Twenty-nine

1.2K 50 3
                                    

9:30am.

"Bakit na kayo agad aalis? Meron pa naman kayong isang buong araw! Wag muna!" sigaw ni Wendy sa labas ng shop nila. Her voice irritating my ears.

"Wendy, kailangan talaga." nanghihinang sagot ni ate. Paano naman kasi, kanina pa namin pinapakalma itong si Wendy. Heto nga't nakaupo na ako sa maleta ko. 30 minutes na yung nasasayang namin.

"Popsie, wag mo sila paalisin." maktol nya kay Popsie Nards. Napapailing nalang ako.

"Apo, kailangan na nilang umuwi." mahinahong sambit ni Popsie. Tumingin ito sa akin. "Mag-iingat kayo roon. Wag makakalimot." tumango-tango ako habang may ngiti sa mga labi.

"Syempre naman po, Popsie!" masiglang sambit ni ate Anna at iniayos na ang mga dala. Tumayo na rin ako at inayos ang mga gamit.

"Popsie naman, konsintidor ka!" singhal ni Wendy.

"Wendy, be matured enough nga." untag ko sakanya at napakamot nalang sa pisngi ko. Ngumuso naman ito at inirapan ako.

"Sige na. Baka ma-traffic pa kayo." saad ni Popsie Nards at lumapit sa amin ni ate Anna para mayakap kami. "Naku, kailan ko kaya kayo muling makikita." sambit nya habang nakayakap sa amin.

"Baka sa susunod na taon nalang, Popsie." malungkot na sagot ni ate Anna. Matamlay akong napapikit. Kumawala na kami sa yakap gayundin si Popsie Nards.

"O'sya. Paalam na." pagpapaalam ni Popsie at lumapit kay Wendy. "Magpaalam ka na sakanila." utos nito. Tumingin naman ako kay Wendy at napakunot noo nalang ako ng makitang namumula na ang ilong nito at naluluha-luha na.

"Wendy," tawag ko sakanya. Yumuko naman ito at umatras. Binitawan ko yung backpack na hawak ko at lumapit sakanya. Hinawakan ko yung dalawang pisngi nya.

"Bruha, pag umiyak ka, lalo ka lang papangit." pabigla naman syang tumingin sa akin. Ngumiti ako ng nakakaloko.

"Che! Pasalamat ka nga iniiyakan ka pa." masungit nitong tugon sa akin. Natawa naman ako habang hinahawi yung mga luhang bumabagsak sa pisngi nya.

"Bakit naman ako magpapasalamat?" sambit ko. "Hindi naman ako sibuyas para iyakan." dagdag ko pa. Napaatras ako ng bigla nya akong niyakap. Ramdam ko pagsinghot nya sa leeg ko.

"Dito nalang kasi kayo...." bulong nya. Niyakap ko rin sya.

"Wendy," bulong ko. Kumawala sya sa yakap namin at tumingin sa akin. "Promise me you'll be okay." saad ko. Marahan itong tumango. Ibinaling ko naman ang tingin kay Popsie Nards. "Pops, bye na po." tumango lang ito.

"Tara na." sambit ni ate ng makalapit ako sakanya. Naglakad na kami palayo sakanila. And every step I made, I can't breathe properly.

Kasalukuyan kaming nasa Terminal 34. Dito lang kasi yung nag-iisang bus station na napapadaan sa Owens Hainsburry. At gaya ng dati, kami lang ni ate Anna ang tanging pasahero na patungo roon.

Tumayo kami pareho ni ate ng makita ang bus. Agad kaming naglakad para naman hindi mawalan ng pwesto. Pagkasakay ay agad kaming naghanap ng pwesto at inilagay sa ilalim ang mga maleta. Nandun kasi yung lalagyan ng mga malalaking gamit.

Bahagya akong napangiti ng makaupo. Parehong upuan at pwesto rin kasi itong inuupuan namin ngayon gaya ng dati.

"Okay na po ba ang lahat?" napatingin ako sa nagsalita. Yung konduktor pala. Hmm, I can't remember him. Bago siguro sya. Hindi naman sya yung konduktor dati.

I wonder why kung bakit may konduktor? Eh, hindi na rin naman kami nagbabayad sa loob mismo ng bus. Doon na agad sa cashier. "Aalis na po tayo." dagdag nya pa.

Life begins at Night (EDITING! DONT READ YET!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon