Twenty

1.8K 54 0
                                    

A/N:
Kindly play the media when you reach the presentation of the two students. :)

                                      -------

7:23am.

Mabilis na lumipas ang biyernes at ang weekends. Kaya naman, heto na nga't Monday na. Araw ng presentation sa History. Hindi ko alam kung ano bang connect ng presentation na ito sa subject na yun. Parang wala naman. Kasalukuyan akong naka-upo sa desk ko at nakikinig sa presentation nila Luke at Patti. Halos katatapos nga lang namin ni Gale mag-present. Pero hindi pa kami nakakakanta. Mamaya na raw pagkatapos ng presentation ng lahat.

Napasulyap naman ako sa lalaking makaka-duet ko mamaya. Naningkit ang mga mata ko ng makitang natutulog nanaman. Hindi ko alam kung makakanta ba namin ng maayos yung putang When you believe na yan. Yung huling practice namin nung Friday, napaka-walang kwenta. Ngayon ko lang napagtanto na ang kanta pala pwedeng i-tula. At, bukod tanging si Gale lang ang makakagawa nyan.

"Sana naman nag-practice sya nung weekends." bulong ko.

"And, that's all. Thank you." rinig kong wika ni Patti. Ibinalik ko sakanila ang tingin. Papunta na sila sa upuan nila. Nginitian ko sila.

"Anong ginawa mo, Luke?" bungad ko kay Luke na natatawa pa.

"Ayun, taga-hawak ng manila paper." sagot ni Patti.

"Nagsalita rin ako!" depensa ni Luke. Napakunot noo ako pero nakangiti.

"Oo, nagsalita ka." Patti says. "Good morning lang naman." dagdag nya pa.

"Nakakapagod din maghawak ng visual, Patti." reklamo ni Luke. Napailing nalang ako. Mabuti naman at bati na sila.

"Kayong dalawa," paninimula ko. "hindi ba kayo napapagod magbangayan?" tanong ko. Napasulyap naman ako dun sa susunod na mag-pe-present at ibinalik ulit ang atensyon sa dalawa.

"Tanungin mo yang babaeng yan. Ang init lagi ng ulo sa akin." iritableng sagot ni Luke. Napanganga naman si Patti.

"Wow, just wow. Ako pa?" hindi makapaniwalang saad naman nito.

"Tama na." bulyaw ko sakanila. Humurap nalang si Patti sa harap at nakinig sa nagpe-present ngayon.

"For our understanding to this song, it is for the two person has a same feelings but they can't show it."

Nakatulala lang ako sa lalaking nagsasalita. Kita sakanya ang mala-emotional na mga mata. Senrididad din ang pagkakatono ng pagkakasalita nya.

"They are both deeply in love with each other, but the only thing they can do is to wish."

Napahinto naman ako sa paghinga dahil sa binitawang salita nung babae. Napakagat labi ako. Ramdam na ramdam ko yung mabilis na magpintig ng dibdib ko. Sinulyapan ko yung mga malalaking letrang nakasulat sa visual nila. Mukhang iyun ang title nung kanta.

Secret Love Song.

Marami pa silang sinabi pero yung una kong narinig lang yung nag-stuck sa utak ko.

"Very well said." napapitlag ako ng magsalita si Miss DeGroff. "Hmm, well, kayo na rin naman ang huli. Kayo na ang maunang kumanta." napatitig naman ako sakanilang dalawa. Napaawang yung mga labi nung babae. Tumingin sakanya yung lalaki na nag-gesture na kumanta na raw sila. Ilang sandali pa'y iniayos nila ang mga tayo nila at nag-umpisa ng kumanta yung babae.

Girl:

We keep behind closed doors
Every time I see you, I die a little more

Life begins at Night (EDITING! DONT READ YET!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon