Jho
Nagising ako dahil sa kung sinong umiihip sa mukha ko. Naramdaman ko namang may nakayakap sakin. Pagmulat ko, nakita ko ang taong gusto kong makasama hanggang sa pagtanda ko.
"Good Morning princess." Sabi nya at hinalikan ako sa noo.
"Good Morning. Kanina ka pa gising? Bat ang bango ng hininga mo ngayon?" Sabi ko.
"Ah. So dati mabaho?" Sabi nya. Niloloko ko lang naman sya. Hahaha.
"Ahmmm. Kindaa." Sabi ko.
"Ah ganon!" Sabi nya at pumaibabaw sakin sabay hawak sa dalwang kamay ko.
"Pano ba yan? Wala ka ng kawala?" Sabi nya. Natatawa lang ako. Hahaahah.
"Abno." Sabi ko.
"Unahin na kaya natin baby? What do you think love?" Pangaasar nya. Kumawala naman ako sa pagkakahawak nya at ako ang pumaibabaw sakanya.
"I think that's a good idea." Sabi ko sakanya ng may pangaasar. Nakita ko namang ngumiti sya at inangat ang mukha nya na parang hahalikan ako. Lumapit din ako at unti-unti nagkakalapit na kami hanggang sa.......*kring*kring*
"Ugh!!! Kung sino man tong istorbong to mapapatay ko!" Sabi nya. Natawa naman ako at umalis na sa ibabaw nya. Pumasok na ako sa banyo para maligo.
"Love pwede bang sabay na tayong maligo? Para tipid naman sa tubig oh. Mahal ng ticket e." Sabi nya habang nakatok.
"Sorry Love, kailangan nating bilisan kase malalate tayo sa flight." Sabi ko habang natatawa.
"Ugh! Bwiset! Humanda ka sakin mamaya Kimmy!" Rinig kong sabi nya. Natawa naman ako. After kong maligo nakita kong hirap na hirap sya sa pagaayos ng polo nya. Nakasuot sya ng short na hindi kaiksian at polo na puti na mas lalong nagpahot sakanya. Napailing naman ako. Lumapit ako at tinapik ang kamay nya, kita ko kasing inis na inis na sya. Nagulat sya sakin nung ako yung nagayos."Pano mo maayos yan kung inuuna mo galit?" Sabi ko habang inayos ang polo nya. Pagkatapos kong ayusin yun ay hinalikan ko sya ng mabilis sa labi.
"I love you." Sabi ko.
"I love you too." Sabi nya at niyakap ako.
"Wait. Magbibihis muna ako. Labas." Sabi ko. Tumingin sya sakin ng nakakaloko. Kaya nakaisip ako ng kalokohan. Lumapit ako at humawak sa batok nya.
"Pwede ka namang di lumabas if you want..." sabi ko ng may kapilyahan. Ngumiti naman sya. Bumitaw ako at tumawa.
"Ako nalang lalabas." Sabi ko at palabas na ng kwarto.
"What the?! Lagot a sakin mamaya Love!" Sabi nya na ikinatawa ko.
"Dali na kasi! Ikaw na lumabas." Sabi ko. Lumabas naman sya pero bago yun hinalikan nya ako sa labi.
"Nangbibitin ka ha." Sabi nya at lumabas na. Natawa naman ako. Nagbihis ako ng short na maiksi at white polo din. Kase sabi nya magterno kami. Kumatok sya bigla.
"Love pakibilisan." Sabi nya at pumasok.
"Ah so pinagmamadali mo na ko?" Sabi ko ng medyo mataray.
"I mean itetext ko si Kim na wait lang kase nagbibihis pa prinsesa ko." Sabi nya na ikinangiti ko. "Wait. Bat nakashort ka? Magpalit ka nga." Sabi nya.
"Love swimming ang pupuntahan natin diba?" Sabi ko.
"Masyadong maikisi." Sabi nya.
"Kasama naman kita e. Please." Sabi ko.
"Love. Pinoprotektahan lang kita, magpalit kana." Hinalikan ko sya ng mabilis.
"Kasama kita, kaya alam kong safe ako." Sabi ko at bumababa na." Tara na love! Iniintay na nila tayo." Sabi ko. Pagbaba nya, hinigit nya agad ang maleta namin. Nakita ko namang nakasimangot sya. Nakita kong may hawak syang jacket pero di ko na pinansin. 8 am na at 9 am ang flight namin. Di kami late kase papapasukin parin kami, si Bea pa ba? Habang nasa byahe kami ay nakakunot parin ang noo nya kaya hinawakan ko ang kamay nya."I'm sorry,okay? Kase gusto kong terno tayo and ang sagwa naman kung magpapants ako e beach ang pupuntahan natin love. Sorry." Sabi ko. Pinisil nya naman ang kamay na i know sign na okay na at naiintindihan nya. Nang makarating kami sa airport ay may kumuha agad ng gamit namin at inabot nya din dito ang susi.
"Ikaw na bahala ha." Sabi nya sa lalaki.Pagkapasok namin ay nakita namin sila Kim.
"Ang tagal ha. Tayo nalang ata kulang sa eroplano e!" Sabi nya ng may panloloko
"OA ha. Baka iwan tayo nun. Hahaha" Sabi ni Bea kay Kim.
"Tara na guys." Sabi ni ate Ly. Pagpasok namin sa eroplano ay tinuro samin ang uupuan. Si Bea ang sa may bintana at ako ang sa may gitna katabi si Kim.Habang nasa byahe ay naiilang ako sa lalaking tingin ng tingin sakin. Lumingon ako kay Bea at mukhang napansin nya din kaya nakakunot ang noo.
"Love palit nga tayo." Sabi nya at nakipagpalit. Hinubad nya ang jacket na suot nya at ipinatong sa legs ko. "Wag mong tatanggalin ha. Lagay mo lang." Sabi nya at hinawakan ang kamay ko. Tumingin sya ulit sa lalaki at ngumiti sabay angat ng kamay naming dalwa. Nakita ko namang nahiya ang lalaki at umiba ng tingin.
"Anong ginawa mo?" Sabi ko.
"Gusto ko lang malaman ng lahat na akin ka. Baka pag di ako nakapagpigil e pagawan kita ng ID dyan." Sabi nya na nagpakilig sakin.
"Abno." Sabi ko. Wala akong masabi e. Hahaha. Keleg! pagkalapag ng eroplano ay kinuha na namin ang bagahe at sya ang nagbitbit nito. Ang isa nyang kamay ay nakahawak sa kamay ko. May sinakyan kaming van papunta dun kaya pwede kaming matulog. Mga 3 oras ata yung blahe namin. Ugh. Nakakapagod ang byahe ha"Love gutom kana ba?" Tanong nya sakin.
"Hindi pa naman, ikaw?" Sabi ko.
"Di pa din pero paggutom kana kain na tayo love."
"Pagdating nalang don Love." Sumakay kami ng bangka papunta dun sa mismong resort kaya naman inenjoy ko. Hahaha. Mahilig kasi ako sa adventure e.
"Love wala ka bang work? 5 days tayo dito." Sabi ko.
"Love okay lang, pupunta si papa(lolo) dun habang wala ako."
"Grabe ang lakas pa ng lolo mo no." Tumango naman sya ng nakangiti.
"Pwede bang pagkagaling natin dito punta tayo sa paprents mo?" Tanong ko. Mukha namang nagulat sya.
"Sure ka ba?" Sabi nya.
"Yeah love. Sure ako." Sabi ko ng nakangiti.
"Okay, kung yan ang gusto ng prinsesa ko e. Nangmakarating kami ay nagulat ako. Palubog na kasi ang araw at ang ganda nito. Nakaharap lang ako sa dagat."Panoorin natin." Sabi nya sakin.
"Pano yung gamit natin?" Tanong ko.
"Pinadala ko kana Kim. Upo tayo." Sabi nya sakin. Nakaupo kami at nakasandal ako sakanya. Naramdaman kong huminga sya ng malalim.
.
.
.
.
Bea"Saksi ang araw sa mga sasabihin ko. Sa mga pangako ko, na tutuparin ko. Sa mga araw na magdadaan mamahalin kita Jho at ituturing na prinsesa. Ayokong mawala ka, hindi ko kakayanin. Wala na akong pakealam sa ibang bagay. Promise magmamatured ako at di na isip bata. Lahat ng ayaw mo, binago ko na Love." Sabi ko.
"Love. Kahit sino ka pa o ano ka, tanggap kita at mamahalin kita. I know nagkamali ako noon, nabulag ako e. And I'm sorry for that. I love you always." Sabi nya sakin.
"I love you forever." Sabi ko sakanya at hinalikan sya sa noo. Ano man ang mangyari, pakakasalan ko sya. Kahit buong mundo pa ang hahadlang. Hindi ako titigil sa pagmamahal ko sakanya. Kasabay ng mga pangako ko ay ang paglubog ng araw.
.
.
.
.
.
Guys, sorry ngayon lang naayos e😳
BINABASA MO ANG
Second Chance
Fanfiction"Handa ka bang magbigay ng pangalawang pagkakataon sa taong walang ginawa kundi ang saktan ka?" (JhoBea)