CHAPTER EIGHTEEN
Parating ang kotse ni Grey.
Bumusina ito at lumabas ang isang katulong tsaka pinag buksan ng gate si Grey.
Nakamasid pa rin si Beca sa bahay nina Grey.
Gusto niyang bumaba, gusto niyang kausapin si Grey pero para ano pa? Hindi ba't niloko siya nito?
Oo, mahal pa niya si Grey pero si Grey kaya? Mahal pa rin siya?
Eh mukhang may girlfriend na ito. Si Princess Villarica. Magka-holding hands pa nga silang umalis noon sa event.
Pinukpok niya ang ulo niya. Inis na inis siya.
Beca: Ang tanga tanga mo talaga Beca! Bakit ka ba nandito!? Bakit gusto mo siyang makita? Pagkatapos ng mga ginawa niya sa'yo? Ha?!!!
Agad niyang pinaandar ang kotse niya at nilisan na ang lugar na iyon.
--------
Sa office ni Beca, nakabalik na siya. Hindi niya inaasahan na nandoon si Melton. Tumayo si Melton sa couch ng dumating si Beca.
Melton: Where have you been? Ang sabi ng secretary mo pina-cancel mo lahat ng appointments mo today? Sinabi pa niya na tulala ka kanina? Anong problema?
Beca: W-wala... (Inilapag ang bag sa table niya).
Melton: Wala? (huminga ng malalim) Alam kong meron!
Beca: Honey, please? Huwag mo na lang akong tanungin. Pagod ako. Wala naman kasi talaga akong problema. Lumabas lang ako para magpa hangin kasi nai-stress ako sa mga trabaho ko dito sa office.
Melton: Trabaho nga ba ang dahilan o may iba pa?
Beca: Wala nga! (Sigaw niya)
Nabigla si Melton. Napansin niya na may mga empleyadong lumingon dahil nakabukas ang pinto ng opisina ni Beca.
Isinara ni Melton ang pinto.
Melton: Huwag kang mag sinungaling sa akin, Beca! Saan ka ba talaga galing? Kay Grey ba ha? Nagkita ba kayo?
Beca: Hindi! (maluha-luha ito) Hindi kami nagkita! Oo pinuntahan ko siya sa bahay nila pero hindi kami nagkita.
Napa buntong hininga si melton.
Melton: So si Grey nga. Siya nga ang dahilan. Bakit Beca? Mahal mo pa rin ba siya? Pagkatapos ka niyang lokohin, siya pa rin ba? Ha?
Napaiyak na si Beca.
Melton: Beca, ginawa ko na lahat para makalimutan mo siya! Nagbago ako para sa'yo! Alam mo kung gaano kita kamahal Beca! Mahal na mahal kita! Pero bakit? Bakit si Grey pa rin?!!! Bakit!!!?
Napaiyak na rin si Melton.
Beca: I'm sorry....
Nagpunas ng luha si Melton at lumabas ng opisina ni Beca.
Iyak ng iyak si Beca.
-----------
KINABUKASAN.
Kasama ni Ms. Larah si Grey sa isang Building kung saan ang opisina ng TERNO CLOTHING.
Kakatapos lang nilang makipag meeting kay Mr. Ternozo.
Naging maayos ang pag uusap nila at agad naka pirma ng kontrata si Grey as one of the Endorsers of TERNO Clothing.
Pasakay na sila ng elevator.
Larah: Congrats, Grey.
Grey: Thanks Ms. Larah.
BINABASA MO ANG
Nung Ma In Love Ako Sa'yo! (Completed)
RomanceSi Beca na napaka ganda ay na in-love kay Grey na hindi ka-gwapuhan.Maraming hindi sang ayon sapag iibigan nila pero walang rason para hiwalayan nila ang isa't-isa. Ngunit nandiyan si Melton,ang ex boyfrined ni Beca na gagawin ang lahat para muling...