Chapter Thirty Four (Hanggang Sa Muli)

147 3 2
                                    

ILANG ARAW ANG LUMIPAS NAKALABAS NA NG HOSPITAL SI BECA.

Hindi na nakadalaw ulit si Grey kay Beca dahil sa nangyari kay Princess.

Hindi rin naman alam ni Beca na nasa ospital din si Princess.

Pinuntahan siya nina Zandra, Amanda, Daj at Ecker sa bahay nila upang humingi muli ng tawad kay Beca at nagkapatawaran na sila.

Personal ding nagpunta doon ang ama ni Melton upang sabihin ang bilin ni Melton na humingi ng tawad kay Beca.

Arnaldo: Alam ko na malaki ang naging kasalanan sa inyo ng anak ko pero sana ay mapatawad niyo pa rin siya.

Brando: Mahirap ang hinihiling mo sa amin, Arnaldo.

Lauren: Muntik na niyang mapatay ang anak namin.

Arnaldo: Nauunawaan ko kung hindi ninyo agad mapapatawad ang anak ko pero umaasa ako na mangyayari yun.

Beca: Pakisabi po sa kanya na pinapatawad ko na siya.

Napatingin sina Lauren at Brando Kay Beca.

Brando: Hija?

Beca: Mommy, Daddy, alam ko po na hindi naman ako gustong saktan ni Melton. Kahit papaano po ay may pinag samahan naman kami at naramdaman ko na minahal niya talaga ako. Naiintindihan ko kung bakit niya nagawa yun. Gusto ko rin po sana na iatras na natin ang kaso laban sa kanya.

Lauren: Hija, sigurado ka ba diyan?

Arnaldo: Ang totoo niyan, ayaw ni Melton na gawin mo yan Beca, gusto niyang pagbayaran ang nagawa niya.

Beca: Pero buo na po ang desisyon ko, gusto ko po na iurong ang demanda laban kay Melton pero sa isang kondisyon...

Arnaldo: Ano yun?

Beca: Na lalayo na siya at hindi na magpapakita pa sa akin.

Nagkatinginan sina Brando at Lauren.

+++++++++++++++++++++++

Dumalaw sina Paula, Trisha at Gema kay Princess sa Hospital.

Gising si Princess kaya nakakausap nila ito. Nasa labas naman si Grey.

Paula: Nakakabigla naman ang nangyari.

Trisha: Hindi kami makapaniwala nung nalaman namin.

Gema: Ipagdadasal namin na sana gumaling ka na, Princess. Huwag kang mawawalan ng pag asa, lumaban ka para kay Grey.

Princess: Salamat sa inyo ah? Lagi kayong nandiyan para kay Grey. Salamat din sa concern niyo sa akin. Alam kong hindi na ako magtatagal kaya sana pag nawala na ako, gawin niyo ang lahat para magkabalikan sina Beca at Grey.

Nagkatinginan silang lahat.

Paula: W-What?

Gema: Seryoso ka ba, Princess?

Trisha: Si Beca at Grey?

Princess: (Ngumiti) Alam nating lahat na mahal nila ang isa't-isa noon at naniniwala ako na sila ang para sa isa't-isa. Magiging masaya ako kung silang dalawa ang magkakatuluyan. Ipinakiusap ko na yun kay Beca noon bago pa mag birthday si Grey.

Paula: Pero Princess, buhay ka pa at mabubuhay ka pa ng matagal.

Gema: Tama si Paula, hindi ba nga't aalis na kayo ni Grey next week papuntang states para magpa opera ka na doon?

Trisha: Ipagdadasal namin na maging successful ang operasyon mo at gagaling ka. Maniwala ka.

Princess: (Napaluha) Gusto kong maniwala, gusto ko pang mabuhay pero kung talagang mamamatay na ako, tatanggapin ko yun ng buong puso.

Nung Ma In Love Ako Sa'yo! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon