CHAPTER TWENTY
Paalis si Grey ng bahay nila.
Nadatnan siya ng mommy niya na galing sa kusina.
Eloisa: Oh hijo, aalis ka na?
Grey: Yes, mommy. May pictorial po kasi ako ngayon.
Eloisa: Ganun ba? Oh sige. Mag iingat ka ha?
Grey: Yes, mommy.
Yumakap si Grey sa ina at umalis na.
++++++++
Kausap naman ni Melton sina Daj at Ecker sa I heart coffee.
Melton: Wala ba kayong matandaan?
Daj: Eh lasing na lasing na rin kami eh. Ginising na nga lang kami ng isa sa mga bouncers mo dun sa bar.
Ecker: Ang sabi nila umalis ka na daw kasama yung isang babae.
Melton: Si Arish...
Daj: Saan kayo nagpunta? Don't tell me inuwi mo siya sa bahay niyo? Lupit mo talaga! Lodi! Hahaha!
Melton: Hindi. Wala nga rin akong matandaan eh. Basta pag gising ko nasa isang kwarto na kami. Sa isang hotel.
Ecker: HOTEL? Dude, you mean may nangyari sa inyo? Nice one! Hahahaha!
Daj: Ibang klase ka talaga! Ang lupet! Hahaha!
Hindi umimik si Melton.
—————
Sa mall, magkakasama sina Beca, Roxy, Amanda at Zandra. Nasa isang botique sila.
Zandra: (Hawak ang isang bag) OMG! This one's nice!
Roxy: Alam niyo girls kung minsan mas okay din na hindi natin kasama ang mga boyfriends natin noh? Kasi kahit gaano tayo katagal mag shopping walang nagrereklamo.
Amanda: True! Eto nga lang si Paul eh kapag kasama ko halos kakapasok lang namin ng mall ah, nagyayaya na agad umuwi, gosh!
Beca: (Ngumiti) Si Melton hindi naman ganun kasi he always make sure na kapag magsha-shopping ako eh hindi siya kasama! Haha!
Zandra: Speaking of Melton, hindi ka ba niya hinahanap? Hindi ba laging bantay sarado yun sa'yo? Lalo ngayon na alam niyang nagbalik na si Grey!
Natahimik si Beca.
Beca: Wala naman siyang dapat ipag alala eh. Wala naman na akong balak makipag usap sa Grey na yun.
Zandra: Well, tama yan. After all, niloko ka niya. Pero imposible din na hindi mag krus ang mga landas niyo. Kaya kung ako sa'yo iiwasan ko siya kapag nagkita kayo. Para iwas sa gulo.
Hindi kumibo si Beca.
+++++++++
SATURDAY....
Nasa bahay nina Beca si Melton. Magkausap sila sa living room.
Melton: Sa Cebu?
Beca: Oo. May aasikasuhin kasi kami ni Daddy doon eh. Alam mo naman na hindi ko pwedeng tanggihan si Daddy. It's our business.
Melton: I understand. Ilang araw kang mawawala?
Beca: 5 days? 1 week? Depende. Don't worry, tatawagan kita lagi.
Melton: (ngumiti) Sige. Basta mag iingat ka lagi dun.
Beca: Oo naman.
+++++++
Sa office ni Ms. Larah, kausap niya si Grey.
Larah: We will fly to Cebu this week kasi may event ang TERNO dun at gusto nilang i-guest ka. After that may isa pang show dun and kinukuha ka nila as one of the judges. Mauuna lang siguro ako sa'yo dun.
BINABASA MO ANG
Nung Ma In Love Ako Sa'yo! (Completed)
RomanceSi Beca na napaka ganda ay na in-love kay Grey na hindi ka-gwapuhan.Maraming hindi sang ayon sapag iibigan nila pero walang rason para hiwalayan nila ang isa't-isa. Ngunit nandiyan si Melton,ang ex boyfrined ni Beca na gagawin ang lahat para muling...