Thirty-eight

1.1K 34 0
                                    

5:32am.

"Hey," bahagya akong napadilat ng may marinig na boses. I blinking, several times. "Merry Christmas, love." May nakikita akong mukha na nakangiti. Napabalikwas ako ng mapagtanto kung sino iyun.

"Anong ginagawa mo dito?!" bulyaw ko kay Sebastian. Napa-make face naman ito. Inilibot ko ang tingin. Teka—? Napasapo ako sa sentido ko ng makita kung nasaan ako. "Sorry, sorry, kwarto mo pala 'to." ani ko.

Napansin ko rin na nakatulog ako sa sofa nya. Ang gara diba? May sofa yung kwarto. Bahay ata ito, eh. May maliit rin kasing ref dun banda sa book shelf. Ang laki talaga ng kwarto nya.

"It's okay." rinig kong sambit ni Sebastian. Napabuntong hininga nalang ako.

Napagawi yung tingin ko sa isang napakalaking wall clock. Umaga na pala pero ang dilim pa rin sa labas. Napayakap ako sa sarili ko ng maramdaman ang sobrang lamig. Hinanap ko kung nasaan yung aircon nya. At, tama ako. Nakabukas nga ito.

"Ano ba yan, Seb. Naka-aircon ka pa. Hindi ka ba nilalamig?" medyo iritang tanong ko sakanya. Nagkibit-balikat naman sya.

"No. Not really?" pabigla akong napakunot noo.

"Bakit?" tanong ko. Bahagya kong kinuha yung unan ng sofa nya at niyakap ito.

"Ahm, our body—I mean, werewolves body temperature is higher than humans. Like—"

"Hindi kayo mabilis lamigin, ganun?" putol ko sakanya. Ngumiti naman ito at tumango. "Ang weird, diba kapag may lagnat mataas yung temperature? Then, nilalamig ka diba? I mean, hindi maganda yung pakiramdam mo." I says. "Pero, mainit yung pakiramdam." pati ako naguguluhan sa sinasabi ko. "Bakit cold ang tawag? Eh, ang init mo nga?" I adds.

"Eh—"

Napansin kong wala syang naintindihan sa sinabi ko. Ako rin, eh. Pero bakit nga ba cold? Samantalang, ang init init mo nga kapag may lagnat ka. Sino bang nag-imbento nun? Ipapatumba ko talaga yan.

"Do you really want me to answer those questions?" tanong ni Sebastian. Nag-isip akong mabuti.

"Oo. Lalo na yung temperature nyo." casual kong sagot. Bahagya naman itong natawa. Anong nakakatawa?

"Love, why are you asking about these?" nakangising tanong nya. Bahagya naman akong napahinto. Bakit nga ba? Ugh. Ang pangit ata ng gising ko.

"Wala, wala." saad ko ang umiling. Tumayo ako at naglakad papuntang pinto.

"Where are you going?" tanong nya. Nilingon ko sya saglit.

"Bababa. Nagugutom na kasi ako." nahihiyang sagot ko. Natawa naman ito sa akin. "Hoy! Makatawa. Parang hindi ka nagugutom, aah!" bulyaw ko rito. Tumayo sya at parang hangin na nasa harap ko na agad. Hmp. Werewolf advantages.

"Sorry, you're such a cute." he says, running his hand over my hair, his fingers occasionally combing through the strands. "I love these strands, your hair rather. It's so soft like silk or a fluid." he adds.

"Inggit ka?" pang-aasar ko sakanya. Tumawa naman ito ng napakalakas. "Oh my god. Bakla ka, ano? Seb!" dagdag ko pa. Tumawa pa ito lalo. Bahagya akong napangiti. Gustong-gusto ko syang napapatawa. Para kasi syang mamamatay na. Yung tipong, mawawalan na sya ng hangin kakatawa pero hindi pa rin sya tumitigil.

"Lord Sebastian?" napapitlag ako ng may biglang kumatok. Tumalikod ako sakanya at binuksan yung pinto. Si butler Marcus ang bumungad sa akin. "Pinapababa na po kayo para sa agahan." tumango-tango ako bilang tugon. Napasilip naman ito sa loob. "Sino yung tumatawa?" bulong nyang tanong.

"Si Sebastian." nakangisi kong sagot. Nanlaki naman ang mga nata nito. Binuksan ko rin yung isang pinto para makita nya. Napaawang naman ang mga labi nito. Nilingon ko si Sebastian na ngayo'y nakahawak sa tyan at ulo nya.

Life begins at Night (EDITING! DONT READ YET!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon