8(Ang sakit pala)

7.1K 144 2
                                    

Bea

Here I am. Tinitingnan yung picture sa phone ko. Puro kami ni Jho e. Ngayon alam ko na yung feeling ng mawalan. 1 month na nakakalipas at hanggang ngayon nasasaktan akong makita silang magkasama. Bat ba di ko naisip na mahal ko na pala sya? Ngayon malabo na nya akong mapatawad. Simula nung araw na umuwi silang magkasama ni Ysay nakalimutan ko narin mangbabae. Leche. Sising-sisi akong sinaktan ko sya. Hahaha. Nakakatawa no, kung kelan wala na tyaka mo marerealize na mahal mo pala? Buti pa si Bang at Ara okay. Kami? Magkasama nga sa isang bahay, sa isang kwarto pero hindi naman naguusap. Sana ako nalang si Ysay. Yung superhero nya.
.
.
.
.
Jho

Sa mga araw na nagdadaan mas nagigingnokay ako. Even though roommates kami. Bihira naman kami magabot dun e. Si Ysay kasi hero. Inalam sched namin ni Bea para di kami magabot dun. Hahaha. Sabi nya magiintay daw sya ang sabi naman ng mga teammates ko si Ysay nalang daw. Bakit nga ba hindi e gwapo naman sya, mabait, matino, at higit sa lahat hindi ako lolokohin. Pero iba yung kay Bea e. Parang nga sa loob ng 1 buwan na yun napatawad ko na agad sya. Hay. Ang huna ko naman.

"Hoy! Malulunod na ako sa lalim ng iniisip mo!" Sabi ni Ysay. Nasa mall kasi kami, nakain ng ice cream.

"Ay sorry. Ang bilis ng panahon no? 1 month na agad nakalipas." Sabi nya
"Sana mabilis din syang mawala sa puso mo. Para di kana naiyak. Wait, may dumi ka." Sabi nya at tumayo at inabot ang mukha ko. Pinahidan nya ang ice cream sa gilid nglabi ko. Shet. Nagulat ako.
"Ayan! Okay na." Sabi nya at kumain na ulit.
"T-thankyou." Sabi ko at kumain na ulit.
"Nailang ka ba? Sorry." Sabi nya.
"H-hindi okay lang. Nagulat lang ako. Hahaha." Sabi ko.
"Tara na. Maglaro tayo dun." Sabay turo sa laruan sa mall.
"Tara na." Sabi ko. Natuwa kasi ako kaya hinigit ko sya.

Bumili sya ng ticket at naglaro kami ng basketball.

"Kung sino matalo manlilibre ha." Sabi ko.
"Ah. Ako pa hinamon mo?" Sabi nya.
"Ihanda mo na pera mo!" Sabi ko sabay dilaa.
.
.
.
Bea

Dapat pala umuwi na ako. Haha. Sakit naman ng nakikita ko. Naglalaro sila ng basketball habang naghaharutan. Ako dapat yun e. Ako dapat. Kung di ko lang sya sinaktan, ako dapat kasama nya dun. Napagpasyahan kongnumuwi na pero bago yun bumili muna ako ng mga pagkain. Takot ko nalang sa teammates ko. Nga pala, ayos na kami ng teammates ko. Inexplain kong lahat ng yun kasalanan ko pero si Jho hindi ko padin nakakausap. Baka galit na galit parin sya e. Pagpasok ko ng dorm si Ysay agad ang nakita ko, may dalang pizza at kinakain ng teammates ko habang nanonood ng movie. Tumingin si Ysay sakin at ngumiti. Tumaas ako sa kwarto. Ang dilim naman kaya nagtanggal na ako ng t-shirt at nakasport bra na ako. Tapos binuksan ko yung ilaw.

"Ji---" nagulat ako ng may nagsalita. Si Jho pala. The heck? Bat nandito sya?
"A-ah. Eh. S-sorry." Sabi ko.
"No it's okay may kinuha lang ako, akal ko si Jizelle yungnpumasok e.
"Ahmm. Sige pwede kana magbihis" sabi nya shet! Oo nga pala. Kumuha agad ako ng sando at nagbihis.
"Sige labas na ko." Fudge! Di ko pa sya kinausap! Ang epic leche! Mamaya talaga kakausapin ko na sya! Ugh!
.
.
.
.
Jho

Paglaas ko ng kwarto huminga agad ako ng malalim. Nagulat ako at leche nakasport bra lang sya kanina! Ugh!

"You okay?" Tanong ni Ysay sakin.
"Y-yeah." Niyakap ko naman sya. Yun kasi pampakalma ko e.
"Guys sa pagkakaalam ko horror ang pinapanood hindi about love. E bat may naghaharutan dyan?" tabong ni Jizelle na ikinatawa namin. Haha. Abno. Bumaba bigla si Bea ng naka pambahay. Kaya sumandal ako kay Ysay at pumikit. Uma!!!Nakakahiya. Huhuhu!!

"Ahmm. Guys alis muna ako." Narinig kong sabi ni Bea. Mambababae nanaman yan!

Nang maggagabi na ay nagpaalam na si Ysay samin na aalis na sya kaya hinatid ko sya sa labas.

"Hey you okay? Gusto mo ng ice cream? Parang kailangan mo ng super hug baby." Sabi nya nanikinatawa ko.
"Hokage ka talaga! Haaha! Lakad na baka gabihin ka pa."
"Ayay captain!" Sabi nya at sumaludo pa. Nangpasakay na sya sa kotse ay bumalik sya at hinalikan ako sa noo.
"Wag kang magoverthink ha, call if may poblema o gusto mo ng kausap. Anytime." Sabi nya at sumakay na. Aww. Sweet.
"Baka manchixx ka pa ha." Sabi ko dahilan para ibaba nya ang bintana.
"Don't worry loyal ako sayo. Di ko alam ang salitang yun." Sabi nya at umalis na. Umakyat na ako sa kwarto habang ang mga teammate ko ay nanonood pa. Pagpasok ko sa pinto ay nagulat ako. May mga lobo ang bawat gilid. May mga rosas sa paligid at nandun si Kim, riri at ara bitbit ang 'I'm sorry' na banner.

"Sorry. Because I hurt you. Jhoana Louisse Maraguinot. Your the most craziest person I know. At ang tanga ko dahil pinakawalan kita at sinaktan. Oo nagsimula ang lahat sa deal pero natapos at nasaktan kita at huli na ng narealize kong mahal kita. Give me a second chance. Liligawan kita pero hindi na laro. Wala ng deal. Walang dare walang kahit ano. Ikaw lang at ako. Jho. Nagseselos akong makita kayong magkasama dahil mas nararamdaman ko kung ano ang nawala saking bagay. Yung pinakamahalaga. Kahit mapatawad mo manlang ako ngayon. Kami. Sorry Jho. Give me a second chance." Sabi nya. Speech less. Blangko. Tulala. Walang masabi. Kaya pala sya umalis kanina.
"J-jho. Di kita minamadali. Sorry talaga." Sabi nya at tumayo na.
"P-pinapatawad na kita Bea. I'll give you chance. Matagal na yun, okay na. Nagsorry kana e." Sabi ko.
"W-what? P-pinapatawad mo na ako?! Talaga?!" Tumango naman ako bilang tugon. "Yessssa! Whooo!!" Sabi nya at nagtaas ng kamay. Binuhat nya pa ako at binababa. "Sorry. Natuwa lang. Hehe." Sabi nya habang kinakamot ang batok.

"Sa wakas! Okay na sila! Lintek! Kainan na!" Sabi naman ni Jizelle. Nandun paka sila. Grabe. Hinigit ako ni Bea pababa habang ang tropa nya ngiting ngiti. Aww. Sa wakas lahat okay na...

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon