at inabot ang panyo nya. Nakaramdam namana ko ng lamig.
"Nagiisnow ba dito at ubod ng lamig?" Sabi ko sa kanila.
"Shhh. Ingay!" Sabi nila Ara. Wow isnob. Naramdaman ko namang hinubad ni Bea ang manipis nyang jacket.
"Sorry manipis. Lapit ka sakin, isiside hug muna kita." Sabi nya at ginawa nya nga. "Hindi to chansing ha!" Sabi nya. Omg! Pwede na bang kiligin?! Nakakamatay naman sweetness nya!!! Waaa! Di ko namalayang nakatulog na ako dahil komportable ako sa yakap nya at balikat. Paggising ko wala na yung iba.

"Nasan na sila?" Tanong ko.
"Umuna na, nakatulog kana kasi e pinauna ko na." Sabi ko. Pagtingin ko yun padin yung part na napanood ko bago ako makatulog.
"Pwede na ba tayo lumabas Jho, kase nakakatatlong ulit na tayo ng movie e baka mapansin tayo." Sabi ny. Hala!?
"What?! Hindi mo ako ginising?!" Sabi ko ng pabulong pero may diin.
"E ayokong masora tulog mo. Tara na." Sabi nya at hinigit na ako patayo. Paglabas namin, nagsumblero ulit sya. Pagtingin ko sa orasan 8:00 na. Luh? Gabi na! Grabe!

"Nagugutom ka ba?" Tanong nya.
"Hindi. Ikaw?" Tanong ko.
"Hindi din. Ice cream tayo!" Sabi nya. Hinigit ko agad sya kase gusto ko nun! Hahaha. After naming bumili ay pumunta na kami sa parking lot.

"Wait may dumi ka." Sabi nya at pinunasan ang dumi sa gilid ng labi ko. Omg!!! Ang init ng kamay nya!!! Di ko na kaya!!!
"Ahmm. Ako na." Sabi ko.
"Ayan wala na e." Sabi nya.
Pagsakay namin pinagbuksan nya ako ng pinto at pinagpag ang uupuan ko.

"Thankyou." Sabi ko. Hinawakan nya pa ang ulo ko para hindi mauntog. Shemay!!! Ang sweet nya!! Pagpaaok nya ay lumapit sya bigla.
"ahmm. Seat belt, ayokong masaktan ka." Sabi nya at lumayo agad. Omgg! Huhuhu! Di ko na kaya. Gusto ko sumigaw!!!

"Ahmm. Sa bahay na natin ako uuwi araw-araw ha. Mahirap na! Baka may makapanligaw pa sayong iba! You know! Magagalit parents mo, sabi nila ako lang daw ang papasa!" Sabi nya ng may pagkamayabang.
"Ang hangen! Pahina naman ng aircon oh!" Sabi ko sakanya na ikinatawa nya. "May trabaho ka bukas?" Tanong ko.
"Bakit? Mamimiss mo agad ako?" Tanong nya.
"Feeler! Ano nga?" Sabi ko.
"Yep. Pero uuwi ako agad after. Mamimiss kita e, tyaka babakuran kita noh! Baka may magbadyang mangaagaw!" Sabi nya at nagpark na sa harap ng bahay. Pinagbuksan nya ako ng pinto at binitbit nya ang bag ko. Huhuhu! Oo na! Alam konh swerte ako! Inggit kayo?! Hahaah! Ako lang gagawan nya nyan!

Pagkabukas nya ng pinto ay pinauna nya ako. Umupo ako sa sala at tinaas ang paa. Ang sakit e.

"Masahihin kita." Sabi nya at umupo sa harap ko.
"Wag na. Pagod ka din." Sabi ko.
"Hinding hindi ako mapapagod sayo. At lahat kakayanin ko, basta wag ka lang mawawala." Sabi nya. Wala akong nagawa kundi magpamasahe. Duh! Natuliro ako. Shemay tong araw na to!!! Kinikilig ako!! Hihihi! Akin na sya!! Leche!!!

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon