Seven

2.2K 81 4
                                    

7:48am.

Nagising ako sa sikat ng araw. Agad akong tumayo at dumiretso sa banyo para magsipilyo at maghilamos. Nang napatingin ako sa salamin, naalala ko yung panaginip ko. Sumakit ulo ko. Gusto ko nang mainit na kape. Lumabas na ako ng banyo at bumaba na. Naabutan kong mag-isang kumakain si ate. Nilibot ko ng tingin ang buong bahay.

"Si Aunt Melissa?" tanong ko kay ate at lumakad palapit sakanya.

"May pasok sya." napataas ang mga kilay ko sagot ni ate. May pasok?

"May pasok? Linggo ngayon, may pasok? Ibang klase." ani ko at umupo kaharap si ate.

"Oo nga. Do you want coffee?" tanong nya at tumayo.

"Yes, please." sagot ko. Pinagmasdan ko lang sya habang nagtitimpla ng kape. Bakit ba hindi ko namana sayo yung kabaitan mo? Napangiti ako sa naisip ko kay ate.

"Oh." iniabot nya sa akin yung kape. Kinuha ko naman ito.

"Salamat." nginitian nya lang ako. Muli kong naalala yung babae kagabi. "Nga pala, ano nang nangyari dun sa babae kagabi?" tanong ko at humigop sa kape.

"Ayun, kinuha na sya nung ambulance kagabi pagkapasok mo. Kanina nga bumalik yung mga pulis kasi nag-iimbestiga sila. Tapos," napahinto sya. Napatingin naman ako. "Nandoon ulit si Kash." hindi ko pinahalatang nabigla ako. "Tapos," tinaasan ko sya ng dalawang kilay.

"Tapos?" tanong ko at hihigop muli sa kape.

"Tapos si Kash hinahanap ka." halos madura ko naman yung kape iinom ko.

"Aray. Tangina, napaso ako." daing ko at pinapakiramdaman yung dila ko. Ang hapdi kainis.

"Okay ka lang?" tanong ni ate at tumayo sabay kumuha ng tubig. "Inom ka." abot nya sakin.

Tumango naman ako bilang pasasalamat. Uminom ako at pinapakalma yung sarili. Anong kailangan nya? Napatingin naman ako kay ate. Lalo lang akong na-tense dahil sa itsura ng mukha nya. Parang naghihintay ng sagot kung bakit ako hinahanap nung Kash. Inubos ko nalang yung tubig.

"Ba-kit d-daw?" utal kong tanong habang ibinababa ng dahan dahan yung baso. Nagkibit-balikat lang sya. Dahan ko namang hinihipan yung mainit na kami. Pansin ko kay ate na may gusto syang itanong.

"Mary J—" putol ko sakanya.

"Bakit?" agad kong tanong. Napakunot noo naman sya. Pilit ngiti akong humarap sakanya.

"Ahm, close ba kayo ni Kash?" tanong nya. Close ba kami? Sasabihin ko ba kay ate yung nangyari sa banyo ng girls nung first day of school? Bigla akong kinabahan. Shit.

"Huh? Yun? Hindi ah. College yun dba?" sagot ko at pinilit na tumawa. Bwisit. Mahahalata ako nito ni ate eh. Humigop muli ako sa kape.

"Eh bakit ka nya hinahanap?" tanong nya. Sasagot na sana ako kaya lang nagsalita ulit sya. "Tapos, yung naabutan ko kayong magkausap sa tapat ng building ng Head Quartes." napalunok naman ako. Wala na akong kawala.

"Ganto yan, hindi ko alam kung bakit nya ako hinahanap okay? Yung sa tapat ng Head Quarters," napahinto ako sandali at umisip ng palusot. "Yung bag nya kasi nasa waiting shed, akala ko kung kanino. Tapos ayun, bigla nyang kinuha." pagpapatuloy ko. Tumango-tango naman sya. Inilihis ko ang tingin sakanya at itinuon nalang ang sarili sa kape.

Life begins at Night (EDITING! DONT READ YET!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon