Chapter Three (Ang Bully Na Kuya)

208 4 3
                                    

CHAPTER THREE

Sa isang building ng Bridget's.

Naglalakad sina Beca at Grey.

Magka holding hands sila.

Bawat estudyanteng makasalubong nila ay napapatingin.

May mga naririnig silang bulungan.

"Ang swerte talaga ni Grey, dude."

Sabi ng isang lalakeng naka pang nursing uniform.

"Ano kayang pinakain ni Grey kay Beca?"

Sabi naman ng isang babaeng naka dress.

Halatang balisa si Beca. Pansin yun ni Grey. Napahinto si Grey at huminto din si Beca.

Beca: Bakit?

Grey: May problema ka ba B-ko?

Beca: Huh? Wala, bakit?

Grey: Pansin ko kasi kanina ka pa tahimik.

Beca: (Ngumiti) Ganito naman talaga ako minsan hindi ba? Hindi ka pa ba sanay?

Grey: Pero alam ko na may problem ka.

Beca: Wala, ano ka ba? Don't worry.

Grey: Sabi mo eh.

Nagpatuloy sila sa paglalakad.

Alam ni Grey na may problema si Beca pero ayaw na niyang kulitin ito.

-----

Sa classroom. Classmates sina Beca, Roxy at Zandra.

Magkakatabi sila. Wala pang prof kaya nag dadaldalan ang mga kaklase nila. Maging sina Zandra at Roxy. Tahimik lang si Beca, nasa gitna siya nina Roxy at Zandra.

Napansin yun ni Roxy.

Roxy: Hey, Girl. What's wrong? Kanina ka pa tahimik?

Beca: Wala.

Roxy: Ano bang wala? I know, there is. Hello? Matagal na tayong magkaibigan. Sa akin ka pa ba magde deny? Is it about Grey?

Zandra: (Sumabat) Sabi ko naman kasi sa'yo, hiwalayan mo na ang CHIKI (panget) na 'yun!

Umirap si Beca kay Zandra at humarap ulit kay Roxy.

Beca: No, hindi si Grey.

Roxy: Hmmmm. (Tila nababasa nito ang nasa isip ni Beca). Sige, let's talk later.

------

Matapos ang klase ay nag punta sina Beca at Roxy sa Gym ng Bridget's. Walang masyadong tao dun dahil wala namang practice ang basketball team ng Bridget's ng mga oras na iyon.

Roxy: So, it's not about Grey. It's about MELTON?

Kilalang kilala na talaga ni Roxy si Beca kaya hindi na nagkaila si Beca at tumango siya.

Roxy: I knew it. What about him?

Beca: I saw him last Sunday sa isang Restaurant. He's with Penelope.

Roxy: I see. Gusto mong malaman kung bakit sila magkasama?

Beca: Y-yeah.

Roxy: Well, I heard he's courting Penelope. Nagkakilala sila sa isang bar kasi kasama siya nung mga friends ni Daj.

Beca: Ah...

Halata na parang sumimangot si Beca kaya nag sarcastic smile si Roxy.

Roxy: Are you Jealous?

Nung Ma In Love Ako Sa'yo! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon