Seventeen

2K 62 0
                                    

6:00am.

Maaga kaming ginising ni Aunt Melissa. Maaga rin kaming pinaglinis ng bakuran at buong garden ng mansion. Kanina nung nag-aagahan kaming dalawa ni ate sa kwarto ko. Hindi ko maiwasang hindi isipin na baka nakauwi na sya at makikita ko na sya mamaya. Makikita ko na ang Alpha ng Owens Hainsburry. Muli.

"Mary Jane," rinig kong tawag ni ate ngunit hindi ko sya nilingon. "Tara na. Diligan mo rin yung iba dun!" utos nya at tinignan yung tinuro nya. Naglakad ako papunta dun at diligan nga gaya ng utos nya.

Napadako ang tingin ko sa ibaba ng burol. Ang tahimik ng buong Owens Hainsburry ngayon. Napakatahimik. Kanina habang nag-lilinis sa bakuran ng mansion narinig ko mga pinagusapan ng mga lalaking mala-James Bond ang dating. Sabi nung isa busy raw ang lahat para sa darating na Hierarchy Dawn. Base sa paguusap nilang yun, masasabi kong malapit ng mangyari ang Hierarchy Dawn na iyun.

"Lunod na yan, iha." napabalikwas naman ako at itinigil muna ang pagdidilig. Nilingon ko yung nagsalita. Yumuko ako upang pag-galang sakanya.

"Paumanhin po, Lord Virgilio." sambit ko. Ngumiti naman ito sa akin. Lumakad ito patungo sa direksyon ko at pinagmasdan ang buong Owens Hainsburry. Pinagmasdan ko lang sya. Napangiti ako sapagkat kasama ko ngayon ang nagmamay-ari nito. Ngumiti sya.

"Ito ang pinakamagandang nagawa ko." sambit nya habang nakatitig parin sa ibaba. Ngumiti ako at tumingin rin.

"Opo." sagot ko sakanya. Napansin ko namang napalingon ito sa akin.

"Para ko lamang tinitignan ang dalagang Allison." napahinto naman ako sa sinabi nya. Nilingon ko ito at nakatingin na muli ito sa ibaba ng burol.

"Po?" sambit ko. Bahagya itong ngumiti.

"Kamukhang-kamukha mo ang iyung ina, iha." napangiti ako ng marinig iyun. Hindi na bago sa tenga ko ang ganoong papuri, lagi ko narin naman yang naririnig eh.

"Lord Virgilio, nasa telepono po si Madame Luisa." halos sabay naman kaming napalingon sa nagsalita. Tumango naman si Lord Virgilio at nagpaalam muna sa akin.

Habang pinagmamasdan ko syang nakalikod at naglalakad papalayo, hindi ko maiwasang humanga sakanya. Walang bakas ng nakakatakot sakanya. Napakabait. Maswerte ang mamamayan dito sa Owens Hainsburry. Nagkaroon sila ng pinunong mabait.

Habang naglalakad papuntang kwarto namin. May napansin akong kakaibang painting. Hindi ko mawari kung isa nga ba itong painting o isang larawan. Napakalaki. Nakasabit ito sa pagitan ng dalawang malaki at mahabang bintana. Luminga-linga ako sa paligid. Nang mapansing ako lang nag-iisang naroon. Dahan dahan ako lumapit sa painting-slash-larawan. Kung susuriing mabuti, para itong isang—

"Ang Hierarchy Dawn." napapitlag naman ako ng may nagsalita. Pabigla akong lumingon. Ngumiti ito sa akin at lumakad papunta sa direksyon ko. Tumabi ito sa akin at pinagmasdan rin ang painting-slash-larawan.

Kung pagmamasdan mo ang lalaking nasa tabi ko ngayon, masasabi kong nasa mga 30's na ata ito. Matangkad, matipuno ang katawan, kagalang-galang na awra at mababang boses base sa pagsasalita nito kanina. I wonder who is this? Napaatras naman ako ng lumingon ito sa akin. Crap. Nakakunot noo ngunit nakangiti. Pilit ngiti akong tumingin sakanya.

"Imposible ito." nagtaka naman ako sa sinabi nya. Humarap na ito sa akin. Napansin ko rin ang suot nyang damit. Parang hindi naman sya isang guard o anuman ng mansion na ito. Sino ba kasi 'to?

"You look exactly like your mom." wika nya at napapailing pa. Napakunot noo naman ako. "Allison, is that you?" tanong nito. I gave him a what-are-you-saying? look. Bahagya itong napahawak sa baba nya.

Life begins at Night (EDITING! DONT READ YET!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon