"Nung Ma-Inlove Ako Sa'yo!"
CHAPTER TWO
Sa garden ng bahay nina Beca ay kausap niya ang kaibigan niyang si Roxy habang nakaupo sila sa isang maliit na white round metal with glass table. Maganda din siya, sosyalera, maarte at higit sa lahat superficial.
Uninom ng juice si Roxy tsaka nagsalita.
Roxy: Kalat na kalat na sa facebook page ng bridget's yung photos at videos niyo ni Greyson habang hinaharana ka niya. Aba, umabot na ng 10k likes at 750 shares! To think 1 week pa lang ang nakakalipas! Nakakaloka! Umabot pa sa ibang bansa yung ka-CORNY-han ng jowa mong guy version ni Ugly Betty! (Umirap kay Beca). Kung may UNLIKE lang talaga sa facebook-----
Beca: Stop it, Roxy! (pagputol niya sa dire diretsong pagsasalita ni Roxy). Kung ka-Corny-han yun sa'yo, para sa akin, ka-Sweet-tan yun! Tsaka nakita ko sa facebook, mas maraming positive comments kesa negative!
Roxy: What ever! My God, Beca! Wala na bang iba? Can't you see? Pinagtatawanan ka na ng mga friends natin? Specially ng mga friends ni PAPA MELTON! Your super HOT EX boyfriend!
Alam mo ba, ang dami-dami ko nang naririnig na pang lalait about you and that creature (grey). Aren't you bothered? Kasi ako bothered na bothered na! Ginayuma ka ba niya? Paano mo siya napag tiyagaan ng 2 months?
Halatang naiinis na si Beca sa mga sinasabi ni Roxy pero nagpipigil siya. Sa tuwing nagkikita sila eh lagi na lang pang lalait tungkol kay Grey ang lumalabas sa mahaderang bunganga ni Roxy. Huminga ng malalim si Beca.
Beca: I love Grey! Tanggapin niyo na lang yun.
Roxy: Hay! Ewan ko sa'yo! Siguro talagang ginayuma ka na niya! Anyway, I need to go. Magpapa facial kami ni Zandra. Sabi ko nga yayayain kita pero ayaw niyang kasama ka. See? Naapektuhan na pati yung pagiging famous mo sa school!
Beca: I don't care. Ayoko din namang makita yung mukha niyang retokada! Plastic. Sige na, umalis ka na.
Roxy: Okay, bye bitch!
Nagbeso-beso sila at umalis na si Roxy.
Kahit minsan naiirita siya dito ay hindi niya magawang magalit kay Roxy dahil mula pa nung grade school ay magkaibigan na sila. Bitch nga ito pero alam niya na hindi ito plastic gaya ng iba nilang friends. Si Roxy lang ang pinag kakatiwalan niya kahit pa napaka Anti-Grey nito.
-----
Sa bahay nina Grey, naglalaro sila ng pinsan niyang si West ng Rayman Legends sa Xbox360.
Gwapo ang pinsan niya, palibhasa may lahing brazilian at Japanese pero dito lumaki sa pilipinas kaya astang pinoy pa rin.
West: Kuya Grey, Astig ah! Nakita ko yung photos niyo ni Ate Beca sa Facebook! Dami niyong FANS! Daig niyo pa artista!
Napangiti si Grey. Hindi niya rin kasi akalain na magiging ganoon kalakas ang epekto sa mga tao ng ginawa niya. Para siyang naging isang INSTANT CELEBRITY. Pero sa kabilang banda, hindi siya natutuwa na ngayon mas marami na ang nakakaalam ng relasyon nila (na halos itakwil ng mga maarteng estudyante ng Bridget's) hindi lang sa buong bridget's kung hindi sa pilipinas o sa buong mundo na.
Alam niya na marami naman ang good comments pero may nababasa pa rin siya na mga bad comments gaya ng...
"HINDI SILA BAGAY!"
"Ang CHAKA nung GUY!"
"Sweet pero parang scripted naman!"
"Beauty and The Beast!"
"Ewwww! Kadiri!"
Natulala siya sa pag-iisip. Hindi na niya namalayan ang nilalaro.
West: YES!
Nagulat si Grey.
Grey: Oh! Ano ba yan!
West: Eh ikaw kasi, tulala ka!
Nag ring ang phone ni Grey--- (B-ko) Si Beca ang tumatawag.
Grey: B-ko? Napatawag ka?
Beca: Wala lang, na-miss kita bigla eh. Kaya ayoko ng sunday eh, hindi tayo nagkikita.
Napangiti si Grey sa sinabi ni Beca. Napawi lahat ng lungkot. Ano nga bang paki niya kung ayaw nila sa kanya para kay Beca? Ang mahalaga, MAHAL siya ni Beca. Manigas sila.
Grey: Edi, magkita tayo. Let's have dinner?
Narinig niya ang ngisi ni Beca sa kabilang linya.
Beca: Talaga? Oh sige! Saan ba?
Grey: Bahala na, susunduin kita diyan. 6pm.
Beca: Okay. Bye, I love you G-ko!
Grey: (Kinilig) I love you more B-ko!
Naputol na ang linya. Nakatingin sa kanya si West at tila nakangiti na pang asar.
West: Uyyyy! May dinner date sila! Sama ako!
Grey: Sira! Hindi pwede! Dito ka na lang magsawa ka sa XBOX! (Tumayo siya at nagmadaling umakyat ng hagdan patungo sa kwarto niya).
----
Eksaktong 6pm, huminto ang itim na Volvo V40 sa tapat ng gate nina Beca. Sakay sa loob si Grey sa driver's seat. Bumusina siya at ilang sandali pa ay lumabas na si Beca na naka floral dress, nakalugay ang mahaba at brown nitong buhok. Napako ang tingin ni Grey kay Beca habang papalapit na ito sa kotse niya. Napaka gandang babae, parang anghel na nalaglag sa lupa at napulot ng isang taga lupa. Hindi niya namalayan na kinakatok na pala siya ni Beca. Nagulat siya at agad niya itong pinag buksan. Sumakay na si Beca sa tabi niya.
Ngumiti si Beca.
Beca: Let's go!
Napatango na lang si Grey. Naamoy niya ang pabangong gamit ni Beca. Nakaka adik ang amoy na 'yun.
Pinaandar na niya ang kotse.
------
Sa isang Italian Restaurant sila nagpunta. Agad silang sinalubong ng lalakeng waiter at inassist sila patungo sa isang table, hinila ng waiter ang upuan at naupo na si Beca at tsaka naupo si Grey at inabutan na sila ng menu ng waiter.
Grey: Thanks (sabi sa waiter). (Tumingin siya kay Beca) What do you want?
Abala sa pagbabasa ng menu si Beca.
Beca: Hmmm... Shrimp fra diavolo na lang ang sa akin.
Nakapag desisyon na rin si Grey sa oorderin niya.
Grey: Okay, give us Shrimp fra diavolo and Penne Alla Vodka.
Waiter: Okay Sir, how about for dessert?
Grey: Mamaya na lang, tatawagin kita.
Waiter: Okay po.
Umalis na ang waiter.
Nagtitigan sina Grey at Beca. Kita sa mga mata nila na inlove sila sa isa't-isa.
Pangalawang beses pa lang nilang kumakain sa labas. Pero iba ito, mas special kasi Dinner Date at sa mamahaling restaurant pa.
Maya maya ay may dumating na lalake at babae. Naka pulupot ang kamay ng magandang babae na tila artista sa braso ng isang pamilyar sa kanilang lalake. Naagaw nila ang atensiyon nina Grey at Beca.
Si Melton iyon ang EX Boyfriend ni Beca bago si Grey. Siya ang lalakeng nakamasid noon nung hinaharana ni Grey si Beca sa park ng Bridget's. Nakita sila ni Melton. Nag half smile ito sa kanila na naupo sa table malapit sa kanila.
Tinitigang mabuti ni Beca ang babae.
Si Penelope, isang hindi naman kasikat na artista pero kilala na rin kahit papaano.
Tila may pagtataka sa mukha ni Beca, napansin yun ni Grey pero hindi na siya nag usisa.
Bumaling muli ang tingin ni Beca kay Grey at ngumiti. Pero hindi niya mapigilan na lumingon sa table nina Melton at Penelope.
Itutuloy....
-----
theme song: Puzzle Of My Heart- Westlife.
BINABASA MO ANG
Nung Ma In Love Ako Sa'yo! (Completed)
RomanceSi Beca na napaka ganda ay na in-love kay Grey na hindi ka-gwapuhan.Maraming hindi sang ayon sapag iibigan nila pero walang rason para hiwalayan nila ang isa't-isa. Ngunit nandiyan si Melton,ang ex boyfrined ni Beca na gagawin ang lahat para muling...