Twenty-two

1.6K 57 0
                                    

Mabilis na lumipas ang ilang araw, at ngayo'y araw na ng second quarter exam namin. Sa ilang araw na yun, natuto na akong tanggapin ang Owens Hainsburry ng buong puso. Hindi na ako nag-aalangan na lumabas ng bahay mag-isa. Hindi na ako natatakot sa mga nakapaligid sa akin.

Masasabi kong, isang normal pero iba sa pangkaraniwan ang downtown ng Owens Hainsburry. May mga bagay na hindi mo agad matatanggap at paniniwalaan pero gaya nga ng sabi ng Alpha: Everything can solve if you just open your mind and never let emotions control you.

"Mary Jane, ngalay na ako. Ito na yung test paper, oh!" napapitlag naman ako ng marinig si Patti. Kinuha ko yung test paper na hawak-hawak nya. Binasa ko.

"Second Quarter Test: History subject." napapikit nalang ako. Ito talaga yung pinaka-una. Mas mabuti pa yung last exam, PE nauna.

Kasalukuyan akong tahimik na nagsasagot sa pang Hell question ng History na ito. Oh my god, itong number 31 ang nagpapahirap sa akin. Natapos na ako lahat-lahat, ito nalang nagpapa-iyak sa akin. Napadukmo nalang ako sa desk ko.

"Mary Jane," napaangat ako ng ulo ng marinig ang tawag ni Luke. Tinaasan ko sya ng dalawang kilay. "Ano sagot sa 31?" naningkit naman yung mga mata ko sa sinabi nya.

"Problema ko rin yan, Luke." sagot ko sakanya. Bahagya naman syang napakamot sa ulo.

"You have 5 minutes more to answer." napatingin naman ako sa unahan. Gusto kong sapakin ngayon si Miss DeGroff dahil sa number 31 question.

Dahan dahan akong napalingon sa kanan ko. Napangiwi nalang ako ng makitang nag-e-eenie meenie mo na sa papel nya. Napailing nalang ako sa kalokohan ni Luke. Muli kong tinitigan ang test paper na nasa desk ko. Bahala na.

"Finish or not. Past all the test papers." agad naman akong tumayo at dumiretso sa harapan.

Habang pabalik sa upuan ko, napasulyap ako sa lalaking tulog nanaman. Paano ba maging chill lang sa school? Kung simula first year nito ni Gale, ganito na sya paano sya laging napupunta sa pilot section?

Napadako naman ang tingin ko sa labas ng bintana habang umuupo. Halata ang makulimlim na langit at mukhang nagbabanyag ulan na malakas. Napaatras naman ang katawan ko ng biglang kumulog ng malakas.

"Ngayon nalang ulit uulan sa Owens Hainsburry." rinig kong walang interesadong tono ni Luke. Bahagya ko syang tinignan. Nakasandal lang ito at nakadekwatro habang nakatitig sa langit.

"Ngayon na lang?" tanong ko. Lumingon naman si Patti.

"Yup! It's been 16 years ng hindi umulan dito." nanlaki naman yung mata ko sa sinabi ni Patti.

"Ibig sabihin, noong pinanganak ako hindi na umulan dito?! Nakakaloka." natatawang saad ko. Muli kong tinignan ang buong kalangitan. Parang bagyo ata ito.

"Okay. Wait for your next teacher." rinig kong sambit ni Miss DeGroff.











10:45am.

Kulog lang ang bukod tanging maririnig mo sa mga oras na ito. Kidlat lang ang nagsisilbing liwanag sa madilim na labas. At kahit quarter-to-eleven palang, nakabukas na ang mga ilaw sa buong SnoozeTopia, Hainsburry University. Ang dilim. Napakadilim sa labas.

Pang-apat na rin itong subject na na-take namin. Pagkatapos nito ay break time na. Pero kung titignan mo ang labas. Mas gugustuhin mo nalang na manatili sa loob.

"Natapos din." rinig kong sambit ni Luke. "Tapos ka na?" tanong nya. Lumingon naman ako sakanya.

"Yeah." sagot ko. "Luke, bakit ngayon na lang ulit umulan? I mean, uulan?" tanong ko naman sakanya. Tinignan nya muna sandali yung harap na para bang tinitignan kung mahahalata ba kaming mag-uusap.

Life begins at Night (EDITING! DONT READ YET!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon