Chapter Six (Ang Pagkakaayos)

164 4 2
                                    

CHAPTER SIX

KINABUKASAN matapos ang klase ay dumiretso na si Beca sa isang coffee shop kung saan sila magkikita ni Melton.

Minabuti nalang niya na huwag sabihin kay Grey dahil baka kung anong isipin nito.

Ang buong akala ni Grey ay umuwi na si Beca.

Pumasok ng Coffee shop si Beca, agad niyang natanaw si Melton na nakaupo sa couch habang iniinom ang hot coffee latté.

Lumapit siya kay Melton.

Ngumiti si Melton.

Naupo na si Beca.

Melton: Salamat at dumating ka.

Beca: Hindi rin ako magtatagal, siguradong tatawag sa akin si Grey mamaya at ayokong malaman niya na hindi pa ako umuwi.

Napangiti si Melton pero agad lumungkot ang mukha nito.

Melton: Mahal mo talaga siya noh?

Natigilan si Beca, first time niyang marinig sa ganoong tono si Melton. Parang ang lungkot lungkot ng boses nito.

Beca: Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, Melton. Alam mo kung bakit ako nakipagkita sa'yo.

Melton: Of course. I want to settle things between us. Para hindi na rin tayo parehas nahihirapan.

Beca: (Ngumiti) Ako din, ayoko na yung eksenang nag iiwasan tayo kapag nagkikita sa school.

Melton: I'm sorry Beca.

Malungkot na naman ang tono niya.

Melton: I'm sorry kung hindi kita pinahalagahan. I'm sorry dahil nasaktan kita. Sorry talaga.

Beca: Wala na sa akin yun. The moment na nag decide akong makipag ayos sa'yo, sinabi ko sa sarili ko na napatawad na kita.

Nakita niya na may tumulong luha kay Melton. Nahabag siya. Ngayon lang din niya nakitang lumuha si Melton. Siya ba talaga ito? Sa isip niya.

Melton: Thank you, Beca. Thank you for forgiving me. (Huminga ng malalim). Sa totoo lang, Nahihiya ako sa'yo eh, sa tindi ng ginawa ko sa'yo hindi ko deserve na patawarin mo ako ng ganun lang pero ginawa mo pa rin. Napaka bait mo. Ang swerte swerte ni Grey sa'yo. Now I realized your worth. Pero huli na eh, hindi na ako ang mahal mo. I envy that guy (Grey). Sana hindi ka niya lokohin gaya ng ginawa ko sa'yo. Sana maging masaya ka sa kanya.

Beca: I am, Melton. At hindi niya ako lolokohin. Iba siya, iba si Grey.

Melton: I know. That's why I envy him.

Pareho silang wala nang masabi kaya tumayo na si Beca.

Beca: Anyway, I have to go. Atleast ngayon medyo magaan na ang loob ko.

Tumayo na rin si Melton.

Melton: Ako din. Salamat ulit.

Beca: (Ngumiti)

Tumalikod na si Beca.

Melton: Wait...

Natigilan si Beca at humarap kay Melton. Mabilis ang mga pangyayari, niyakap siya ni Melton. Hindi na siya pumalag. Alam niya na wala nang ibig sabihin ang yakap na iyon. Agad din naman siyang pinakawalan ni Melton.

Melton: Salamat ulit. Mag iingat ka pag uwi.

Beca: Sige...

At umalis na si Beca. Sinundan siya ng tingin ni Melton. Nakangiti ito.

-------

Kinabukasan sa Bridget's.

Nasa Ladies Restroom sina Beca at Roxy habang nakaharap silang pareho sa salamin. Agad ibinalita ni Beca kay Roxy ang pagkakaayos nila ni Melton.

Nung Ma In Love Ako Sa'yo! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon