Eleven

1.8K 70 2
                                    

10:54am.

Mabilis na lumipas ang tatlong buwan. Halos limang buwan at dalawang linggo na rin akong naninirahan dito sa Owens Hainsburry. Pero, aaminin kong naninibago parin ako. Hindi parin ako sanay sa mga nakapaligid sa akin. Tila ba'y kailangan kong laging mag-ingat. At, sa lumipas na tatlong buwan, maraming nagbago, hindi sa bayan kundi sa amin ni ate Anna.

Nawala yung closeness sa pagitan naming dalawa. Hindi na kami nag-uusap kung wala namang importante. Pagdating sa school, doon lang kami nagmumukhang close. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Ang naaalala ko lang ay yung gabing nasa bahay namin ang dalawang Owens. Pagkatapos nun, dun na nagsimulang magung cold si ate. Para akong nagkaroon ng girlfriend na matampuhin. Napailing nalang ako na naiisip ko.

Nandito ako ngayon sa school kahit na araw ng linggo. Wala trip ko lang. Ang awkward kasi ng atmosphere sa bahay. Palakad-lakad lang ako sa gitna ng field. Dinadama ang sariwang hangin na dumadampi sa aking mukha. Parang nakahanap ako ng stress reliever.

Napatingin ako sa isang bahay na nasa itaas ng burol. Kitang-kita iyun sa kinatatayuan ko. Pinagmasdan ko iyun ng mabuti. Kung titignan, parang hindi ito naluluma, kahit na medyo creepy yung style ng bahay. Mukha kasing vintage eh. Hindi ko namalayan at napaisip ako.

Kailan kaya ako makakapasok sa mansion na iyan?

Nagulat at nagtaka ako sa naiisip ko pero hindi ko maitatangging gusto ko makapasok roon. Napapikit nalang ako. Muli akong naglakad at inialis ang tingin sa mansion ng Owens. Naglakad lang ako ng naglakad. Napansin kong papunta na ako sa Owens Springfield. Napahinto ako. May naririnig akong hiyawan.

"May laro nanaman?" takang kong tanong mag-isa. Agad akong naglakad muli at mabilis na nagtungo roon.

Nang kaharap ko nanaman ang open-tunnel, nagdalawang isip akong muli kong papasok ba o hindi. Wala akong choice. Paano ko malalaman kung anong meron sa loob. Dahan dahan kong inihakbang ang kanang paa ko, hanggang sa napagtanto ko na lamang na nasa dulo na pala ako ng open-tunnel. Sumilip ako ng bahagya. Sa pagkaka-alam ko, halos benteng tao lang ata ang nasisilayan kong naka-upo sa bleachers.

Lumakad ako at laging gulat ko na makita ang nangyayari sa harap ko. Dalawang lalaki na tila'y galit na galit sa isa't isa. Punong puno na sila ng mga kalmot sa katawan. Sira-sira narin ang kani-kanilang mga suot na damit. At mas lalo akong napahinto ng makakita kung sino ang isang lalaki.

"Kash......" sambit ko ngunit hindi naman ganun kalakas, sapat na para marinig ko. Ngunit laking gulat ko ng parehas naman silang huminto.

Marahan na tumingin sa akin si Kash. Pansin sakanya na hingal na hingal sya. Makikita ito sa balikat nya na taas baba ang paggalaw. Muli ko nanamang nakita ang mga kanyang mga mata kulay ginto. Dahan dahan syang lumayo sa lalaking kaaway nya. Napakunot noo ako. Paano nya narinig ang sambit kong iyun? Sobrang layo nya sa akin.

Ibinaling ko ang tingin sa lalaking kaaway nya. Nagulat ako ng makita sakanya ang kulay brown na mata. Isang Gamma. Ngunit, hindi para sa isang Gamma ang ganoong kalakas. Ang lakas nya sa totoo lang. Mapabalikwas naman ako ng maramdaman ang presenya ng isang babae sa gilid ko.

"What are you doing here?" tanong nito. Liningon ko ito at laking gulat na makitang si Pinuoz pala.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya. Napatayo naman ang dalawa nyang kilay.

Life begins at Night (EDITING! DONT READ YET!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon