Jho
Bakit kaya ang dali akong napatawad ni Bea? Bat di manlang sya nagalit? Tapos ngayon nanliligaw na sya. Parang ramdam ma ramdam ko tuloy na ang sama ko.
Nandito kami sa byahe, papunta sana kami kana Kim kase nagaya sya na magbonding yung tropa.
"You okay?" Tanong nya. Tumango naman ako.
"Yeah." Sabi ko at pinikit nalang ang mata ko.Nagising ako sa mahihinang tapik sa braso ko.
"Jho. Bangon kana, hinahanap kana nila." Sabi ng babae na nagising sakin. Pagmulat ko nagulat ako, nasa kwarto ako at si ate Den ang nandito.
"Ate Den, pano ako nakarating dito?" Tanong ko.
"Binuhat ka ni Bea kanina, sarap daw kasi ng tulig mo. E sabi ko gisingin na kita." Sabi nya. Sus. Talaga namang di na ako ginising. Pumunta muna akong banyo bago kami bumaba. Pero bago ako bumaba ay narinig ko silang naguusap."Bro! Sa lala ng nagawa sayo ni Jho napatawad mo agad sya, tapos ngayon liligawan mo na! Saludo na talga ako sayo men!" Sabi ni ate Gretch.
"Pasabi-sabi ka pang nakamove on kana, hindi naman pala!" Sabi ni ate Ly. Nakita ko namang nailing sya habang nakangiti. Nakaramdam naman ako ng sakit. Alam nyo yun? Feeling ko napakasama ko, tapos sya yung pupurihin kase sya yung nasaktan tapos ako yung masama na ng inawan dahil selfish. Pinagsisihan ko nanamana yun e. Hayy.
"Ehem." Sabi ko ahabang bumababa ng hagdan. Nakita ko naman silang tumingin at ngimiti si Bea sakin.
"Oh guys ito na pala mahal ko e." Sabi nya at tumayo.
"Wushuu." Sabi nila at nagtawanan.
"Ahmm. Tara sa garden." Sabi ni ate Ly at tumayo na sila. Si Bea naman ay inintay ako at inalalayan. Habng nasa garden di parin wala sa isip ko yun. Hayy.
"Oh? Inom na tayo, kahit konti lang!" Sabi ni ate Gretch.
"Ayan! Napakalasinggera talaga." Sabi ni ate Ly habang nakaakbay kay ate Den.
"Hindi. Ganyan lang talaga pagbroken!" Pangaasar ni Kim.
"Oww! Hahahah." Sabi namin.
"Bro wag naman ganyan. Hard ha!" Sabi ni Ate Gretch na ikinatawa namin.
Habang nainom na yung iba, si Bea di pa ginagalaw beer nya.
"Ahmmm." Sabi nya. Tumingin ako.
"Pwede ba akong uminom? Promise! Koti lang po!" Sabi nya. Toooo cute! Hahaha! Grabe e..
Natawa naman ako. "Bat ka natawa? Tanong nya.
"Co'z your tooo cute!" Sabi ko at pinisil ang pisngi nya.
"Ehem! May mga tao pa." Sabi ni ate A kaya natawa kaming dalwa. Mga ilang oras pa ang tumagal ay radam kong lasing na sila kaya naman si ate Den inalalayan na si ate Ly yung iba naman kinaya ng makapasok.
"Oh? Jho? Kaya mo ba yang damulag na yan?" Tanong ni ate Gretch. Medyo nalasing sya. Hahaha. Pinigilan nya pero pasaway talaga tropa nya e,pinainom sya ng madami. Hay. Di ko napigilan sarili ko.."Bea. Bat di ka manlang nagalit sakin? Bat napatawad mo agad ako?" Sabi ko sakanya.. Nakita kong tumingin sya sakin pero halatang lasing.
"You know what? Mahal kita." Sabi nya.
"I know and mahal din kita. Pero... bat ganun kadali?" Sabi ko.
"Kase pag mahal mo yung isang tao? Kahit ilang ulit syang magkamali ang mapapansin mo yung tama nyang ginawa. Believe me. Jho sinubukan kong kalimutan ka. 5 tao Jho. Limang taon kong pinaniwala ang sarili ko na nakamove on na ko pero when saw you, nawala lahat ng galit. Lahat ng takot na magmahal ulit. Lahat ng paniniwala na masasaktan lang ulit ako. Jho ngayon ko napatunayan na ang taong nanakit sayo at dumurog sayo ay taong makakapagayos nito at makakapagalis ng sakit. Jho mahal kita, at sa loob ng 5 taon na wala ka? Nawala din yung kalahati ko. Maraming nagsasabi na martyr ako, tanga. Pero wala akong pakealam kase alam ko na ako ang swerte sa relasyong to. Kase nakahanap ako ng kukupleto sa buhay ko. Hindi ako lasing ha, seryoso ako. Dinaya ko lang talaga sila." Sabi nya at hinalikan ako sa noo habang nakangiti. "I hope sa lahat ng sinabi ko maniwala kana, kalimutan na natin lahat. Magsimula tayo ulit." Sabi nya at hinawakan ako sa kamay. "Can you be mine? Again." Sabi nya. Napaiyak nalang ako at tumango. Niyakap nya ako at hinalikan sa buhok. Now I'm sure. Ito na ang taong gusto kong makasama hanggang sa mamatay ako. Swerte ako dahil may taong nandyan para sakin at di napapagod na mahalin ako at patawarin."I love you." Sabi ko at niyakap sya.
"And I love you too." Sabi nya at niyakap ako ng mas mahigpit.
.
.
.
.
.
.
BeaDi naman ako masyadong nalasing kase dinadaya ko sila. Hahaha. Kami na! Leche! Hahaha! Ewan ko pero basta nalang yun lumabas sa bibig ko. Yung mga sinabi ko kagabi.
"Ughh! Sakit ng ulo ko!" Sabi ni ate Gretch pababa ng hagdan. Napalingon naman ako.
"Hahaha! Ano ba yan? Nalasing kayo dun?" Sabi ko.
"Tsk. Madaya ka ha!" Sabi ni ate Ly.
"Haahah! Awayin nyo na ko, sige pero di nyo masisira mood ko." Sabi ko.
"Hala?! May nangyari ba? Masaya?" Sabi ni ate Gretch.
"Utak mo!" Sabi ni Kim.
"Yeah." Nakita ko namang nagulat sila. "Kami na." Sabi ko at pumuntang kusina.
"What the?! Natulog lang kami kayo na?!" Sabi ni ate Ly.
"Whooo!!! Congrats bro!" Sabi ni Kim at sinakyan ako, yung iba naman binatukan ako.
"Ang ingay." Sabi ni Den na kakababa lang.
"Ang iingay nyo! Nagising baby ko!" Sabi ni ate Ly. "Sorry baby." Sabi nya at lumapit kay ate Den.
"Sus. Under." Sabi ni ate A.
"Sus. Single." Sabi ko.
"Burnnnnn." Sabi nila at nagapir kami ni ate Ly. Hahaha. Bawi.
"Ah! Nangaaway ka ha." Sabi nya.
"Anong meron?" Sabi ng babaeng kakababa lang sa hagdan.
"Ay susss! Ito na pala prinsesa mo e." Sabi ni Kim.
"Hhaha! Good Morning princess." Sabi ko at hinalikan sya sa noo.
"Good Morning." Sabi nya ng nakangiti.
"Kayo ha! Natulog lang kami, kayo na!" Sabi ni ate Ly.
"Yieee! Love is sweeter in the second time around. Ika nga nila." Sabi ni ate A.
"Daming alam! Single ka din oy!" Sabi ni ate Gretch. Natawa naman kami.
"Oh e, kelan kasal?" Tanong ni Kim. Napailing naman ako.
"Darating tayo dyan, kaialngan muna namin magbond." Sabi ko at inakbayan si Jho.
"Tara na kumain! Nakakauta!" Sabi ni Kim. Hahaha! Mga single kasi e.Habang nakain kami, tawanan lang kami ng tawanan hanggang sa magkaayaan ng magayos ng gamit para makauwi na.
"Love gusto mo na ba umuwi?" Tanong nya.
"Para ngang ayaw ko pa e." Sabi ko.
"Ayaw mo ba akong masolo?" Pangaasar nya.
"Ay nako Beatriz tigil-tigilan mo ko ha." Sabi ko at natawa.
"What? I'm just asking." Sabi nya.
"Guys! Swimming nalang tayo!" Sabi ni Kim.
"Oo nga! Sayang naman oh. Si Riri nageenjoy dun tayo walang magawa." Sabi ni ate A na ikinatawa namin.
"Soo? San naman tayo?" Sabi ni ate Ly.
"Boracay! Boracay!" Sabi nila. Napailing naman ako. Kakukulit naman e.
"Edi si Bea na sagot sa eroplano nyan?" Sabi nila.
"Gustuhin ko man pero Lolo is not here. Wala din yung eroplano so byahe tayo bro." Sabi ko.
"Okay na yun! Maraminamang chixx dun e." Sabi ni Kim.
"Wag na kaya tayo sumama?"sabi ni ate Den kay Ly.
"Oo nga. Parang mas masaya dito love." Sabi ni Jho sakin. Natawa naman kami.
"Don't worry love.sayo lang tong mga matang to at lali na tong puso ko." Sabi ko at tinuro ang dibdib ko.
"Wala na.... corny..." sabi ni ate Gretch.
"Pagpasensyahan nyo na ha? Ganyan talaga pagsingle." Sabi ni ate Ly. Hahaha.
"Ako na bahala sa ticket." Sabi ko at tumingin sila lahat.
"Yan gusto ko sayo e! Galante! Haahah!" Sabi ni Kim. Napailing naman ako.
"Una na kami ng prinsesa ko para makapagayos. Bukas tayo aalis, ako na bahala." Sabi ko at inalalayan si Jho palabas.
"Thankyou guys." Sabi ni jho.
"Buti pa si Jho nagbabye." Sabi nila.
"Arte nyo!" Sabi ko.
Bago sumakay pinagbuksan ko sya ng pinto at pinagpag ang uupuan nya. Nagulat nama ako at hinalikan nya ko sa pisnge. "Thankyou." Sabi nya. Bago sya pumasok hinigit ko ulit sya.
"Isa pa kaya?" Sabi ko.
"Abnormal!" Sabi nya sakin.
"Mahal mo naman." Sabi ko at nakita kong namula sya. Habang nasa byahe kami ay di ko maiwasang mapatingin sakanya habang tulog.
"I love you. Always and forever." Sabi ko. Di sya sumagot at dahil traffic ay lumapit ako sakanya at hinalikan sya sa labi.
"Grabe naman! Nananamantala!" Sabi nya at nagmulat.
"E di ka kasi nasagot e." Sabi ko. Hinalikan nya ulit ako ng medyo matagal.
"I love you too. " sabi nya. Hahalikan ko pa sana sya ng may marinig na busina. Nagising naman ang diwa ko.
"Shit." Sabi ko at piatakbo agad ang sasakyan. "Bitin! Uma." Sabi ko. Nakita ko naman syang ngumiti at umiling.
.
.
.
.
."Sya yung babaeng di dapat pinapakawalan kase oras na mawala ang kagaya nya sa buhay mo? Masasabi mong yun na ang pinakamalaking bagay na pinagsisisihan mo sa buong buhay mo.".
.
.
.
.
.
.
Hi guys! Naayos na😍😍 salamat sa lahat guys and sorry kung bitin✌ loveyou💙

BINABASA MO ANG
Second Chance
Fanfiction"Handa ka bang magbigay ng pangalawang pagkakataon sa taong walang ginawa kundi ang saktan ka?" (JhoBea)