Forty-two

1.1K 35 0
                                    

3:12am.

Nagising nalang ako ng maramdamang biglang lumamig. Alam ko namang nakabukas ang aircon pero, ramdam kong dumomble ang lamig. Dahan dahan kong inimulat ang mga mata ko. May naaanigan akong gumagalaw sa bandang gilid ko.

Pabigla akong napabangon ng makitang bukas ang bintana ng kwarto ko at sumasayaw ang mga kurtina dahil sa hangin. Napaawang ang mga labi ko dahil dito. Nagsimula na akong kabahan.

Dahan dahan kong inialis ang kumot sa hita ko at dahan dahan ring tumapak sa sahig. Ramdam ko ang pangangatog ng mga tuhod ko. Napapalunok at napapabuga ako ng hangin habang humahakbang palapit sa bintana.

Bahagya kong hinawakan ang gilid ng bintana at sumilip sa labas. Madilim at tahimik na labas ang nasisilayan ko ngayon. May makakapal pa rin na niyebe ang bumabalot sa buong lugar. Napadako ang tingin ko sa langit na may kaunting liwanag na sumisilip.

"Ano 'to?" sambit ko ng may makitang naka-ipit na papel sa bintana. Kinuha ko ito at binasa,

Be careful what you wish for.
'Cause the things you hope for the most, are things that destroy you in the end.

Sorceress.


Napakurap ako ng ilang beses. Ano 'to? Kanino galing ito? Pabalikwas akong tumingin muli sa labas. Muli kong tinignan ang papel. Hindi ko alam kung kanino ba ito galing. Napagawi ang tingin ko sa ibabang parte ng papel. Sorceress.

Kung hindi ako nagkakamali ang Sorceress ay isang babaeng mangkukulam or manghuhula. Ang iba naman sinasabing kaya raw nilang makita ang hinaharap. Hindi ako sigurado kong biro lang ba itong sulat na 'to. Pero para sa bayan tulad ng Owens Hainsburry, walang imposible at walang biro.

Isinara ko na ang bintana. Tumalikod na ako ngunit nanatili ako sa kinatatayuan ko. Tinignan kong muli yung papel. Kung pagmamasdang maigi yung sulat, halatang bago lang ito. At parang kakasulat lang. Medyo dikit-dikit rin at manipis. Inilapag ko sa laptop table ko ang papel at bumalik na sa kama.

Pinilit kong matulog muli ngunit hindi ko na magawa. Hindi pa rin maialis sa akin ang kaba at pagtataka. Parang ayoko ng pumikit at matulog muli. Nag-uumpisa nanaman ang mga kakaibang bagay na nangyayari sa akin ngayon.

Tumayo na lamang muli ako at dumiretso sa banyo. Nag-half bath ako kahit na ang lamig ng tubig. Hindi ko mawari kung bakit may snow pa rin. Magba-bagong taon na ngunit tila hindi pa rin natatapos ang pagbagsak ng niyebe sa kalangitan. Minsan talaga nakakapagtaka na rin ang klima dito sa downtown na ito.

Pagkabihis ay kinuha ko yung coat ko at lumabas ng kwarto. Tahimik ang bahay namin. Mukhang tulog pa sila ate Anna at Aunt Melissa. Napagod siguro sila kahapon sa pagpunta at pagbili sa market.

Dahan dahan akong humakbang pababa ng hagdan. Iniiwasan ko talaga na makagawa ng kahit anong ingay. Nang makababa ako ay isinuot ko ang coat. Dumiretso ako sa pintuan at tuluyan na ngang lumabas. Maglalakad-lakad muna ako.


Habang naglalakad sa kalsadang puno pa rin ng niyebe. Pinagmamasdan ko lang mga bahay na nadadaanan ko. Ngayon lang ako nakarating dito sa unahan ng Humans. Kadalasan kasi sa dulo ako nagtutungo.

Iniangat ko ang tingin sa langit. Medyo may liwanag na ngunit natatakpan pa rin ng makapal na ulap. Napadako naman ang tingin ko sa isang kakahuyan. Dumiretso ako roon at mas malamig ang lugar na ito. Natatakpan rin ng makapal na hamog.

Life begins at Night (EDITING! DONT READ YET!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon