Fifteen

1.8K 64 0
                                    

6:01am.

"Aray." daing ko habang sinusubukang tumayo. Bakit parang ang tigas ng hinihigaan ko? Dahan dahan kong inidilat ang mga mata ko. Halos pabalikwas akong tumayo. Inilibot ko ang tingin sa paligid.

"Bakit ako nasa gubat?!" sigaw ko habang napasapo nalang sa ulo. Gulong-gulo ako sa nangyayari. Paano ako nakapunta rito?

Tinignan ko ang buong katawan ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang paa ko. Ang daming putik. Ano ba talaga ang nangyari? Napatakbo nalang ako dahil sa takot at kaba. Napapaiyak na ako. Napahinto ako saglit ng masinagan ang kalsada. Kahit papano'y, gumaan ang loob ko. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kalsada. Napalingon nalang ako ng may marinig na sasakyan.

"Aahhh!" sigaw ko at pumikit na nakaharang ang mga braso sa mukha.

Ilang saglit pa akong hindi gumalaw. Pinapakiramdaman ang sasakyang babangga sa akin. Kunti pa. Kunti nalang. Teka, bakit ang tagal? Dahan dahan kong kinapa ang buong katawan ko mula ulo hanggang tuhod habang nakapikit. Okay ako. Nakahinga ako ng maluwag.

"What the hell!" napadilat naman ako ng may narinig na sumigaw. Halos mapaatras ako ng makita kung sino ang bumaba sa kotse.

"R-reggo?" nauutal kong tanong.

"Magpapakamatay ka ba? Kung oo, wag mo akong idamay!" sigaw nito sa akin. Napakagat labi naman ako.

"Sorry." paumanhin ko. Bahagyang bumaba ang tingin nya sa aking mga paa. Nakaramdam nalang ako ng hiya sa mga oras na iyun.

"What are you doing here? Bakit ganyan ang mga paa mo?" tanong nya na punong puno ng pagtataka. Napaawang naman ang mga labi ko saglit.

"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong, hindi ko alam?" sambit ko. Napakunot noo naman sya. Napayuko nalang ako.

"Come. Ihahatid na kita sainyo." cold nyang wika. Marahan naman akong napatingin sakanya. Lumakad ito papunta sa likod ng kotse nya at may kinuha roon.

"Here." aniya habang inaabot ang isang boteng tubig sa akin. Napakunot noo naman ako. "Tipirin mo. Ipanglinis mo dyan sa paa mo. Ayokong madumihan kotse ko." napalihis ako ng tingin pagkatapos nyang sabihin iyun. Kinuha ko naman ang tubig at sinimulang linisin ang mga paa ko. Nang ako'y natapos na, sinabi nyang itapon ko nalang raw yung bote.

Habang bumabiyahe papuntang bahay. Hindi ko maiwasang hindi matakot at kabahan. Paano ko maipapaliwanag kila Aunt Melissa at ate Anna ang nangyari sa akin. Gayunman, hindi ko rin alam. Madiin akong pumikit at sumandal sa upuan.

Inidilat ko ang mga mata ko at pasulyap na tumingin sa driver seat. Hindi kasi ako umupo sa passenger seat. Napabuntong hininga nalang ako at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Napatulala nalang ako ng mapagtantong, hindi lang pala ordinaryong tao— werewolf ang kasama ko ngayon. Sya si Reggo. Kasalukuyang namumuno sa mga Gamma. Hindi maalis sa aking isip na nakakatandang kapatid ito ni Kash. Naalala ko rin ang mga salitang binitawan ni Luke nung araw na nakita nya akong kausap si Reggo.

Maiisip kong, isa syang panganib ngunit noon iyun. Sa mga oras na ito, buong puso akong nagpapasalamat sakanya. Sapagkat tinulungan nya ako. Inaasahan ko pa naman na iiwan nya ako roon, ngunit hindi. Bahagya akong napangiti. Mabilis naman akong nalingon sakanya ng may naalala.

"Ahm, alam mo kung saan ang bahay ko?" mahinahon kong tanong. Tinignan nya naman ako doon sa salamin.

"Believe me, kahit hindi ka pa nakatira rito sa Owens Hainsburry lagi na akong pumupunta sa sinasabi mong, bahay mo." nagtaka man pero nakuha ko kaagad ang pinupunto nya. Hindi nalang ako nagsalita muli.

Life begins at Night (EDITING! DONT READ YET!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon