Three

2.7K 81 2
                                    

6:41am.

Mabilis na lumipas ang isang linggo. Ito na ang unang araw namin ni ate Anna sa SnoozeTopia, Hainsburry University. Sa halos isang linggong lumipas. Maraming akong napansin, hindi sa lugar, kundi kay Aunt Melissa. Palagi syang umaalis. Hindi sya rito natutulog. Umaga na kung umuwi. Para syang teenager na tumatakas tuwing gabi at uuwi ng umaga.

Halos ganun ang nangyayari. Inisip ko nalang na baka pang-gabi ang pasok ni Aunt Melissa. Pero, kasambahay? Pang-gabi? Ano yun? Nakaka-pagtaka talaga sya. Hindi kami pinapalabas kung wala namang importanteng dapat igawi sa labas. Tinigil ko na rin ang pagre-research tungkol sa bayan na ito.

May mga gabi na bigla na lamang akong magigising dahil sa pakiramdam na may nakasilip sa bintana ko. Natatakot akong sumilip o tignan man kung sino yun. Kaya mas pinipili ko nalang na magtalukbong ng kumot. Madalas ay umaga na ako kung makakatulog. Hindi ko ito sinasabi kay ate. Baka nga kasi naninibago lang ako, homesick kumbaga.

Habang nag-aayos ng sarili ko, may narinig akong tunog ng sasakyan. Kilalang kilala ko na kung kanina iyan sapagkat gabi-gabi ko nalang naririnig iyan.

Kinuha ko na yung bag ko at lumabas na ng kwarto. Habang pababa ako naririnig ko na nag-uusap sila ate at Aunt Melissa. Nadatnan ko silang masayang nag-uusap.

Paano nagagawa ni ate maging komportable sa isang taong ang daming tinatago sa amin?

Lumapit ako sakanilang dalawa.

"Nandyan ka na pala." bungad sakin ni ate. Nginitian ko lang sya bilang sagot.

Tumingin ako kay Aunt Melissa at naka-ngiting nakatingin naman sya sakin. "Mauna na po kami Auntie." pagpapaalam ni ate at kinuha na yung bag nya sa sofa. Tumango lang ako bilang pagpapaalam kay Aunt Melissa.

Lumabas na kami ni ate Anna. Dumiretso ako sa gate upang buksan ito, at si ate naman ay pumasok na sa isang sasakyan na ipinahiram ni Aunt Melissa. Umandar ang sasakyan palabas sa kabuuan ng bahay. Nang isinara ko na ang gate narinig kong tinawag ako ni Aunt Melissa.

"Mary Jane," nakatayo sya sa pintuan. "Mag-iingat kayo." napahinto ako sa sinabi nya. Pinagmasdan ko lang sya sa pagpasok hanggang sa isinara nya na ang pinto.

Iba. Iba ang pagkakatono ng pagkakasabi nya. May iba. Merong iba dito.

"Hoy!" rinig kong sigaw ni ate at napalingon sakanya. Nakita kong nakalabas yung ulo nya sa bintana.

Pinagmasdan ko ang buong paligid. Halos mamangha ako sa nakita ko, ang daming mga estudyante ang naglalakad. Sa halos isang linggo kong nanirahan dito, ngayon lang ako nakakita ng iba pang taong nakatira sa Owens Hainsburry.

Naglakad na ako papunta sa sasakyan. Pagkapasok ko ay pinaandar na ito ni ate. Nakatingin lang ako sa labas.

"Excited ka?" out of the blue at halos walang emosyon kong tanong sakanya.

"Medyo. Oo. Yata. Ewan eh." natatawa nyang sagot. Dahan-dahan ko syang tinignan. Tama. Excited sya. "Ikaw ba?" tanong nya. Pinagisipan ko ang isasagot ko.

"Oo naman. Sobra." tamlay kong sagot. Ibinalik ko yung tingin sa labas. Ilang saglit pa'y nandito na kami sa school. Ang daming estudyante.

"Baba ka muna. Park ko lang 'to." rinig kong utos ni ate kaya't lumabas na ako. Umandar naman yung sasakyan papalayo.

Tumingin ako sa mga estudyanteng naglalakad. Lahat sila nakatingin sakin. Anong meron? Ngayon lang ata nakakita ng transferree. Lumingon ako at nakita ko si ate na naglalakad palapit sa akin na yamot ang mukha.

Life begins at Night (EDITING! DONT READ YET!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon