Eight

1.9K 74 2
                                    

6:04am.

Nagising ako sa dahil sa ingay sa ibaba. Kung hindi ako nagkakamali, sirena ng pulis yun. Tumayo na ako at inayos ang kama. Pumasok na ako sa banyo para magsipilyo at magsilamos. Bago ako lumabas ng kwarto, tumingin muna ako sa bintana.

"Hanggang ngayon pala nag-iimbestiga sila." sambit ko at tumalikod na. Lumabas na ako sa kwarto ko at naabutan sila ate at Aunt Melissa na nag-aagahan. Lumapit ako sakanila at umupo narin.

"Magandang umaga, iha." bati ni Aunt Melissa. Tumango lang ako at ngumiti bilang sagot.

"Pangalawang araw na 'to sa pag-iimbestiga nila ah." ani ko habang nagpapalaman ng tinapay.

"Oo nga eh. Ewan ko ba. Parang napaka-imposible naman na makakuha sila ng impormasyon." wika ni ate. Kumagat ako sa tinapay at tumingin sakanya.

"Tama. Halata namang hindi talaga sya namatay dyan mismo." wika ko habang may laman ang bibig.

Napansin kong napakunot noo naman si ate Anna at napatingin sakin si Aunt Melissa. Simula nang may nalaman ako sakanya, naging komportable na ako kapag nanjan sya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni ate.

Napahinto naman ako saglit. Hindi ba talaga nila napansin? My god. Hindi sila pwede maging pulis. Nginuya kong mabuti ang tinapay at nilunok.

"Ganito kasi yun, hindi mo ba napansin na parang nilagay lang dun yung bangkay nya. Obvious na obvious kaya. Yung pagkakahiga nya, kung talagang dun sya bumagsak edi sana hindi naka-straight body. Eh kitang kita na parang binitbit yung babae na like a lover's carry at inihiga nalang basta sa kalsada." paliwanag ko.

Nagkatinginan naman silang pareho ni Aunt Melissa. Humigop ako saglit sa kape at nagsalita muli.

"At, isa pa, wala tayong narinig na sigaw. Imposible rin naman na nasagasaan yun, wala naman tayong narinig na bundol. At higit sa lahat, nasagasaan may kalmot sa tyan? Ano yun may kuko sa harap yung sasakyan?" ani ko. 

Napansin ko naman na napatulala lang si ate. Tumingin naman ako kay Aunt Melissa, pansin sakanya ang pagkabigla. Well, may alam na po ako. Napatingin naman ako kay ate, napakunot noo ako dahil sa puma-palakpak sya.

"Ang galing. Mahusay. Ang dami mo palang pinaglalaban, Mary Jane." wika ni ate habang tumatawa. Inirapan ko naman sya.

"Tama sya." napahinto naman ako sa nagsalita. Tumigil na rin sa kakatawa si ate Anna. Sabay kaming napatingin kay Aunt Melissa. "Sakto lahat ng sinabi nya." kalmadong sambit nya pa. Biglang tumahimik. Ang awkward.

"Isa nalang ang magulo." wika ni ate. Inantay ko kung ano ang nais nyang sabihin. Napatingin naman ako kay Aunt Melissa, nakatingin rin sya sa akin. "Sino yung pumatay?"

10:12am.

Nandito ako ngayon sa S.H.U. Swimming Operations, kasama ang mga babae kong classmate. Yung mga lalaki kasi nasa soccer field. Yung nangyari kanina nung nag-aagahan kami. Pansin ko na alam ni Aunt Melissa kung sino ang pumatay dun sa babae. Ramdam kong may alam sya.

Kanina nung papasok kami, hindi na ako nag-aalangan sa mga nakapaligid sa akin. Alam ko na kung ano talaga ang iba. Mas marami nga lang talaga ang mga katulad ng Owens family kaysa sa mga katulad kong tao. Napabalik ako sa ulirat nang tawagin ako ng teacher namin sa swimming class.

"Miss Bowditch, bakit hindi ka pa naka- suot ng school swimsuit mo?" tanong nya sakin.

"Ahm, sir, wala po akong school swimsuit." sagot ko. Wala naman kasing sinabi si Aunt Melissa tungkol roon.

Life begins at Night (EDITING! DONT READ YET!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon