Chapter Twenty One (The Truth In The Past)

205 3 2
                                    

CHAPTER TWENTY ONE

Sa kalagitnaan ng biyahe nina Beca ay biglang may narinig silang pumutok.

Nag panic ang mga pasahero maging sina Beca at Grey.

Beca: Oh my God!!!

Grey: Anong nangyayari?

Narinig nila ang isang babaeng pasahero.

"Nagkaroon daw ng problema yung eroplano, babagsak tayo!"

Nag sigawan ang mga pasahero.

Takot na takot si Beca.

Beca: Diyos ko! Ayoko pang mamatay!

Grey: Beca, huwag kang matakot. Nandito lang ako.

Hinawakan ni Grey ang kamay ni Beca.

Flight Attendant: Everyone, Please do not panic!
•••••••••••••••

"I HEART COFEE"

Daj: So umalis pala si Beca?

Melton: Yeah, ilang araw din siyang mawawala.

Ecker: Edi makakapang chics ka na ulit? Tawagan mo si ano, sino nga ba yun?

Daj: Si Arish!

Ecker: Ayun! Si Arish nga!

Melton: (Matamlay) Hindi ako interesado sa kanya. Tsaka wala naman akong number niya eh. Si Beca lang ang gusto ko. Alam niyo naman yun eh.

Daj: Oo naman.

Ecker: Eh teka, bakit ganyan na naman ang tono mo? Nag away na naman ba kayo ni Beca?

Melton: Hindi. Pero may kutob ako na may tinatago sa akin si Beca.

Daj: Tinatago?

Melton: Kanina bago siya umalis parang ang cold niya sa akin eh. Wala naman akong matandaan na ginawa ko para magka ganun siya.

Ecker: Hindi kaya nalaman niya yung nangyari sa inyo ni Arish?

Melton: Kung nalaman niya yun aawayin niya ako. Pero hindi. Malamig lang yung dating niya sa akin kaya sigurado akong iba ang dahilan niya. May iba siyang iniisip.

Daj: At ano naman yun?

Melton: Hindi Ano, kundi Sino.

Ecker: Si Grey?

Melton: Hindi ako sigurado pero malamang si Grey na nga. Humanda sa akin yang Grey na yan kapag nalaman ko na nilalapitan niya si Beca.

Nagkatinginan sina Daj at Ecker.

••••••••••••

Napa sigaw si Beca at nagising mula sa kanyang nakakatakot na panaginip.

Pinagtinginan siya ng mga pasahero.

Nabigla din si Grey sa pag sigaw ni Beca.

Grey: What's wrong with you?

Hindi nagsalita si Beca.
Maluha-luha siya at nanginginig at sa sobrang kaba niya ay napayakap siya bigla kay Grey. Nagulat si Grey. Ramdam niya ang kabog ng dibdib ni Beca.

Lumapit ang isang flight attendant.

Flight Attendant: Are you okay, Ma'am?

Nang mahismasmasan si Beca ay nabigla din siya ng ma-realize niya na nakayakap pala siya kay Grey.
Agad siyang bumitaw kay Grey at humarap sa Flight Attendant.

Beca: O-Okay lang. Nanaginip lang ako. I'm sorry.

Flight Attendant: (Ngumiti) Okay po.

Umalis na ang Flight Attendant.

Nung Ma In Love Ako Sa'yo! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon