Thirty-four

1.3K 37 0
                                    

8:37am.

"Baka mamaya kung saan saan mo dalhin itong si Mary Jane! Aba'y! Kahit mas matanda ka sa akin ng isang taon at kahit ikaw pa ang Alpha, hindi kita sasantuhin kapag napahawak 'tong kapatid ko." singhal ni ate Anna kay Sebastian. Napakamot nalang ito ng ulo.

"We—"

"Wag mo ako ma-english-english! Alam kong nagta-tagalog ka!" singhal muli ni ate. Natatawa nalang ako sa mukha ni Seb. Halatang walang laban kahit na mas matanda sya kay ate Anna.

"Ah—ahm, may pupuntahan lang kami—"

"Saan naman? Bakit kailangang may dalang damit?"

"Pupunta ka—"

"Sagot!" napasapo nalang ako sa ulo ko.

"Ate, paano sasagot hindi mo nga pinapasalita. Kanina pa kayo nagbabangayan. Anong oras na." nanghihinang sambit ko at umupo sa sofa. Suko na ako. Bahala sila dyan.

"Hoy! Ikaw nga hindi nagpapaalam sa akin!" untag naman nito sa akin. Lumingon ako sakanya.

"Hindi ko naman kasi alam na aalis kami ngayon." tugon ko rito at pabagsak na isinandal ang katawan sa sofa.

"Ikaw naman kasi! Bakit hindi mo agad sinabi sakanya kahapon?! Nandito ka naman sa bahay!" singhal ulit ni ate Anna kay Seb. Kahit kailan hindi ko pa nakitang ganyan si mama sakanya or even sa akin. Tinalo nya ang mga nanay na strict.

"Because I want to surprise her." napahinto naman ako sa paghinga ng marinig ang sinabi ni Sebastian. Mary Jane, kumalma ka. Hindi ka kinikilig. Kinalma ko yung sarili ko at nagkunyaring wala lang yung sinabi nya.

"Surprise surprise! Perwisyo lang yan! Mas maganda kung nagpapaalam!" napapikit nalang ako ng sumigaw si ate Anna.

"Ate, manahimik ka na nga. Ang dami mong sinasabi. Alam ko namang papayag ka din." sambit ko at pumikit. "Daming pakana sa buhay." dagdag ko pa.

"Eh—masama bang maging concern?!" untag nito sa akin. Narinig ko ang mga yapak nito na papunta sa pwesto ko.

"Okay lang naman. Wag lang over-acting." sagot ko sakanya at dumilat na. Nakita kong nakapamaywang ito't nakatayo sa harap ko. Nagkatitigan kaming dalawa hanggang sa napabuntong hininga lamang sya.

"Okay. Ingat kayo." sambit nito. Tumingin naman ito kay Seb. "Umayos ka, huh?" napangiti nalang ako. Tumayo na ako at kinuha yung backpack sa sahig.

"Hindi kami magpapagabi." saad ko. Lumapit na ako kay Seb at hinila sya palabas ng bahay. "Oh my god. Sorry sa kapatid kong yun." paumanhin ko sakanya habang binubuksan yung gate.

"Oh? Really? She is your sister?" tanong nya. Napahinto ako at tumingin sakanya na nakakunot noo. "I thought she is your mother." napatawa nalang ako. Sumakay na kami sa kotse nya.

"Saan ba kasi talaga tayo pupunta?" tanong ko. Inihagis ko lang sa back seat yung backpack na dala ko. Napakunot noo naman sya pero nakangiti. "Sorry..."

"Well, we will go to a beach." sagot nito at in-start na ang makina. Napa-huh face naman ako habang nakatingin sa manibela nya.

"May dagat dito sa Owens Hainsburry?" I heard his snickered. Kunot noo akong tumingin sakanya.

"Nope. It's just a downtown, love, remember?" ramdam ko namang nag-init yung pisngi ko sa sinabi nya—I mean, dun sa, alam nyo na. Inilihis ko ang tingin sakanya.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Just like what I said, beach." he says. "Actually, hindi na iyun sakop ng Owens Hainsburry. But it was just near here that either." he adds. I nods several times.

Life begins at Night (EDITING! DONT READ YET!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon