Forty-three

1.3K 41 0
                                    

9:18am.

"Ito! Paki-lagay naman sa lamesa." utos ng magaling kong kapatid. Tinignan ko muna sya bago kunin yung pakwan na inaabot nya. "Ano na? Nangangawit na ako!" singhal nito.

"Ito na po." sambit ko at kinuha ang pakwan.

Ilang araw rin ang lumipas pagkatapos ng araw na iyun. May mga nagbago lalo na sa amin ni Sebastian. Araw araw nya akong binalak na kausapin pero hindi ako pumapayag. Hindi ako galit sakanya. Sadyang may kakaiba lang ako nararamdaman.

May pumapasok sa utak ko na mali ang kung anong meron sa amin ni Sebastian. Na para bang may bawal kaming nilalabag. Hindi ko mawari kung bakit ko ito nararamdaman. Hindi ko talaga alam. May mga kusang pumapasok sa utak ko at bumubulong na itigil na ito, na wakasan na.

Tama na.

Pilit ko itong nililimot ngunit araw araw ako nitong ginugulo. Pinilit ko ang sarili ko na wag maramdaman ang mga ito ngunit kusang bumabalik.

"Mary Jaaaaane!" napabalik ako sa realidad. "Ang sa-bi ko, pa-a-bot ng gun-ting! Bingi ka ba?" untag nito sa akin. Lumingon ako sakanya na nakasalubong ang mga kilay. "Hoy!"

"Ayan oh! Lamun-lamunin mo!" wika ko at ibinato sakanya yung gunting. Kanina pa ako ginagawang alipin ng babaeng 'to.

"Abnormal ka! Pag muntik lang ako masugatan, lalaslasin ko leeg mo!" bulyaw nito sa akin. Inikutan ko lang sya ng mata. "Mag-saing ka na nga! Marami pa tayong lulutuin!" utos nanaman nya.

"Bakit hindi ka kaya ang gumawa?" bulong ko at tumalikod na. Kinuha ko yung kaldero at nilagyan ng bigas.

"May sinasabi ka?" tanong nito. Muli akong umirap kahit na hindi nya nakikita. Hindi ako tumugon dito at nagsaing nalang gaya ng utos nya.

Ito na ata ang pinakaayaw kong Bagong Taon sa lahat. Simula pag-gising ko, puro utos nalang ang naririnig ko. Ang aga aga pa para maghanda. Ang haba ng oras para salabungin ang Bagong Taon, pero kung mag-panic 'tong kapatid ko 30 minutes nalang ang natitira.

"Asan na ba si Auntie? Ang tagal naman nya." rinig kong sambit ni ate Anna habang inaayos ang mga palamuti sa bintana. "Ang tagal naman ng sandali nya." dagdag pa nito.

"Parang hindi ka na nasanay." mungkahe ko naman habang binubuksan ang kalan. "Yung sandali nya mahigit isang oras." sambit ko pa at tumingin sakanya. Napansin ko namang napangiti ito.

"Oo nga eh. Akala mo teen-ager si Auntie." natatawang tugon nito sa akin. Tahimik akong napangisi. "Ilang buwan nalang mag-i-iisang taon na tayo dito sa Owens Hainsburry."

Bahagya akong natigilan sa paghinga ng marinig ang mga katagang iyun. Tila ba parang hindi nagustuhan ng tenga at sistema ko. Naririnig ko ang mga bungisngis nya na nagpapakita ng kasiyahan.

Tama. Ilang buwan nalang at mag-iisang taon na kaming naninirahan sa bayan ng Owens Hainsburry. Habang tumatagal bumibigat ang pakiramdam ko sa bayan na ito. Laging may pumapasok sa utak ko na nagsasabing, hindi ako nararapat sa bayan na 'to.

"Hala! Birthday pala ni Wendy ngayon."

Napapitlag ako ng marinig ang pangalan ni Wendy. Tumingin ako kay ate Anna. Lumakad ito at kinuha ang cellphone sa sofa. Ilang segundo pa ang nakalipas, pinuwesto nya ang cellphone sa tenga.

"Hi Pops. Si Wendy po?" sambit nito.

Hindi ako makagalaw at pagtitig lang sakanya ang bukod tanging kaya kong gawin. Para bang pinako yung mga paa ko sa kinatatayuan ko ngayon.

Life begins at Night (EDITING! DONT READ YET!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon