9(Muling ibalik na ba ito?)

6.7K 186 28
                                    

Jho

Pagpasok namin sa bahay dinala nya ang gamit ko sa kwarto at bumaba. Umupo sya sa harap ng TV at binuksan ito sabay tingin sakin.

"Tumira kana dito dati, gusto mo bang itour kita?" Sabi nya. Umiling naman ako.
"Ahh. Hindi ah! Napapatangkad ako!" Pagdadahilan ko. Naluyol ang paguusap namin ng mapatingin kami sa TV. Kaming dalwa yun! What the?! Yung sa SB!

"Isa sa mga kilalang negosyante na si Bea de Leon ang nakita na may kasamang babae. Kinilala itong si Jhoana Maraguinot na ang bulong-bulungan ay ex nya din! Break na ba sila ng nalink sakanyang babae na si EJ Laure?" Sabi ng isa sa mga host.
"Omg! Ang hot nya no! So totoo kaya ito?" Sabi nung isa.
"Wala tayong katibayan na sila nga but yung way ng pagprotekta nya sa girl? Iba teh!" Sabi nung beki na host. Sana nga totoo!
"O sya, mga kachismisan magbabalik kami for more info's!" Sabi ng isa at nagpatalastas.

Tumingin naman sya sakin at natulala.
"Sorry. Hindi ko sadyang maissue ka!" Sabi nya. Okay lang yun, about naman satin e!
"O-okay lang. " sabi ko sakanya. Napailing naman sya at pumunta na sa taas. 8:50 na ng gabi kaya naman napagpasyahan ko naring magpahinga ng maisip kong isa lang ang kwarto dito.

"Omgg!" Sabi ko at tumaas sakto namang pababa sya.
"Ahmmm. Ahh." Sabi namin dalwa.
"Ako na sa sofa!" Sabi namin dalwa ng sabay.
"Ako na." Sabi ulit namin. Gosh!
"Okay lang, kailangan mong makapagpahinga." Sabi nya.
"Sayong bahay to kaya ikaw dapat ang doon." Sabi ko.
"Bahay mo din to diba?" Sabi nya na ikinapula ko! Shemay!!!
"ahmm. Dun ka nalang din matulog. Ano kasi... nakakahiya, lagyan nalang natin ng unan sa pagitan." Sabi ko. Nakakahiya ka Jho! Hokage yan! Whoo.
"Sure ka?" Tanong nya.
"Y-yeah." Sabi ko at tumango naman sya kaya tumaas na kami.
"Wait iinom lang ako ng tubig." Sabi ko at kumaripas pababa. Omgg! Tabi kaming matutulog! Pano kung may mangyari?!(hoy! Utak mo Jho! Bata pa ang tagasalaysay) ay sorry! Hahaha!

Maya-maya pa ay tumaas na ako, pero bago ko buksan ang pinto ay huminga muna ako ng malalim. Whoo! Kaya mo to Jho! Pagpasok ko nakita ko syang natutulog at nakaboxer lang at sando. Bey! Ano trip mo?! Jusme!!! Bukas ang kasal ng kapatid ko please naman!!! Naglinis narin ako ng katawan at humiga na. Tumalikod ako para maiwasan ang pagiging awkward pero hindi ako nakatiis, huumarap ako at tiningnan sya.

"Sorry for hurting you... Sorry kung iniwan kita ng basta. Bea, pinagsisisihan ko lahat yun. Sorry." Kusang lumabas yun sa bibig ko habng naiyak ako. Nagulat ako ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko at hinalikan ang likod sabay tanggal ng unan sa pgitan namin. Niyakap nya ako at hiniga sa braso nya.

"B-bea..." sabi ko.
"Shhh! Matulog kana." Sabi nya at niyakap ko nalang din sya. Di ko namalayang nakatulog na ako.
.
.
.
.
Nagising ako ng dahil sa alarm. Ugh! Anong oras na ba?! Pagtingin ko sa orasan ay 6 am na, sakto gising ko para sa kasal ni Jaja. Kinapa ko ang kama pero naramdaman kong wala na akong katabi, nakita ko nalang na may letter sa gilid ko.

'See you' omg!!! Ano bang ibig sabihin nito?! Jusme!!! Nagayos na ako at pumunta sa hotel kung saan kami aayusan. Kasama kasi ako sa kasal. Balita ko si Bea daw ang best-woman ni Riri. Ano kayang suot nya? Hot sya dun!!!

Pagpasok ko sa hotel ay nagaayos na lahat kaya naman lumapit ako kay Jaja.

"Congrats lil sister. I'm so proud of you." Sabi ko ng maluha-luha.
"Ate" sabi nya at niyakap ako. "Wag mo sirain make-up ko! Mamaya na tayo magdramahan! I miss you!" Sabi nya at humiwalay sa yakap. "Lakad na at magpaayos kana!" Sabi nya at tinulak ako ng bahagya.

Inayusan ako ng mga tao dito at pinasuot sakin ang white dress na may blueng palamuti.
"Wow. You look nice." Sabi ni Jaja sakin. Ngumiti naman ako. Maya-maya pa ay tinawag na kami sa Garden na pagdadausan ng kasal nila Riri. Pangalawa ako sa huli kaya hindi ko masyado makita si Bea.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon