Nine

2.1K 74 1
                                    

5:30am.

Maaga akong ginising ni ate dahil maglalaba raw kami. Tumayo na ako at dumiretso sa banyo. Bago bumaba ay una ko munang nilinis ay ang kwarto ko. Punas dito, putas jan, walis dito, walis jan. Nang ako'y matapos na, agad na akong bumaba. Nadatnan ko naman si ate na nagluluto ng agahan. Lumapit ako sakanya at nagpresentang ako na ang magtitimpla ng kape.

"Wala pa rin si Aunt Melissa?" tanong ko. Saglit naman itong napatingin sa akin at agad ring ibinalik ang atensyon sa niluluto.

"Yeah. Pero tumawag sya sakin. May kunti daw problema sa bahay na pinagtatrabahuhan nya." napahinto naman ako.

May problema sa Owens Mansion? May kung ano sa akin na gustong malaman kung ano yun. Napakagat labi nalang ako. Ngunit sa ginawa kong iyun, may bigla akong naalala. Stop doing that lipbite. He might get deep emotions. Sino kaya yung tinutukoy nya? Bigla nalang akong bumalik sa sarili ng maramdamang may tumama sa likod ko.

"Aray naman." ani ko at humarap sa likod ko. Nakita kong nakatingin sakin si ate Anna. "Bakit ba?" irita kong tanong.

"Hala, kanina ka pa jan nakatayo. Natapos na ako sa pagluluto, ikaw nagtitimpla parin." sambit nya.

Napatingin naman ako dun sa dalawang tasa. Tinuloy ko nalang muli ang pagtitimpla. Nang ako'y natapos na ay agad akong umupo kaharap si ate. Binilisan na naming kumain dahil anong oras na at maglalaba pa kami.

Nang nasa banyo na kami ng unang palapag ng bahay, inihiwalay ko na ang puti sa de-color. Hindi narin namin kami mahihirapan dahil may washing machine. Tahimik lang kami sa ginagawa namin. Si ate ang nagbabanlaw at kapag natapos na sya ako naman ang magsasampay. Nang matapos kami sa paglalaba, agad kaming bumalik sa aming mga kwarto dahil baka mahuli na kami sa klase.

"Mary Jane, bilisan mo naman! Anong oras na oh." rinig kong sigaw ni ate.

Binilisan ko na at kinuha ko agad ang bag ko. Nang pababa na ako nakita ko syang lumabas na ng bahay. Agad akong sumunod sakanya. Paglabas ko ay naabutan ko syang kausap si Luke. Pinagmasdan ko lang sila. Binuksan ni Luke yung gate at sumakay sa loob ng sasakyan si ate at inilabas iyun. Isinara naman ni Luke yung gate. Napangiti ako sa naiisip ko. Lumakad na ako palapit sakanila. Napansin ni Luke yung presence ko kaya ito'y lumingon.

"Good morning sweetheart." bati nya sakin. Medyo nasasanay na rin ako sa pagtawag nya sa akin ng ganyan.

Bahagya akong tumango sakanya. Binuksan ko yung gate at isinara ito. Bago ako pumasok sa kotse ay nagpaalam muna ako kay Luke.

Nang nasa biyahe na kami, nakasunod lang samin yung sasakyan ni Luke sa likod. May kung ano talaga akong nararamdaman. Parang ang saya ko ngayon. Hindi ako nabwisit nang makita si Luke. Ewan.

Nang malapit na kami ay agad na nag-park si ate at si Luke. Lumabas na ako pagkahinto ng sasakyan. Nakita ko naman na nakatayo si Luke sa likod ng kotse nya.

"Tara sabay sabay na tayong pumasok." ani ni ate at nagsimula nang maglakad.

Naging normal na ako sa lahat ng bagay dito sa SnoozeTopia, Hainsburry University. Hindi na ganun kabigat. Nasasanay na rin ako sa paligid ko. At kung titignan ay, mukhang nasasanay na rin ang mga estudyante sa akin. Madalas ko nalang silang nakikitang nakatitig sa akin. Yung tila ba'y, pinagaaralan ako.

Ngayon ay naging maliwanag na sa akin ang lahat. Kailangan ko lang tanggapin ang mga bagay o misteryo dito sa Owens Hainsburry. Kailangan ko lang tanggapin na naiiba nga ito sa pangkaraniwan. Hindi ko alam kung alam na ni ate Anna ang tungkol sa mga nakapaligid sa amin. Mukhang hindi naman sya mahihirapang tanggapin sapagkat kahit nga hindi nya pa alam ang misteryo ng Owens Hainsburry, agad nya itong tinanggap ng buo.

Life begins at Night (EDITING! DONT READ YET!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon