CHAPTER TWENTY SEVEN
Mabilis na lumipas ang mga araw...
Nakabalik na si Brix mula sa Cebu, nagkita sila ni Roxy sa isang restaurant.
Tahimik lang si Brix.
Roxy: I'm sorry, Brix. Alam kong may kasalanan ako kay Beca, I betrayed my bestfriend. Natakot lang kasi ako noon kay Melton eh, gustong gusto ko na talagang sabihin noon kay Beca yung totoo pero naunahan na ako ng takot eh.
Napaluha si Roxy.
Roxy: Naiintindihan ko kung bakit galit ka rin sa akin pero sana mapatawad mo na ako.
Huminga ng malalim si Brix.
Brix: When I was in Cebu, na-realize ko na hindi dapat ako nagalit sa'yo. Siguro nga may kasalanan ka pero may kasalanan din naman ako. Hinayaan ko si Melton na maloko niya si Beca dahil ayoko naman talaga kay Grey noon para sa kapatid ko. Natatandaan ko din noon sa parking area ng triangle bar na sinasabi ni Grey na may alam ka pero nakita ko na natatakot kang magsalita noon kaya kinampihan mo si Melton.
Roxy: I'm so sorry, Brix...
Brix: Don't be, Roxy. Now I understand kung bakit mo nagawa yun. I'm sorry kung nagalit ako sa'yo.
Hinawakan niya ang kamay ni Roxy.
Napaluha si Roxy pero masaya siya na napatawad na siya ni Brix.
Brix: Don't worry, I'll try to talk to my sister para mapatawad ka na rin niya.
Roxy: Thanks...
•••••••••••••••••
Naging busy si Beca sa trabaho niya. Nakatulong ito kahit papaano na mabawasan ang bigat ng kalooban niya.
Sa isang building. Kakatapos lang makipag meeting ni Beca sa isa sa mga kliyente nila. Nasalubong niya sa lobby sina Grey at Princess na magkahawak kamay.
Natigilan siya. Ganoon din sina Grey at Princess.
Princess: Oh Hi, Beca! (Nakangiti).
Hindi makatingin ng diretso si Beca kina Grey at Princess.
Beca: H-Hi...
Grey: What are you doing here?
Beca: Ma-May ka-meeting kasi ako kanina. Si-sige ah, I have to go.
Paalis na siya pero tinawag siya ni Grey.
Grey: Wait, Beca.
Natigilan si Beca at nilingon si Grey.
Grey: I want to invite you on my birthday.
Natameme si Beca. Napaka awkward naman ng eksenang iyon lalo na at kasama ni Grey si Princess.
Princess: Yeah, you should be there.
Beca: (Pilit ang ngiti) S-sige, su-susubukan kong makapunta. Thanks for inviting me. I have to go...
Nagmadaling umalis si Beca.
Nang aasar lang ba si Grey? Sa isip niya. Gumaganti ba siya dahil sinaktan niya ito?
Mukhang wala na ngang natitirang pagmamahal si Grey para sa kanya. Sa nakita niya mukhang masaya at okay na okay na siya kay Princess.
Parang kinurot ang puso niya at napaluha na naman siyang muli.
••••••••••••••••••
I HEART COFFEE
Daj: Ang balita ko magkakaroon ng birthday party si Grey next week.
BINABASA MO ANG
Nung Ma In Love Ako Sa'yo! (Completed)
Storie d'amoreSi Beca na napaka ganda ay na in-love kay Grey na hindi ka-gwapuhan.Maraming hindi sang ayon sapag iibigan nila pero walang rason para hiwalayan nila ang isa't-isa. Ngunit nandiyan si Melton,ang ex boyfrined ni Beca na gagawin ang lahat para muling...