Twenty-five

1.4K 45 0
                                    

7:25am.

"Oh? Ang aga mo namang nagising." rinig kong sambit ni ate pagkalabas nya ng kwarto.

Tulala. Lutang. Wala sa sarili. Hindi nakatulog. Hindi ko alam kung paano magiging normal matapos mabasa ang mga katotohanan na yun. Mga katotohanan na hindi ko katanggap-tanggap.

Galit. Galit ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong magwala. Gusto kong sumigaw. Pero nanghihina ang buong katawan at sistema ko dahil sa nalaman kagabi. Para bang ayoko ng bumalik sa Owens Hainsburry. Ayoko na. Kahit kailan.

"Bumili ka ng tinapay kila Popsie." rinig kong utos ni ate Anna pero nanatili akong nakaupo sa sofa. "Hoy!" singhal nya pa.

"Ikaw na." walang emosyon kong sambit. Narinig kong napahinto sya sa ginagawa nya.

"Okay ka lang?" bumaba ang tingin ko dahil sa tanong na yan. Okay? Bahagya akong napangisi. Tumayo ako at kinuha yung coat na nakasabit sa likod ng pinto.

"Ako na bibili." sambit ko at binuksan yung pinto. Bago lumabas lumingon muna ako sakanya. "Minsan okay lang naman maging hindi okay." isinara ko na rin ang pinto.

Tahimik na hallway ang nadadaanan ko ngayon. Walang katao-tao. Wala. Naramdaman nyo na ba yung feeling na gusto mong sumabog pero hindi mo magawa. Na tanging katahimikan lang ang kaya mong gawin.

Napagawi ang tingin ko sa lalaking lumabas ng isang kwarto. Sya yung lalaking inaantay nung batang babae kagabi. Sabay kaming pumasok sa elevator pababa. I took a glance at him.

Masaya. Nakangiti. Parang walang problema. Paano ba ako magiging ganyan ulit? Matapos ng malaman ko ang lahat, ewan ko lang kung magiging ganyan pa ako.

Nauna syang lumabas ng elevator. Dahan dahan naman akong humakbang palabas roon. Pinagmasdan ko ang paligid. Maaliwalas na atmosphere. Sana naman ay hawaan nila ng maaliwalas na yan.

"Good morning, ma'am Mary Jane." bungad sa akin nung guard ng building. Tinanguan ko lang sya at dire-diretsong lumabas.

Masasabi kong para akong libro ngayon. Isang buhay pero ang totoo patay. Hindi ko alam kung handa ko pa bang harapin ang mamaya, ang bukas, ang susunod na araw ng normal. May isang bagay lang akong sigurado at malinaw sa akin, kinasusuklaman ko ang Owens Hainsburry.

"Magandang umaga, Mary Jane!" bungad sa akin ni Wendy pagkapasok sa shop nya. Ngumiti lang ako ng mapait. Ayoko ng may kausap ngayon. Dumiretso ako sa isang stand na punong-puno ng tinapay, cookies at waffles.

"Ano ang atin, iha?" tanong ni Popsie Nards. Isang segundo ko lang syang tinignan at tinuro yung isang mahabang tinapay at yung waffles. Agad nya namang ibinalot.

"Okay ka lang?" tanong ni Wendy bago ako lumabas. Napatulala ako habang naglalakad palapit sa pinto. Sinulyapan ko sya tinignan lang ng malalim at lumabas.

Paano ka magiging okay kung ang pinagmamalaki mong sinilangang bayan, ay pawang kasinungalingan lang.

Owens Hainsburry. Isang downtown na lalong gumulo sa buhay ko. Isang downtown kung saan hindi naging normal ang takbo ng araw at buhay ko. Isang downtown na sumira sa pamilya namin.

Life begins at Night (EDITING! DONT READ YET!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon