Jho
Ito kami nasa byahe, ihahatid ako ni Bea sa Hospital. Pagdating namin pinagbuksan nya agad ako ng pinto tapos hinalikan ako sa noo.
"Pano ba yan babe, magkalayo nanaman tayo?" Sabi nya ng malungkot.
"Ano ka ba babe, ilang oras lang tayo di magkikita. Maglulunch pa tayo diba?" Sabi ko.
"Pero mamimiss kita!" Sabi nya ng parang bata. Kinurot ko sya sa pisnge.
"O sya! Tama na. Bye, babe. Ingat ha behave!" Sabi ko at hinalikan sya sabay pasok sa hospital ng may mabangga ako."Ay sorry Miss. Hindi ko po sinasadya." Sab nya.
"No it's okay, kasalanan ko din." Sabi ko at ngumiti. Chinito sya ha. May itsura.
"Hi. Marci pala." Sabi nya at inabot ang kamay. Ayoko namang maging rude so inabot ko ang kamay nya.
"Jho. Jhoana." Sabi ko. "I need to go Marci." Sabi ko at ngumiti sabay naglakad.
"Wait!" Sabi nya at lumingon ako. "Friends?" Tanong nya. Napaisip ako. Friends lang naman e. Go na.
"Sure." Sabi ko at umalis na. Napaisip naman ako, wala naman sigurong masama dun. Hahaha. Pumasok ako sa office sakto namang sumunod ang isang doctor."Ms. Maraguinot, the head what's to talk to you." Sabi nya. Tumango naman ako bilang sagot. Maya-maya pa ay pumunta na ko, pagpasok ko may nakita akong dalwang lalaking naguusap parang namumukaan ko yung isa.
"Sir?" Tawag ko.
"Ow! Ms. Maraguinot come here." Sabi nya, ahh! Kilala ko na yung isa! Sino nga ulit to? Ahmm. Ma.... mars.... Marci! Ayun! Tama! "I want you to meet Marci our new doctor, same sya ng tinapos ng girlfriend mo. " ahh. Kaya pala.
"Ano pong pwede kong maitulong?" Tanong ko.
"Ahmm. Gusto ko sanang ikaw ang magtour sakanya? Tutal isa ka sa mga pinagkakatiwalaan dito, pwede mo ba syang samahan for 1 week?" Tanong ni Mr. Cho.
"Ahmm. Sure Sir, no problem." Di naman siguro magseselos baby ko sakanya.
"Marci Bacalla Ms. Maraguinot." Sabi nya at inabot ang kamay nya, ayoko namang maging rude so kinuha ko.
"Nice to meet you." Sabi ko at bumitaw na. Habang nililibot ko sya sa hospital napansin kong gwapo din pala sya pero di ko pagpapalit beadel ko! Kahit pa chinito sya at cute!"Ms. Maraguinot, are you okay?" Tanong nya.
"Yeah. May naisip lang ako bigla." Pagpapalusot ko.
"Ano naman yun at sakin ka nakatingin?" Tanong nya.
"Ilang babae na ba napaiyak mo?" Tanong ko.
"Hahaha. Ang hard naman, well. Sa totoo lang wala pa akong nagiging girlfriend. Naunahan mo pa nga ako e, mag gf ka daw?" Tanong nya.
"Ahmmm. Were best friends! Ibig sabihin ni Doc best of friends kami." Sabi ko.
"Yung seryoso. Hindi naman ako mapanghusga." Sabi nya.
"Ahmm. Yeah, for 5 years." Sabi ko.
"Wow. Napakaswerte nya naman. I hope isa syang responsable at napaka tinong babae. Napagiisipan nyo na ba future nyo? Tagal nyo na e." Sabi nya. Napaisip ako, napagusapan ba namin ni minsan yun?Bea is childish at go with the flow lang. Di nya iniisip yung future basta ang mahalaga yung ngayon. Walang pake sa lahat makasama lang ako, pati sa trabaho. Sya ba yung ideal wife? Yung mapapangasawa ko at bubuhay samin? Napaisip ako dun ha.
"Hey. May nasabi ba akong di maganda?" Sabi ni marci.
"Ahh. Wala, hahaha. Tara na sa kabila." Sabi ko. Ginabi na kami sa laki ng Hospital at ng paglabas na ako para magintay kay Bea bigla naman umulan, wala nadin masyadong tao. Nakakatakot naman. Lumabas ako at nagiintay sa gate pero wala pa sya, hanggang sa may tumigil na sasakyan sa harap ko."Hatid na kita?" Tanong nya, si Marci.
"Ahmm. Salamat nalang, may sundo ako." Tumango sya at nagsara ng bintana. Akala ko aalis na sya pero bumababa sya at lumapit sakin.
"Then hayaan mo akong samahan ka sa paghihintay. Delikado na kaso e." Sabi nya at ngumiti. Wow. Ang bait nya ha at gentleman din."So.... pwede mo ba akong kwentuhan kahit konti?" Sabi nya.
"About san ba?" Tanong ko.
"Sayo. Interesado ako, and i don't know why." Sabi nya. Napatingin naman ako at napakwento.
.
.
.
.
.
.
.
BeaUgh!!! Traffic! Baka mamaya kung ano na nangyari sa baby ko. Bwiset!
*peep* *peep*
Pagdating ko, nakita ko syang nakaupo sa may gate, pero hindi sya magisa may kasama syang lalaki. Hmmm. Sino naman.to.
"Baby." Sabi ko. Humarap naman sya, nakangiti sya pero mapawi yun ng makita nya ko.
"Baby! Ang tagal mo ha. Btw. This is Marci, Marci si Bea gf ko." Sabi nya nabot ko naman ang kamay ko.
"Thankyou sa pagbabantay sa girlfriend ko." Sabi ko.
"No problem. Next time agahan mo, delikado kasi at naulan." Sabi nya at tumango naman ako. Bago sya pumasok ng sasakyan ay tumango sya sakin at nangbabye kay Jho.
"See you Jho."sabi nya.
"Okay. Ingat." Sabi ni Jho. Oo na, aaminin ko nagselos ako pero thankyou parin kase di nya pinabayaan si Jho. Di ko napansin na nakakunot na pala noo ko."Ehem. Wag mo sabihing type mo sya." Panloloko ni Jho.
Ngumiisi naman ako. "Tsk. Never." Sabi ko.
"Or.... Nagseselos ka?" Sabi nya.
"Tsk. Baka nga!" Sabi ko. Nakakauma e.
"Wushu! Selos baby ko oh!" Lumapit sya sa tenga ko at humawak sa leeg ko. "Chill, I'm yours." Sabi nya. Ugh! Grabe yung epekto nya sakin. Di ko na talaga kayang wala sya. Pag ako di nakapagpigil dito Jhoana! Nako! Magsisisi ka talaga!
.
.
.
.
.
.
Sorry ngayon lang nakapagUD😆✌

BINABASA MO ANG
Second Chance
Fanfiction"Handa ka bang magbigay ng pangalawang pagkakataon sa taong walang ginawa kundi ang saktan ka?" (JhoBea)