Twenty-seven

1.5K 44 0
                                    

7:32am.

"I can't believe this! Really? Ang cool ng downtown na yun!" untag ni Wendy.

Napailing nalang ako dahil sa kaingayang taglay ng kupal na 'to. Kasalukuyan kasi kaming nasa shop nila. Marahan akong tumitig sakanya at inalalang mabuti ang nangyari kagabi.

"Are you aware to werewolves?" halos manigas ang buong sistema ko dahil sa tanong nya. Paano bang isasagot ko?

Oo naman! Nakatira nga ako sa bayan nila.

Oo naman! May kaibigan nga akong babae na katulad nila!

At oo naman! Nakikipag-hang-out nga ako sa Alpha nila!

Naiwan lang akong nakaawang ang mga labi at hindi alam ang mga sasabihin. Nakatitig lang sa akin si Wendy na tila ba'y naghihintay ng sagot. I took a deep breath.

"Okay," panimumula ko. "Alam mo ba yung downtown na nilipatan namin?" tanong ko sakanya. Napakunot naman ito.

"Yeah." mabilis nyang sagot. "Owens Strawberry." napataas naman ang dalawang kilay ko. Ano daw? Strawberry?

"Straw—Owens Hainsburry!" singhal ko sakanya. Napa-ohh naman sya at tumango-tango.

"What about that?" wika nya at naglakad. Naglakad rin ako dahil ayoko na talagang manatili sa abandonadong palayan na 'to. Nasisilayan na namin yung nga kotse na dumadaan.

"Well, that place," there was a paused. "Place, of creatures." sambit ko. Napahinto naman sya at tumingin sa akin.

"Creatures?" tanong nya at napakunot noong muli. I nodded twice.

"Like, you know, vampires, werejaguars, grey wolves, werewolves." unti-unting lumaki yung mga mata nya. Nagtata-talon na para bang nanalo sa lotto.

"Really?! So, totoo talaga yung red wolf na nakita ko?!" untag nya habang nakahawak sya balikat ko. Napakunot noo ako. What? Bago yun ah? Red wolf? May ganun?

"Wait, wait, hold up!" singhal ko sakanya. Tumigil naman ito sa kakatalon. "You mean—what? Red wolf?" tanong ko. Dali-dali naman syang tumango.

"Yeah," sambit nya.

"Explain." untag ko sakanya. Muli naman kaming naglakad.

"Hmm, 2 months ago, pauwi na talaga ako galing sa bar nila Bernard. Then, syempre mapapadaan ako sa public library, right? So, ayun nga, diba may eskinita dun? Sa gilid? Akala ko talaga aso yung nasa gilid ng basurahan. Then, it's not! It's a human!" she says. She continued,

"Pero, I swear, hindi ako lasing. Hindi talaga. Dalawang baso lang ng vodka ang ininom ko. Tapos, nilapitan ko sya. Akala ko kasi kung napano na ba si kuya. Yeah, it's a guy. But—fuck! Bigla syang nag-transform ng mala-Jacob sa twilight. Napunit yung damit nya at para syang naging aso! Akala ko nga nung una, fox eh! Akala ko si Swiper sa Dora!"

Naiwan akong nakanganga habang naglalakad kami patungo sa bus stop. Whoa. Sigurado ba syang hindi sya lasing? Pero, base sa pagkakakwento nya, mukhang totoo. Nilingon ko sya at kita sakanya ang takot na mukha.

"And, you know, kaya kita dinala dito kasi may nakita pa ako." dagdag nya pa at tinuro ang hacienda ng Dickens.

"Ano naman ang gagawin mo dito?" biglaang tanong ko. Huminga naman sya ng malalim.

Life begins at Night (EDITING! DONT READ YET!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon