CHAPTER SEVENTEEN
Sa kotse ni Grey (driving). Katabi niya si Princess.
Princess: Finally, nakaharap mo na ulit sila and gaya ng inaasahan natin nabigla talaga sila. Hindi sila makapaniwala na ikaw na nga yan. How does it feel?
Huminga ng malalim si Grey at ngumiti kay Princess.
Grey: Masarap. Para akong nabunutan ng isang napakalaking tinik sa lalamunan. Gusto ko pa sanang makita ang mga mukha nila lalo ni Beca pero sa tingin ko hindi doon ang tamang lugar. Pero umpisa pa lang naman yun, marami pang pagkakataon para maisagawa ko ang pag ganti sa kanilang lahat.
Princess: But what if sa bandang huli, ikaw pa rin ang masaktan? Grey, Nag aalala ako for you.
Grey: (Umiling) No, Princess. Hindi ko na sila hahayaan na saktan ako. Kaya ko nang lumaban. Kaya ko nang protektahan ang sarili ko. Trust me (ngumiti siya kay Princess).
Hindi na kumibo si Princess.
------
Sa kotse naman ni Melton (driving) katabi niya si Beca. Halatang balisa si Beca.
Melton: Iniisip mo pa rin ba siya?
Beca: (Nabigla) Ha?
Melton: Si Grey. Siya ba ang dahilan kung bakit tahimik ka?
Beca: Na-nabigla lang kasi ako. Hindi ko inaasahan na siya ang lalakeng iyon.
Melton: Ako din, ni hindi ko naisip na siya nga yun. Kaya pala ang sama niyang tumingin sa akin kanina sa backstage pa lang. Akalain mo yun? Ang dating payat, baduy at panget na si Grey eh ibang iba na ngayon. Isang taon lang natin siyang hindi nakita eh ang laki na agad ng ipinagbago niya. Hindi kaya nagpa retoke siya?
Beca: Huwag na natin siyang pag usapan. Bilisan mo na lang ang pagda drive. Inaantok na ako eh. Gusto ko nang magpahinga.
Hindi na nagsalita si Melton.
-------
Kinabukasan sa bahay nina Grey.
May kausap si Grey sa phone.
Grey: Sige, ite-text ko sa inyo kung saan tayo magkikita-kita. Okay, bye. (End call).
Nasa likuran niya si Princess.
Princess: Sino yun?
Lumingon si Grey.
Grey: Prinsesa? Kaibigan ko nun sa bridget's. Magkikita lang kami dahil may ipapagawa ako sa kanya.
Princess: Part of your plans?
Grey: (Ngumiti)
Princess: Well, good luck with that.
Grey: Ang aga mong pumunta dito ah? Anong meron? Nakatulog ka bang mabuti?
Princess: Konti. Kailangan eh, pupunta ako sa Davao. Mamayang hapon ang flight ko. Biglaan eh. Kinuha akong judge sa isang fashion show dun. 3 days akong mawawala.
Grey: Ganun? Oh sige mag iingat ka dun ah? Tawagan mo ko lagi.
Princess: (Ngumiti) Opo! At ikaw naman mag behave ka ah!
Grey: (natawa) Oo naman. Kailan ba ako hindi naging behave?
Princess: Malay ko ba? Hehe.
Niyakap siya ni Grey.
Grey: I love you.
Nabigla si Princess.
Yun ang unang beses na sinabihan siya ni Grey ng "I Love You". Kahit pa naman may mutual understanding na sila eh hindi pa sila nag a-I love you-han.
BINABASA MO ANG
Nung Ma In Love Ako Sa'yo! (Completed)
RomanceSi Beca na napaka ganda ay na in-love kay Grey na hindi ka-gwapuhan.Maraming hindi sang ayon sapag iibigan nila pero walang rason para hiwalayan nila ang isa't-isa. Ngunit nandiyan si Melton,ang ex boyfrined ni Beca na gagawin ang lahat para muling...