Thirty-six

1.1K 47 0
                                    

7:12am.

"Seryoso ako! Nakita ko talaga sya dito!" untag ko kay ate Anna. Kagigising ko lang ng maalala kong nakita ko si Jaeson dito sa Owens Hainsburry. Kaya nama'y heto ako at sinasabi kay ate na nakita ko nga sya sa school namin kagabi.

"God, Mary Jane." sambit nito at napasapo sa noo nya. "Imposibleng pupunta dito sa Owens Hainsburry yung tubero ng apartment natin! Lasing ka lang talaga nun! Baka akala mo si kuyang tubero yun pero ang totoo si Luke talaga!" singhal nya at uminom ng kape. Napakunot noo naman ako. Umiling ako ng ilang beses.

"Hindi! Naaalala ko pa nga rin yung mga sinabi nya sa akin!" giit ko. "Hindi ko akalaing sa pangalawang pagkakataon na makikita kita, lasing ka ulit." sambit ko at ginaya pa ang pagkakatono ng sinabi nya.

"Lasing ka na nga talaga nung mga oras na yun!" singhal nya sa akin. Napa-huh face na talaga ako. Hindi ako lasing!

"Ewan ko sayo! Bahala ka dyan! Basta, alam ko, si tubero guy yun!" untag kong muli. Tumayo na ako at inilagay sa lababo yung napagkainan.

"Okay," sambit nito dahilan para mapalingon ako. "Sigurado ka ba talagang si kuyang tubero yung nakita mo kagabi?" pang-ilang taon nya na ba yan? Paulit-ulit nalang tayo.

"Makulit lang? Kanina ko pa nga pino-point out diba? Ano? Ngayon lang na-process sa utak mo?" bulyaw ko rito. Napabuntong hininga naman sya.

"You know, napaka-imposible kasi na sa isang tulad nyang simpleng tubero guy alam ang Owens Hainsburry? Take note, Owens Hainsburry! Paano nya naman nalaman 'tong lugar?" saad nito. Bahagya akong napaisip at natahimik. "Sige, sabihin na nga nating, posible yun. Pero, ano namang gagawin nya dito?" dagdag nito.

"Ewan ko. Yan din yung nasa isip ko. Anong gagawin nya dito? Anong ginagawa nya dito." tahimik kong tugon sakanya. Napabuntong hininga nalang ako. "Sigurado ako, hindi ako lasing." giit ko. "Boses palang nya pamilyar na. Tapos lumapit pa sya sa akin. Alam ko, sya talaga yun."

"Hold up! Wait. Okay." sambit ni ate Anna. Lumapit ako sakanya at umupo sa tabi nya. "May mga records ba dito sa Owens Hainsburry para sa mga dumadating?" tanong nya.

"Wala? Ewan. Hindi naman tayo kinuhaan ng record. I mean, sinundo tayo ni Aunt Melissa, diba? Diretso bahay naman. Hindi naman tayo pumunta sa barangay, munisipyo, or whatsoever para makapag-book-in dito sa Owens Hainsburry." paliwanag ko. Tumango-tango naman ito biglang tugon.

"Alam mo, wag ka na lang mag-isip tungkol kay kuyang tubero." napatingin naman ako sakanya ng sabihin iyun.

Hindi ako tumugon o nagsalita pang muli. Tumahimik nalang ako. Bakit pakiramdam ko konektado yung pagdating nya sa nakita kong red wolf dito? I frown to myself. I couldn't imagine why he's here. If it's just a coincidence that he was here and I saw a red wolf. I closed my eyes and sigh. Ayokong isipin na konektado ang dalawang pangyayari at bagay na iyun. Napaka-imposbile, at paano namang magiging konektado yun?

Tumayo na akong muli at umakyat nalang. Pagkapasok sa loob ng kwarto ko, dumiretso ako sa tapat ng laptop ko. Binuksan ko ito pati na rin ang connection. Alam kong mukhang tanga ang pag-research sa isang tao, ngunit kailangan kong makilala ng mabuti si Jaeson Smethells. Pinindot ko yung google at nag-type ng pangalan nya.


Jaeson Tharr Smethells, 22 of age, from Hillwood, Maybay. Plumber for about 3 years, until now. From a family that owns a large vineyard, and owns a famous winery on Hillwood, Maybay. Many wonder why he had not followed his brothers who lead their moderate investments now. Many people keep asking him, why he did not return to their home country.

Life begins at Night (EDITING! DONT READ YET!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon