(Ang Hot ni Jho dito! Huhuhu)
Bea
Sa wakas! Ayos na kami! Whoo! Wala na akong sasayangin! Liligawan ko na sya.
"Ahmm. Jho? Pwede ba akong magtanong?" Sabi ko sakanya. Lintek. Ngayon lang ako kinagahan sa babae!
"Yep. Sure!" Sabi nya. Nanonood kasi kami ng movie.
"Can I......."
"What?" Tanong nya at tumingin sakin.
"Who. Can I court you?" Tanong ko. Di sya agad sumagot.
"Ahmm. Bea, wag mo munang madaliin. Tyaka kase.. ano... nanliligaw na sakin si Ysay, and I think. I like him too. Masyado na syang maraming sinakripisyo sakin. Sorry Bea." Sabi nya. And it hits me. Nakalimutan kong may Ysay sa istorya. Ang taong laging nandyan para sakanya. Tanga ka talaga Bea.
"Ahmm. Yeah. I understand. Naiintindihan ko. Joke lang yun. Hahaha. April fools! Hahaha. Alis muna ako, nagtext sila Kimmy e." Sabi ko at lumabas. Nagdrive ako at lumunta sa tambayan. Leche. Sinalubong ako ni Riri.
"Yow. Beer o." Sabay bato. Umupo ako at uminom.
"Ugh! Huli na ko bro! Leche! Mahal na nya si Ysay! Ang tanga! Bat di ko naisip yun?! Kung di ko pa naalalang april fools ngaumyon baka napahiya na ako sakanya! Ah! Leche! Wala na. Wala na sya! Sabi ko. Napaiyak nalang ako. Ugh!
"What do you mean? Umamin ka?" Tanong ni kimmy.
"No. I ask her. Kung pwede ko syang ligawan pero sabi nya wag madaliin tapos sabi nya gusto nya na din daw si Ysay! I know ilang araw nalang magiging sila din! Ugh! Lintek!" Sabi ko.
"Bro. Masyado syang nasaktan at si ysay lang ang naging sandalan nya. Malamang mahulog sya." Sabi ni Riri. Nakita ko namang siniko sya ni Ara.
"A-ah I mean.." sabi ni Riri.
"No it's okay. Your right. Nasatan ko sya. Kaya nakahanap sya ng iba." Sabi ko.
"bro. Give her time. Nanliligaw palang naman diba? So pwede mo pang iparamdam na mahal mo sya." Sabi naman ni Ara. She's right, wala pang sila kaya pwede pa.
"Tama ka. Pwede. I'll win her back. Tsk." Sabi ko sabay inom ng beer.
.
.
.
.
Jho
Ugh. Leche. Nagulo sistema ko! Tapos april fools nanaman. May naramdaman akong kirot. Hayy. Pero hindi. Si Ysay ang gusto ko. Mas makakabuti. Iintayin ko nalang na tanungin nya ako at magiging masaya na kami.
.
.
.
.
.
Ysay
Narinig ko. Narinig ko lahat. Mahal sya ni Bea at kitang kita ko sa mata nya. Kung pano nya tingnan si Bea. Mahal nya din to. Ang sakit. Kase kahit anong gawin ko hindi sapat yun para mapalitan ko si Bea sa puso nya.
"Ako naman nalulunod sa mga iniisip mo." Sabi nya, nasa byahe kami padorm. Ihahatid ko prinsesa ko.
"Ahh. Hahah. Sorry, nagfofocus sa daan." Pagpapalusot ko.
"Ahh. Akala ko namaligno kana e! Hahaha" sabi nya.
"Hahha! Pasalamat ka mahal kita dyan. Hahah." Sabi ko.
"Ahmm.. mahal din kita." Naipreno ko naman ang sasakyan ng biglaan.
"A-ano? P-pakiulit nga." Sabi ko at tulala parin.
"Sabi ko, mahal kita! Tagal mo nga akong ayaing maging gf e! Ano ba yan! " sabi nya. Tha heck?! Mahal nya ko?!
"T-tayo na?" Tanong ko.
"Ayaw mo ata, sige wag na." Bababa na ata sya ng niyakap ko sya. "Never akong aayaw sayo." Sabi ko. "Lahat gagawin ko mapasaya ka lang." Sabi ko.
"Thankyou. Salamat sa lahat." Sabi nya.
Nang makarating kami sa dorm ay pinagbuksan ko sya ng pinto. Pero bago sya pumasok ay hinigit ko sya at niyakap. "Tandaan mo, lahat ng magpapasaya sayo. Gagawin ko." Sabi ko at hinalikan sya sa noo.
"Ang swerte ko kase ikaw ang meron ako." Sabi nya at niyakap ako at pumasok. Aww. Kami na! For real! Pero alam ko. Alam na alam ko. Mas mahal nya si Bea, hahaha. Okay lang. Basta ipaparamdam kong mahal ko sya.
.
.
.
.
.
Jho
Tama naman ginawa ko diba? Never ko naman tong pagsisisihan. Pumasok ako sa Dorm at nadatnan sila nanonood lahat. San si Bea? Baka may date. Ouch. Hala! Taken na ko. Bawal to.
"Hala! Namaligno ka ba? Bat parang lutang ka?" Tanong ni Jizelle.
"Hindi, ganyan pag inlove!" Sani naman ni Jema.
"Hahaha! So kayo na?" Tanong ni Therese. Tumango naman ako ng nakangiti bilang tugon. "Ayieeee!" Sigaw nila.
" sa wakas kayo na ni papa Ysay!" Sabi ni Maddie.
"I know magiging masaya ka!" Sabi ni Jia. Pero naputol yun ng pumasok si Bea. Naiyak.
"O-okay ka lang Bei?" Tanong ko.
"Guys. May sakit ako, pag hindi napalitan ang puso ko ngayon month, baka ikamatay ko." Sabi nya at niyakap ako.
"H-hindi maganda biro yan bei." Sabi ko
"Sana nga biro lang. Pero hindi ko kayang iwan ka." Sabi nya. Niyakap ko sya.
"Bey? Seryoso ka ba?" Tumango sya at humiwalay sa yakap.
"Masyadong mahina yung puso ko, kaya pala nahihirapan akong huminga this past few weeks. Di ko rin alam e. Nagpacheck up lang kami nila Ara kaya nakita. Masyadong mabilis yung pagkabutas ng puso ko. Siguro karma to. Hahaha. Ang dami ko kasing nasaktan." Sabi nya.
"Shh. Tama na, matagal na yun. Guys taas ko muna sya." Sabi ko at inalalayan sya. Pagkahiga nya sa kama ay niyakap nya ko.
"Wag kang malulungkot pag nawala ako ha? Mahalin mo si Ysay. Hindi ka nya sasaktan." Sabi nya.
"A-alam ba to ng pamilya mo?" Tumango naman sya.
"Naghahanap sila ng donor. May limang araw nalang ako e. Malamng di na umabot. Haha." Sabi nya.
"Wag ka ngang magsalita ng ganyan! Gagaling ka!" Sabi ko. Leche. Akala ko masaya na. Hindi, hindi ko sya kayang mawala. May bigla namangbnagtext sakin habang nakayakap sakin si Bea.
"Baby. Happy First Day! Swerte ko kase pinayagan mo akong iparamdam ang pagmamahal ko. Hindi ako magsasawa, at lahat gagawin ko. Mapasaya ka lang. I love you." Text ni Ysay.
"May poblema Ysay. May sakit si Bea, kailangan nya ako." Yun ang sinabi ko. Masyado ba akong unfair?
"Okay. Alagaan mo sya, kailangan ka nya. Ingat ka palagi ha. Remember, I love you." Sabi nya.
"Okay. Bye." Sabi ko dahil kinuha ni Bea yung Phone ko.
"Tulog na tayo." Sabi nya. At pumikit nalang ako. Hayy. Sana panaginip nalang lahat..
.
.
.
.
Ysay
I told you. Mahal nya pa. Mahal na mahal. Kaya ako, tabi muna. Kay Bea sya.
BINABASA MO ANG
Second Chance
Fanfiction"Handa ka bang magbigay ng pangalawang pagkakataon sa taong walang ginawa kundi ang saktan ka?" (JhoBea)
