Chapter Twenty Eight (Ang Pakiusap)

200 3 2
                                    

CHAPTER TWENTY EIGHT

Isang araw bago ang birthday ni Grey...

I Heart Coffee.

Magkakasama sina Zandra, Amanda, Ecker at Daj.

Zandra: Ang tagal naman ni Melton.

Amanda: Eh bakit niya ba kasi tayo biglang pinatawag lahat?

Ecker: Siguradong magpapatulong na naman yun.

Zandra: Magpapatulong? Saan? Kay Beca? Eh alam naman niyang galit siya sa ating lahat eh.

Daj: Sa plano niyang pag ganti kay Grey.

Amanda: What? Ano na namang plano niya? Hay nako, ayoko na ha! Hindi na ako sasali diyan!

Tumayo si Amanda.

Tumayo din si Zandra.

Zandra: Me too. Ayoko nang makisali sa issue niya kay Grey.

Pumasok si Melton.

Melton: Oh guys, pasensiya na kung medyo nahuli ako ng dating. Mabuti naman at kumpleto tayo.

Natigilan sina Amanda at Zandra.

Melton: Zandra, Amanda. Bakit nakatayo kayo? Aalis na ba sana kayo?

Zandra: Ah... Bakit ba kasi biglaan mo kaming pinapunta dito ngayon?

Amanda: Oo nga, ano ba talagang sasabihin mo sa amin?

Melton: Okay, ayoko nang nagpaliguy-ligoy pa...

Maupo muna kayo.

Napilitang umupo muli sina Zandra at Amanda.

Ecker: So ano dude? Anong plano?

Daj: Hihiyain ba natin si Grey sa mismong birthday party niya?

Ecker: Reresbakan ba natin siya?

Melton: (Ngumiti) Hindi.

Nagtaka silang lahat.

Daj: So, ano?

Ecker: Bakit mo kami gustong makausap lahat?

Melton: Magpapaalam lang ako sa inyo.

Zandra: What do you mean, magpapaalam?

Amanda: Aalis ka?

Melton: Yes. Naisip ko kasi na wala na akong pag asa kay Beca. Gusto ko ng makalimot at magsimula ng bagong buhay. Magagawa ko lang yun kapag umalis ako.

Ecker: Seryoso ka?

Daj: Eh nung huling kita lang natin may sinabi ka sa amin na may ihahanda kang surpresa sa birthday ni Grey diba?

Melton: Oo nga. Pero naisip ko, para saan pa? Wala na rin namang mangayari eh.

Amanda: Mabuti naman kung ganun. Kasi sa totoo lang Melton, ayaw na naming maging parte ng mga evil plans mo.

Zandra: Tama si Amanda. Nakaka guilty na kasi eh. Lalo na ngayon na galit na si Beca sa ating lahat.

Melton: Pasensiya na kayo kung nadamay pa kayo ah? Sorry talaga.

Ecker: So, kelan ang alis mo?

Melton: Nakausap ko na si Daddy kahapon. This Saturday, aalis na ako papuntang Thailand.

Daj: Mag iingat ka dude.

Zandra: Mami-miss ka namin.

Amanda: Oo nga.

Melton: Salamat sa inyo.

Ngumiti si Melton.

•••••••••••••••••••••

Nung Ma In Love Ako Sa'yo! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon