Twelve

1.9K 70 1
                                    

6:35am.

Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Idinilat ko kaagad ang mga mata ko. Ang liwanag naman. Tumingin ako sa orasan ko at laking gulat ng makita kung anong oras na. Lunes ngayon, baka malate ako sa biyahe. Agad akong tumayo at inayos ang kama ko. Dumiretso ako sa banyo at naligo na. Pagkatapos ay nagbihis na ako at nag-ayos.

Dali-dali akong bumaba sa ibaba. Naabutan ko na nagaayos ng gamit nya si ate. Nakaramdam ako ng inis dahil hindi nya man lang ako ginising. Tinitigan ko lang sya. Lumabas na sya ng bahay. Kung hindi pa ako nagising, panigurado hindi ako makakapasok ngayon. Lumabas narin ako kahit na gutom na gutom na ako. Mamaya nalang ako kakain sa cafeteria.

Habang bumabiyahe tahimik lang kami. Ayoko syang kausapin. Naiinis talaga ako. Sumandal ako sa upuan at tumingin nalang sa labas ng bintana. Gusto ko na agad makaalis sa sasakyang 'to. Hindi na ako natutuwang kasama sya. Para bang anytime gusto kong sumabong. Napapikit nalang ako. Control. Napahinto naman ako ng marinig ang boses.

"Bakit hindi ka kumain?" tanong nya. Hindi ko sinagot. Bigla akong nawalan ng gana. Kung papasok pa ako sa mga subjects ko, baka halos lahat ng teacher ko, mabastos ko lang.

Nang makarating kami ng parking lot, kahit na hindi pa tumitigil ang sasakyan ay agad na akong bumaba. Naglakad na ako at hindi man lang lumingon. Habang naglalakad sa malawak na field. Iniisip ko kung papasok ba ako o hindi? Napabuntong hininga nalang ako.

"Hey," napahinto ako sa paglalakad dahil sa nagsalita galing sa likod ko. Lumingon ako sakanya at laking gulat ko ng makita ang lalaking kaaway kahapon ni Kash.

Sya ay ang wala kong kwentang nakakatandang kapatid.

Muli kong naalala yung pinag-usapan naman kahapon. Inilahad nya ang kanyang mga kamay. Sapalagay ko ay, nakikipag-kilala sya.

"Don't you dare to touch her." pamilyar ang boses na yun. Hindi pa ako nakakalingon upang makita kung sino iyun, agad na ako nitong hinila papalayo. Sabi ko na nga ba eh. Sya nga. Sumunod nalang ako sakanya. Nakita kong papunta na kami ng building namin. Napahinto ako at inialis ang kamay ko na hawak nya.

"Sandali," wika ko. Napahinto naman aya at lumingon sa akin. Laking gulat ko na bakas sa kanyang mukha ang galit. "Hindi ako papasok, Luke." ani ko. Napakunot noo naman sya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nya. Nilihis ko naman ang aking tingin. "Wag kang lalapit sa lalaking yun." napatingin ako sakanya ng marinig iyun.

"Kuya sya ni Kash." ani ko. Hindi ko alam kung bakit ko iyun nasabi. Kusa nalang iyung lumabas sa aking bibig.

"Alam ko," sagot nya. "Sya si Reggo, pinuno ng Gamma." dagdag nya pa. Reggo? Nice name. Parehas kaming natahimik. Ilang sandali pa'y tumalikod na ako at nagsimula maglakad. Narinig ko naman ng kanyang mga yapak. Huminto ako.

"Wag mo akong sundan." ani ko at naglakad na muli. Hindi ko na sya nilingon. Dumiretso ako sa library. Dito ko nalang uubusin oras ko.

Habang nakaupo sa reading area. Pinagmamasdan ko ang mga sophomore students na nagbabasa at nagte-take down notes. I used to be like that, kung hindi lang ako napunta sa bayan na 'to. Kung hindi lang iba sa pangkaraniwan ang bayan na ito. Pero kahit na ganun, bakit nakakaya parin nilang umasta ng normal. Yung para bang, wala lang sakanila.

Life begins at Night (EDITING! DONT READ YET!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon