Chapter Nine (Perfect Set-up)

156 3 3
                                    

CHAPTER NINE

Sa loob ng isang kwarto sa resort kung saan nagka kwarto si Beca.

Nakahiga siya sa kama suot pa rin ang gown niya.

Hindi pa rin siya tumitigil sa pag iyak.

Paulit ulit niyang naaalala ang mga nangyari. Ang ginawa ni Melton at ang nakita niyang pakikipag halikan ni Grey sa ibang babae.

Beca: Why? Why Grey? Why?

Hindi niya lubos maisip na magagawa yun ni Grey. Mahal na mahal niya si Grey at ang buong akala niya ay iba ito sa ibang mga lalake lalo na kay Melton. Pero sa nakita niya, mukhang nagkamali na naman siya ng lalakeng minahal.

Tinanggap niya si Grey ng buong puso. Minahal ng sobra at nagtiwala dahil kahit maiksi pa lang ang panahon na mag kasintahan sila ay naramdaman niya na mahal siya nito. Alam niya na hindi siya lolokohin nito pero MALI! MALING-MALI!

Galit na galit siya! Nasasaktan siya!

Kung makakaharap niya si Grey ngayon ay talagang makakatikim ito ng maraming sampal at masasakit na salita.

Iyak siya ng iyak. Kinakatok siya ng mommy niya pero hindi niya ito pinag bubuksan.

Beca: I HATE YOU GREY! I HATE YOU!!!!! :"(((

------

Sa labas...

Grey: Ano Melton? Magsalita ka!

Melton: YES! Totoo yun! You know what? I just did you a favor! Kasi kung ikaw ang lalabas sa stage siguradong mabu-BOO ka lang at pagtatawanan! Bibigyan mo lang ng kahihiyan ang pamilya ni Beca. Kaya naisip ko na saluhin ka.

Natawa sina Daj, Ecker at Zandra.

Tahimik lang si Roxy.

Grey: Hindi mo dapat ginawa yun! Pinaghirapan ko yun, plinano ko yun! Ako dapat ang gumawa nun!

Pasigaw na sinabi ni Grey at Dinuro si Melton.

Melton: You know what, Grey? Hindi naman kasi talaga kayo bagay ni Beca eh. Can't you see? Everybody is against you! Even her relatives!

Grey: Hindi totoo yan!

Natawa sina Melton.

Melton: Oh come on, Grey! Huwag kang mag bulag bulagan! Huwag kang mag bingi bingihan! Alam mo sa simula palang hindi ka na bagay kay Beca. Dahil maganda siya at pa---- yun na yun!

Ngumisi sina Daj at Ecker.

Grey: Mahal ako ni Beca! Kapag nalaman niya 'to, magagalit siya sa'yo! Pinagkatiwalaan ka niya. Nakipag ayos siya sa'yo dahil ang buong akala niya gusto mo lang talagang makipag kaibigan ulit sa kanya pero yun pala may ibang plano ka!

Melton: (Ngumiti) Hindi ka niya mahal. Ginamit ka lang niya para pag selosin ako at saktan ang pride ko. Kasi nga naman ang laking insulto yun sa akin na ipagpapalit niya ako sa kagaya mo!

Grey: Hindi totoo yan! Mahal namin ang isa't-isa!

Melton: ASA! Siguro ikaw, Oo! Mahal mo siya! Pero hindi sapat na MAHAL MO SIYA! Dahil hindi ka naman niya talaga mahal! GINAMIT ka lang niya! Panakip butas ka lang dahil ang totoo, AKO PA RIN ANG MAHAL NIYA!

Nagpipigil si Grey sa galit na nararamdaman niya. Nakatiklop na ang nga kamao niya.

Grey: Bawiin mo ang sinabi mo!

Melton: HINDI KO BABAWIIN DAHIL YUN NAMAN ANG TOTOO!

Grey: BAWIIN MO!!!!

Melton: HINDE!

Nung Ma In Love Ako Sa'yo! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon