Thirty-five

1.3K 48 0
                                    

A/N: Play the song in the media with you reach the Party Night scene.

Choose the song: ReinaMaeAbad

Dedicated to: ReinaMaeAbad

--------------

Mabilis na lumipas ang limang araw. At gaya ng sinabi ng weather reporter, hanggang miyerkules ng hapon ang pag-ulan. Simula lunes hanggang miyerkules ay wala kaming pasok. Wala kasing tigil ang ulan sa loob ng tatlong araw.

Hanggang ngayon rin ay wala pa si Aunt Melissa sa bahay. Hindi rin namin sya ma-contact. Ngunit, sabi ni Alice sa amin ay ilang araw na kasing may mga mahahalagang bisita sa mansion, kaya nama'y busy ang lahat roon.

Ngayon ay araw ng sabado, sa nakalipas na dalawang araw. Wala kaming ibang ginawa sa school kundi mag-ayos ng gymnasium para sa Party Night na mamayang gabi na magaganap.

"Luke! Ano ba yan? Party Night ang magaganap mamaya, hindi Christmas Party! Bakit snowman yang ginagawa mo styrofoam!" rinig kong singhal ni Patti. Nilingon ko sila saglit.

"Patti, ano bang pake mo? Shut up." kalmadong tugon ni Luke. Napapailing nalang talaga ako sa abnormalan ng dalawa na 'to.

"Guys, tumahimik naman kayo, mamaya nyan mapagalitan tayo." untag ko sakanilang dalawa. Lumingon naman ang mga ito sa akin.

"Si Patti kasi masyado akong pinapakialaman." giit ni Luke. "Crush ata ako nito! Crush mo ako, Patti? Tsk, tsk." dagdag pa nito at umiling. Inirapan sya ni Patti at iniwan kami.

"Ang taba ng utak mo." singhal ko kay Luke. Lumapit ako rito at kinuha yung ginagawa nyang snowman. "Para saan ba ito?" tanong ko. "In fairness, ang ganda nya."

"Hah! Oo naman! Ako ang gumawa nyan, eh!" proud na sambit nito at napahawak pa sa baba nya. Napabuntong hininga nalang ako.

"Okay, hello guys? Can I have your attention please?"

Napalingon naman kami ni Luke sa nagsalita. Kung hindi ako nagkakamali sya ang coordinator ng Foundation Day ng school. Nakatayo ito sa stage at may hawak na mic.

"I know all of you is really excited for this coming Party Night. Which is, magaganap na mamaya!" masiglang saad nito. Naghiyawan naman ang iba. "So, I hope that, that night will be successful! Wear whatever you want, but—yung karespeto-respeto naman. Is it clear? Especially sa mga babae dyan." bahagya akong natawa. "Well, bilisan na natin ang pagde-decorate!"

Nagsibalikan na nga ang lahat ng seniors sa pag-aayos. Good thing? Lahat ng senior kasama, dahil wala namang bumagsak. Nakakatuwa dahil mas masaya kapag mas marami.

Hindi ko napapansing mag-a-anim na buwan na rin pala akong naninirahan sa Owens Hainsburry. Ang bilis ng panahon. Ilang linggo, araw nalang, dito ako magpapasko. Sana naman ay mawala na ang bagyo.

Itinuon ko na lamang ang atensyon sa pag-gugupit ng mga lettering. Napansin kong hindi pa bumabalik si Patti. Napadako naman ang tingin ko sa lalaking nakadukmo ang mukha sa upuan. Nakaupo ito sa sahig at may hawak na banner. Napailing na lamang ako.

"Tulog nanaman si Pastor natin." bahagya akong natawa sa sinabi ni Luke. "Lagi siguro yang uma-attend ng mga prayer meeting, ano?" dagdag pa nito. Hinampas ko naman sakanya yung hawak kong gunting.

Life begins at Night (EDITING! DONT READ YET!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon