Chapter Twenty Six (Grey Vs.Melton)

297 4 8
                                    

CHAPTER TWENTY SIX

Hindi natinag si Grey sa masamang titig ni Melton at nakipag titigan din siya dito.

Melton: Sabihin mo sa akin, ikaw ba ang nagpakalat ng mga photos ko sa internet? Ikaw ba ang nag utos kina Arish para i-set up ako?

Napangiti si Grey.

Grey: Ako nga. Ayos ba? Bakit? Nakita na ba ni Beca? Nagalit ba siya sa'yo? (Sarcastic smile).

Melton: Hayop ka, binalaan na kita pero hindi ka nakinig!

Grey: Hindi ako natatakot sa mga banta mo sa akin, Melton. Gaya ng sinabi ko dati, ikaw ang dapat matakot dahil ikaw ang may kasalanan sa akin!

Melton: Eh tarantado ka pala eh!

Sasapakin ni Melton si Grey pero nasalag ito ni Grey pinilipit niya ang kamay ni Melton at itinulak ito. Napaupo si Melton.

Grey: Akala mo ba ikaw lang ang may kayang gawin ang mga ganung bagay? Akala mo ba ikaw lang ang maruming maglaro?

Melton: Hindi mo mababawi si Beca sa akin kahit anong gawin mo! Akin si Beca! Gagawin ko ang lahat para hindi siya bumalik sa'yo!

Grey: Wala na akong pakialam sa kanya! Ginawa ko lang yun para maramdaman mo kung paano ang mapag laruan!

Melton: Hayop ka talaga!!!

Tumayo si Melton sinugod muli si Grey pero naunahan agad siya ni Grey ng sapak sa mukha.

Sinubukang gumanti ni Melton pero hindi siya nanalo kay Grey.

Malakas si Grey at nabugbog niya si Melton.

Lumabas sina West at Eloisa at nakita nila ni binubugbog ni Grey si Melton.

Eloisa: Diyos ko! Anak! Tama na yan! West awatin mo ang kuya Grey mo bilis!

Tumakbo si West para awatin si Grey.

West: Kuya tama na.

Binitawan ni Grey si Melton at itinulak.

Bulagta sa kalsada si Melton.

Grey: (Dinuro si Melton) Umalis ka na dito dahil baka mapatay pa kita!

Nakahawak sina Eloisa at West sa magkabilang braso ni Grey.

Tumayo si Melton. Masakit ang katawan at dumudugo ang ilong at labi. Tinignan niyang muli si Grey.

Melton: Hayop ka Grey! Makakabawi din ako sa'yo! Babalikan kita!

Grey: Hihintayin kita!

Pumunta na si Melton sa kotse niya at sumakay tsaka umalis.

Sinundan ito ng tingin nina Grey.

••••••••••••••••

KINABUKASAN...

Nagkita-kita sina Roxy, Zandra at Amanda sa I Heart Coffee. Nakaupo sila sa isang couch.

Roxy: Umalis si Brix papuntang Cebu. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin. Galit siya sa akin dahil sa mga nalaman nila ni Beca.

Amanda: Mabuti ka pa nga eh may LQ lang kayo ni Brix. Samantalang kami ni Paul break na.

Roxy: Ano?

Zandra: Bakit? Kelan pa?

Amanda: (Napaluha) Kagabi lang. He saw me kissing with another guy.

Zandra: Eh kasalanan mo naman pala eh. May boyfriend ka na tapos nakikipaghalikan ka pa sa ibang lalake?

Nung Ma In Love Ako Sa'yo! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon