Bea
Alam ko, narinig ko lahat. Pumayag sya, hindi ko sya masisisi kase sino ba naman ang ayaw sa 'Normal' na buhay? Basta hangga't sakin sya umuuwi wala akong dapat katakutan. Basta mahal ko sya. Tanga na kung tanga, pero alam nyo yung pakiramdam na alam mo ng talo ka pero gusto mo parin lumaban? Kase baka. Baka lang. May chansa pang manalo ka at maiba ang ending ng lahat.
Ito ako nasa sasakyan at sinundan nanaman sila. Nasan sila? Nagdidinner, kaya pala sabi nya busy sya. Busy sa iba. Masakit alam ko, pero sakin parin naman sya nauwi e. It means mas mahal nya ko. Tama pala hinala ko, kaya sya nagiging cold kase may iba na. Sinundan ko sila hanggang sa ihatid nya si Jho sa bahay. Ang gentleman naman ni Marci. Hahaha. Ako din naman ah, pero bat di sya nakuntento.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
JhoKakatapos lang naming kumain at hinatid nya ako hanggang sa malapit sa bahay baka kasi nandun si Bea, e inaya nya ako magdinner pero hinindian ko. Pero nagulat ako, wala pa sya at yung sasakyan nya. Baka kasama sila Kimmy at lumabas. Maya-maya pa ay may pumaradang sasakyan sa labas ng bahay kaya lumabas ako at di ako nagkamali, si Bea nga. Inaamin ko, namiss ko sya kase nitong mga nagdaang araw si Marci ang kasama ko. Namiss ko yung 'alagang Beadel' hahaha. Pagpasok nya niyakap nya agad ako.
"I miss you." Sabi ko habang nakayakap sya sakin.
" i miss you more." Sabi nya at kumawala sa yakap.
"Kain lang ako." Sabi nya. Huh? Bat di sya nagaya?
"Wait? Hindi mo manlang ba ako aayain kumain?" Sabi ko habang naglalakad sya.
"Ahh. Sabi ko nga e. Tara na, kain na tayo." Sabi nya at umakbay sakin. Hala! Di kaya nakita nya kaming kumain ni Marci? Pero imposible. Nagiingat kami.Bago matulog naglinis na ako at nakita ko si Bea sa beranda ng kwarto na nakatingin sa kawalan.
"Lalim naman ng iniisip ng mahal ko." Sabi ko at niyakap ko sya mula sa likod.
" hahaha! Tagal mo kasi magbanyo e." Sabi nya at umikot. "Tara na. Tulog na tayo." Sabi nya at binuhat ako ng pangkasal.
"Asus! Naglalambing baby ko!" Natawa naman kaming dalawa.
.
.
.
.
.
BeaIto ako sa office kausap sila Kim, Ara, Riri, ate Ly, ate Gretch at ate A. Nainom kami ng onti.
"Wait nga pandin namin dalwang linggo kanang bilasa ha." Sabi ni ate Ly.
"Wala na. Ako na pinakagwapo satin! Hahaah" pagloloko ni ate Gretch.
"Alagaan mo naman sarili mo, jusme. Baka maghanap ng iba si Jho!" Sabi ni Rir. Nakahanap na pre. Nakahanap na. Sabi ko sa sarili ko. Ayokong ipaalam sa kanila kase alam kong magiiba tingin nila kay Jho. Alam ko namang gusto nya lang yung mas makakabuti sakanya. Ang mahalaga kami ang legal at sakin sya nauwi.
"Hay nako guys! Una na ko, puntahan ko mama ni Jho e. May lunch kami with yhe family." Sabi ko.
"Riri, sabay ka?" Tanong ko. Nga pala si Riri ang gf ng kapatid ni Jho. Diba? Buti pa kapatid nya ayaw mahiwalay kay Riri.
"Ayoko. Third wheel ako sainyo!" Sabi nya.
"abno! Di ko sya susunduin. Dadaretsyo nalang daw sya. Busy e." Sabi ko.
"Busy ba talaga? O baka may inaasekasong iba?" Panloloko ni Ara. Ouch. Ouch. Solid.
"Oy baka makapunta yan dun sa Hospital ni Jho! Hahaha." Pangaasar ni ate A.
"Bye na guys. Kayo na maglock nito oh!" Sabi ko at ibinato ang susi.
.
.
.
.
.
Pagdating namin dun kana Jho, wala pang tao. Di pa kumpleto."Ang aga mo naman anak." Sabi ng mama ni Jho..
"Ahmm. Tumakas po kami kase nagiinom yung tropa." Sabi ko.
"Ahh.. Sunduin mo na asawa mo para makapunta na dito." Sabi ng mama ni Jho. Ayoko po. Baka may makita nanaman ako. Hahaha. "Lakad na ija." Di naman ako nakatanggi kase baka makapansin ang mama nya kaya umuna na ako. Di ko na sinama si Riri kase baka may makita kami at malaman nya pa. Pag tigil ko sa SB malapit sa Hospital nila ay may nakita akong isang lalaki at isang babae. Umiiyak yung girl at ngiting ngiti yung boy. Wow. Sila na. Hahahah! Kailangan ko pala batiin mamaya si Jho. Malapit na sya magkaroon ng normal na buhay. Hahaha. Ang saya! Di na ako pumunta kana Jho, hindi ko kayang magpanggap na okay ako kahit nakita kong umoo na sya kay Marci. Oo nga naman dun din ang punta nun. Hahah. Ito ako malapit sa lawa at umiinom. Leche. Masaya na kami e! Ikakasal na! Ugh!!!! Bwiset! Nakita ko namang ang dami ng tawag ni Jho at ni Riri pero di ko na sinagot. Naiyak parin kasi ako."Hayaaan mo na Bea. Ang mahalaga, sakin sya nauwi. Sakin." Sabi ko nalang sa sarili ko. Down na down na ako e.
.
.
.
.
.
.
JhoKanina pa namin tinatawagan ni Bea pero di nya sinasagot. Hahaha. Ang sabi ni mama umalis daw para sunduin ako, di kaya nakita nyang sinagot ko di Marci? Yes. Tam kayo. Sinagot ko na sya. May side na nagsasabing mali ako pero gusto ko ng normal na buhay, pero mahal ko si Bea at ayokong mawala sya. Mali alam ko, pero gulong gulo talaga ako. Gulong gulo.
"Sumagot na ba?" Tanong ni Riri.
"Hindi pa nga e." Sabi ko.
"Ano na kayang nangyari sa anak ko!" Sabi ni mama. Mahal na mahal nila si Bea. Talagang magagalit sila pagnalaman nila yung kay marci. Whoo.
.
.
.
.
Bea"Mukhang malaking poblema yan ha." Sabi ng babae papalapit.
"Wala ka ng pakealam dun!" Sabi ko.
"Aray naman Bea! Ang hard." Wait. Kilala ko to ha.
"Ej?" Tanong ko.
"Akala ko nakalimutan mo na ako e!" Sabi nya. "Care to share?" Sabi nya. Buong gabi kaming magakasama at kinwento ko lahat sa kanya. Galit sya pero napagaan nya yung loob ko. Thanks to her kahit saglit nakalimutan ko yun sakit. Sakit na malamang hindi kuntento sayo ang taong mahal mo. Nailabas ko lahat ng sama ng loob ko sakanya, alam nyo yun? Nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Punong puno na kasi e. Masyadong masakit.Thankyou po sa mga bumabasa ng story and sorry kung medyo magulo. Unang story po kasi✌ hehehe
BINABASA MO ANG
Second Chance
Fanfic"Handa ka bang magbigay ng pangalawang pagkakataon sa taong walang ginawa kundi ang saktan ka?" (JhoBea)